Friends vs. Lovers
"Ganyan ka naman.. Naaalala mo lang kami kapag wala kang jowa."
"After all this time, ngayon ka lang magpaparamdam?"
"Ohh bakit? Break na kayo!? Sus!"
Linyahan nang mga bespren mo kapag nakikipagusap ka sa kanila muli matapos mo silang ilang buwan na di kausapin at pansinin.
Sakit diba? Na-realtalk ka lang bigla. Tapos ang gagawin mo, kundi magwo-walkout, todo explain ka sa kanila.
Minsan kasi kapag meron tayo karelasyon hindi na natin napapansin ang existence nang mga kaibigan natin. Totoo yun. Syempre alam mong mahahati yung oras mo. At alam naman nating lahat na dahil mahal mo ang isang tao, nagagawa mog ilaan ang lahat nang oras mo para sakanya. Kulang na nga lang simula umaga hanggang gabi, palagi kayong magkasama.
Mahirap din naman kasing bigla na lang hindi ka papansinin o hindi ka kakausapin nang kabigan mo. In good times and in bad times, lagi kayong magkakasama. Pero after several days, weeks or months? Wala na agad. SAKLAP! REASON? Dahil Sa jowa mo.
Hindi ko naman sinabing kasalanan mo na magkaron ka nang karelasyon. Syempre mas masaya padding umibig. Maranasan magmahal at mahalin din. Masarap yung may isang tao na pinakaespesyal sa buhay mo at alam mong ganun ka din sa kanya. Masarap yung ganung pakiramdam. Wala naman sigurong gustong ipagkait ang kakaibang kasiyang dulot nang pagmamahal. Yun nga lang, pano kasi si bespren?
Si bespren:
- Na lagi mong kasama sa galaan. Mula pagpasok hanggang pag-uwi.
- Na naging tagapagtanggol mo sa mga taong nangbully sayo at feeling mo ang lakas mo pag kasama mo siya.
- Na alam lahat nang sekreto mo mula nunal mo sa ilong hanggang balat mo sa pwet.
- N kilala lahat nang mga naging crush mo, naging ex mo, at kung sinong present mo.
- Na lagi kang pinagpapaalam sa nanay at tatay mo mapayagan ka lang umalis kahit di naman importante ang lakad niyo.
- Na walang ginawa kundi patawanin ka at baliwin ka sa lahat nang oras.
- Na naging adviser mo sa mga hinanakit mo.
- Na naging good listener mo sa mga problema mo.
- Na bukod tanging nakakalabas-masok sa pamamahay niyo.
- Na laging lovelife mo ang iniintindi pero sya hindi nagkkwento.
- Na laging napagkakamalang boypren mo dahil palagi mo na lang nakakasama.
- Na lagi mong kasama bumili nang kung ano-ano, kwekkwek, gamit sa school. Lahat nang pwedeng bilhin.
- Na nagtulak sayo para maging isang fangirl or fanboy tulad nang mga sikat na Kpop ngayon. Mga Super Junior, Girls Generation, BTS, EXO at kung ano-ano pa.
- Na hindi ka iniwan sa anumang trouble na pinasok mo. Basag kung basag. Latay kung latay. Lahat ng gulo magkasama kayong dalawa lumaban.
Si bespren. Si bespren. Si bespren.
Totoo bang naalala mo lang sila kapag single ka na? Kapag broken hearted? Kapag ikaw lang mag-isa? Kapag wala kang ginagawa? Kapag gusto mo nang matinong kausap?
Kung Oo, baka eto na yung tamang pagkakataon para makabawi ka sa kanya.
Humingi ka ng Thank You kasi naging magbespren kayo. Ang tagal nang pinagsamahan niyo. Mas matagal pa sa mga nakarelasyon mo. Kung pwede nga lang na siya yung maging partner mo bakit hindi diba? Kaso hindi naman talaga pwede. Hindi naman natuturuan ang puso magmahal. Hindi naipipilit. Kung talagang hindi mom aha, hindi mo mahal. Kung talagang magkaibigan lang at di na pwede lumalim, edi hanggang dun na lang. Bas tang importante magkaibigan kayo. Magsorry ka sa mga nagawa mo. Humingi ka nang kapatawaran sa mga nagawa mong di maganda. Kailangan mo din naman magpakumbaba. Kaibigan mo naman yun. Hindi ka na iba sa kanya. Patatawarin ka dun. Hindi man ngayon pero darating ang araw na yun. Magbonding kayo. Bumawi ka. Hanggat maaari ikaw na ang tay at manglibre. Lalo na kung dati, ikaw yung palaging nililibre.
Hindi naman dapat iwan ang partner mo. Dpat balance lang. Dapat kilala niya kung sinong mga kaibigan mo. Para hndi niya agad paghihinalaan. Lalo na kung di ka niya kasama. Lalo na kung di ka niya nakakausap o nakakatext man lang. Kailangan mong sabihin sa kanya na sila yung mga kaibigan mo nang matagal. Hindi naman sigurong masamang mag-opne. Mas mahirap nga kung maglilihim ka. Lalo na kung tatakas ka at take note, kaibigan mo yung kasama mo. Of course ang tendency nyan kapag nalaman, sa kaibigan moa gad ang sisi. Kahit ginusto mo din naman.
"Mamili ka, kaibigan mo o ako?"
Pano kung tinanong ka nang ganyan nang partner mo?
Anong gagawin mo?
Makasagot ka kaya!?
Edi sabihin mo wala! Hindi naman kasi tama na papiliin ka niya kung sinong pipiliin mo. Iba kasi yung level ng love na pinapakita mo sa kaibigan mo kumpara sa kanya. Hindi mo pwedeng igive up basta basta yung sarili mo sa bagay na alam mong panghihinayangan mo din bandang huli. Wala dapat ang isasagot mo. Hindi pwedeng sabihen mo na pareho, kasi kokontrahin ka din. At lalong hindi mopwedeng piliin ang isa, dahil masasaktan yung isa. Pero ikaw, hand aka ba?
As long as na wala namang mali sa ginagawa niyo nang mga kaibigan nyo. Itry mong ipaunawa sa partner mo na hindi masamang impluwensya ang dulot nila sayo. In fact, nakakatulong sila. Nakakinspire nang mga katulad mo. Lagi kong sinasabi na kung mahal ka nang partner mo, maiintindihan niya yun.
AS LONG AS NA MAY TIME KA SA KANYA? Hindi yun magrereklamo. Okay lang naman na mas lamang yung time mo sa partner mo kesa sa kaibigan. Maiintindihan naman nila yun. For sure sila din naman kapag may partner na, ganun din ang gagawin nilang strategy. Medyo iwas muna sa barkada. Pero as much as possible, itry mong ireach out padin ang mga kaibigan mo sa kabila nang pagiging busy mo.
Minsan nagkakaron pa nang sumbatan. Nasusumbatan ka na nang mga kaibigan mo. Wag kang magalit. Alamin mo muna kung bakit. Baka kasi sa sobrang galit nila o tampo nila sayo, naipon na lang.. Kaya siguro mas maganda din na kahit papano sinasama mo yung partner mo sa mga kaibigan mo. Para makilala nila na hindi bad influence ang partner mo. And vice versa,. Kailangan mo din makilala yung mga taong nasa paligid niya. Minsan dun pa tayo nakakakuha nang information tungkol sa partner natin. Mga bagay na hindi mo naman alam sa taong mahal mo pero dahil sa mga kaibigan, nalalaman mo na din..
Basta hangga't nandyan, pahalagahan mo sila. Wag mo hayaang mawala.
"Masarap magmahal nang dalawa. Hindi dahil dalawa sa parehong klase ng sitwasyon kundi dalawa dahil sa magkaibang uri ng relasyon."
May FRIEND ka na.
May LOVER ka pa!
Instant diba?
BINABASA MO ANG
Pwede Pero Depende
RandomMahirap mamili di ba? Mahirap mag-decide. Para kang naiipit sa nag-uumpugang dalawang bato. Kaya kung ang isasagot mo lang sa bawat sitwasyon ay 'Depende'... Letse! Humanap ka ng kausap mo!