5. SlowMo or FastFo?

256 23 6
                                    

Slow Mowww? Fast Fowww?

Okay, Let us discuss this topic. What do you mean by this? SlowMowww and FastFowww.. Kaartihan lang yung "W". Try mo lang ipronounce, natutuwa kasi ako. Hehe.. Pero hayaan mo na! So going back.. What comes on your mind when you hear the word SlowMo? Ofcourse it is SLOW MOTION. How about FastFo? Very Good! Yes, it is FAST FORWARD.

Now, what are the difference between the two?

Alam mo ba?

Literally speaking, yes you know what is the meaning of slowmo and fastfo.

When we say slowmo? From the word slow.. Ibig sabihin, MABAGAL. Ano pa? Makupad, dahan-dahan, matagal yung oras, parang ninanamnam bawat sandal, o kaya naman nakakabagot kung ikaw yung naghihintay. Tama ba ko? Ehh how about fastfo? Edi opposite nang slowmo. It means MABILIS. Matulin pa sa takbo nang kabayo. Mabilis yung oras, panandalian at hindi aksayado sa panahon. Madami ka pang magagawang ibang bagay..

Yun yun diba?

Ehh pano kung sa LOVE?

Sabi nila, kapag nakita mo na daw yung taong mahal mo, lahat daw nang nasa paligid mo babagal. Lahat nang nakikita mo aayon sa inyong dalawa. Lahat nang kilos at galaw nang tao, mawawala.. Kung di man mawawala, hindi mo mapapansin. Dahil sa pagbagal nang oras, o yung tinatawag na slowmo.. Kayong dalawa lang walang iba. Para kang nasa langit. HEAVEN! May kasama pang spark at pagningning ng mga mata kapag nagkalapit na kayo sa isa't-isa. Yung saya mo sobra-sobra. Yung ngiti mo abot hanggang tenga. Yung mga kilos mo, naaayon lang sa kagustuhan niya.. Basta lahat babagal.. Hindi mo mamamalayan na gabi na pala.. Hindi mo napapansin na sampung oras na pala kayong magkasama. Hindi ka aware sa nasa paligid mo. Nasasabi mo na lang na hindi pa sapat yung pagsasama niyo ngayong araw. Na sana mas matagal pa.. At hhilingin mo kung kanino mang poncio pilato, n asana.. sana talaga.. HUMINTO NA LANG ANG ORAS PARA SA INYONG DALAWA..

Ang kaso, hindi naman pwede yun! Ang lagay Ikaw lang ang anak nang Diyos?

Pwede ba! Excuse me..

Pero diba totoo naman yung sinabi ko? Pansinin mo sa mga pelikulang napapanood mo.. Dun na lang tayo sa napapanahong artista ngayon.. Si Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Hello sa mga fans nila dyan! I have something for you guys.. Hehe.. KATHNIEL FANATIC dyan! Kaway kaway! So eto na nga.. Dun muna tayo sa pelikula nilang MUST BE LOVE.. Tanda mo pa bay un? Yung boyish si Kathryn, siya sa Patchot dun. Hindi pa yata sila sikat nung mga panahong iyon. Ohh tanda mo na yung storya?  Tanda mo ba yung eksenang nakita ni Daniel Padilla (hindi ko alam yung name nya dun ehh) si Patchot (Kathryn Bernanrdo) na nagbihis babae.. Boyish ksi si Patchot dun, bsta di ko na ikkwento. Basta bumagal yung oras.. Pak! SLOWMOWWW.. Nakatitig lang siya kay Patchot nun na parang wala siyang ibang nakikita nung mga oras na iyon at dahan dahan din lumalapit papunta saknya. Akala niya nga yun yung girlfriend niya ehh.. Bespren niya lang kasi si Patchot dun! Ehh yung sila padin ang bida sa teleseryeng PRINCESS AND I? Ang dami ding mga scenes na nag-SLOWMOWWW sila dun diba? Madami pa nga silang karibal nun kay Mikay ehh (Kathryn padin). Last na talaga.. ehh sino bang makakalimot sa pinagtambalan nilang storya na galing din sa Wattpad na ang title ay SHE'S DATING THE GANGSTER.. Yung eksena dun na kasama ni Daniel yung mga Circle of Friends niya na syempre, Gangster din! Tapos kasama naman ni Kathryn yung bespren nya, nung dumaan sila Daniel habang nagsskateboard? Pak! Pak! Pak! SLOWMOWWW.. Ang lakas makagwapo diba? Old school na old school yung ganap ni Daniel dun dahil sa long hair niya with matching scarf na usong-usong panyo dati. Hehe..

Ngayong alam mo na ang SLOWMOWWW, Ehh ano naman ang FASTFOWWW?

May idea ka na ba?

Mabilis? Panong mabilis?

Aside from that..

Kung wala pa, sige magbasa ka ulit at iboto mo tong chapter na 'to dahil may matutuhan ka.. Kung di ka busy, lahat na para masaya! Haha.. Tapos i-follow mo yung author, @just4rap lang naman..

FAST FORWARD. Ano nga ba ito sa aspeto nang LOVE?

Sabi nila kapag nakita mo na daw yung taong mahal mo, wag mo nang pakawalan. Dahil pagsisihan mo lang din baling araw. Pano mo nga ba makikita? Sabi nila kapag nakita mo daw yung taong iyon, magkakaron nang malupet na imahinasyon dyan sa isipan mo. Oo MALUPET! Bakit? Kasi nagiisip ka na nang kung anu-ano.. Ooopppps! Teka.... Teka... Tekkkkkkkkkkaaaaaaaaaaa.. Mukhang iba yang iniisp mo ha? Ano? Totoo noh? Hindi ko alam ha?! Pero I think ksama na din yun! Hehe.. Pero seriously, makakapagisip ka nang magagandang bagay kasama siya. Mga plano mong gawin kasama siya.. Mga gusto mong matupad na pangarap kasama siya. Yung taong mahal mo na matagal mo nang hinahanap at hinhintay. Halimbawa, gusto mong magkaron nang magandang bahay.. dun kayo titira.. kasama nang isang dosena niyong anak. Yung kahit wala na kayong makaen, bsta ang importante sama-sama kayo, nagmamahalan.. Yung kakain kayo sa mga mamamahaling resto, manunuod nang sine, mamasyal sa park. Kadalasan pa nga ganito, naiimagine mo na SIYA NA NGA! THIS IS IT! Masasabi mo na lang sa sarili mo na, "Siya yung taong gusto ko makasama sa altar.. Siya yung gusto ko makasama sa HABANGBUHAY."

Ayyyyyyyyyyyy.. So SWEEEEEEEEEETTTTTT! Tapos sasagutin ka nang mga bitter nang ganito: "WALANG FOREVER!" Hahahahahaha.. Tao nga naman..

So that's the point! When we say Fastforward, nakikita mo yung hinaharap ksama siya. Yung future niyong dalawa. Yung maganda ha? Ang lakas maka-ilusyado diba? Pero inlove ka ehh.. Hindi mo naman masisisi yung sarili mo kapag dumating ka sa point na yun. Gusto mo bang magbigay pa ko nang sangkatutak na pelikula tungkol sa ganitong aspeto? Okay sige.. Balik tayo sa tambalang KATHNIEL. Diba si Daniel Padilla mahirap lang sa teleserye nilang "PRINCESS AND I"?  Pero naghangad siya na baling araw magiging prinsipe siya dahil prinsesa pala yung minamahal niya. Ginawa niya din lahat nang efforts mapasakanya lang ang prinsesa. Nakikita niya yung future nilang dalawa na sila na ang mamumuno nang kaharian baling araw.. Ang lakas makafairy tale diba? Hehe.. Ehh sa teleserye nilang GOT TO BELIEVE IN MAGIC? Malalimot ba tayo sa nag-iisang prinsesa nang perya? Si Chichay.. Si Chichay na naniniwala sa magic. Na balang araw makakasama niya ulit yung lalaking nakalaro niya sap era nung bata pa siya. Lagi din siyang nakakakita nang magagandang imagination kasama si Daniel. Yun nga lang.. mahirap kasi talagang umasa sa imagination. In short, WAG MAG-ILUSYON! WALANG GANUN!

Hindi ko na dadagdagan pa nang eksena ha? Basta yan lang yung mga naaalala ko.. Hindi ko na din kasi tnada yung mga pangalan nila sa bawat pelikula at teleseryeng ginampanan nila. Pero siguro naman nakuha nyo yung point ko diba? Sa bawat kwento ko pa lang malalaman mo nang malaki talaga ang pagkakaiba nang SLOWMOWWW sa FASTFOWWW..

Ikaw ba? Ano na dyan sa dalwa ang naranasan mo?

Yung SlowMotion ba?

O yung FasftForward?

Ehh alin yung mas papaniwalaan mo sa dalawa?

Ang hirap mainlove nu?! Ang daming signs. Hindi mo naman sigurado kung siya naba talaga o hindi. Wala kang assurance unless ssubukan mo. Kailangan mo padin mag-take nang risk.

Basta tandaan mo, yang mga signs na ganyan, either SlowMo pa yan or FastFo, GUIDE lang natin yan! So dapat careful padin tayo sa bawat galaw natin at bawat desisyon na pipiliin natin. Hindi porket nakita mo yung isang tao at nakaramdam ka nang SlowMowww or FastFowww, ehh ssunggab kna agad-agad! Hindi ka naman higad diba? So kalma lang.. Lahat dumadaa sa tamang panahon..

Okie ba?

Pwede Pero DependeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon