11. SLR o LDR?

335 13 10
                                    

SLR and LDR?

Alam mo ba yung kantang "Near, far, wherever you are..."

 

Kanta yan sa Titanic, yung lulubog na ang barko.. Ang ganda nga nang eksena dun ehh.. Napanood mo na ba? Kung di pa, panuorin mo na! At kung napanood mo na, okay na.. Walang may pake! Wag kang spoiler. Hehe..

Bakit ko ba natanong? Wala lang, may kaugnayan lang siya sa paguusapan natin ngayon..

SLR – "Short Lang Relationship"

Wag ka na magtaka, tama ka nang nabasa.

SHORT LANG RELATIONSHIP!

 

Malikot lang yung utak ko kaya ko nausap yan.. ihashtag nyo nga guys #ShortLangRelationship tapos i-tag nyo ko sa Twitter o kaya sa Instagram, @rhenspotted.

Minsan ba naisip mo na magsawa? Naisip mo na ba yung paulit-ulit na Sistema? Minsan bas a buhay mo naranasan mo na yung isang araw, gigising ka, ganun at ganun padin ang nangyayari. Walang pagbabago. Pero patuloy ka padin sa ganung set-up kasi wala ka namang magagawa. Ayy mali! Let correct and rephrase the sentence. Meron ka naman magagawa kaso mas pinipili mong huwag na lang gawin yung mga bagay na naiisip mo. Alam mo ba yung tinutukoy ko? Hindi yung tungkol sa buhay mo lang.. Syempre yung relasyon mo sa partner mo.

So ano nga? Nagsasawa ka na ba?

O naranasan mo na ba kahit minsan?

May nakausap ako, sabi niya nakakasawa daw minsan. Pano ba naman, simula umaga hanggang gabi siya na lang palagi ang kasama mo. Lahat nang bagay kasama siya. Kakain ka, matutulog, mliligo, magsisipilyo, papasok sa work o kaya sa school, tapos kakain ka ulit, tapos uuwi ka, tapos kakain ka ulit tapos matutulog. Walang araw na hindi mo siya kasama. Oras o minuto lang ang ang pagitan nang pahinga ninyo. Kung minsan wala pa nga. Ang masakit dito, dahil palagi na kayong magkasa, nagging kampante na kayo sa isat isa. Yung tipong okay na lahat. Kahit umutot ka sa harap nya, magmura ka, tumawa ka nang malakas, gawin mo lahat. Wala na naman yun sa kanya ehh. Dedma na. Kahit yung mga maling bagay na hindi naman dapat gawin, nagagawa mo na. Kasi iniisip mo na tanggap ka na niya nang buong buo. Kapag naman magkasama kayo, any moment mag-aaway kayo. Kahit maliit na bagay lang pag-aaway niyo. Sobrang babaw para dumating sa puntong magkakabatuhan nang masasakit na salita, o kaya naman nagkakahisan nang mga gamit. Yun yung mahirap ehh! Yung mga pag-aaway na napupunta sa hiwalayan. Na kahit gusto mo nang iwan, hindi mo naman ginagawa kasi nanghihinayang ka sa pgasasama niyong dalawa. Kaya okay lang sayo na ganun ang set up. Kahit alam mong wala nang spark. So sad diba? Tapos isa o dalawang taon ganyan ang buhay mo, umiikot lang palagi sa ganung sistema, hindi kaba magsasawa? Hindi kaba napapagod?

Pero may nakapgsabi din sakin na hindi naman daw nakakasawa kung palagi kayong magkasama. Masaya nga daw yun ehh.. Madami kayong happiness. Madami kayong memories na napagsasaluhan sa bawat isa. Mas lalo pang nakakapagpatatag nang relasyon niyong dalawa. Bakit naman daw magsasawa ehh pwede namang hindi. Nasa kung paano lang daw yan ddalhin ang relasyon. Pero pano nga ba? Edi mag-isip ka nang bago sa buhay nyong dalawa. Yung bagong trip Na makakasakay hindi lang ikaw. Yung magugustuhan niya din. Yung pagkaksunduan ninyong dalawa para hindi kayo magsawa diba? Kaya nga may mga tumatagal at may nakakapagpatunay na May Forever kasi ganun ang ginagawa nila. Hindi nila hinahayaan na magkasawaan. Hindi nila hinahayaang na basta basta na lang mag-aaway dahil sa maliit na bagay. Mas maganda kasi talagang pinag-uusapan. Para malamn kung anong problema. At kung anong pwedeng solusyon. Mas nakakapagpatatag talaga nang relasyon pag alam mong sobrang close kayo nang partner mo. No secrets at all. Sino ba naman ang tutulong sayo kundi siya lang naman diba? Tanging partner mo lang ang makakatulong sayo at makakaintindi sayo bukod sa pamilya mo. Kung talagang nagmamahalan kayo.

Pwede Pero DependeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon