Move on vs. Move Forward
"Move on, Move on din pag may time..."
"Hello 'te, uso kaya mag-move on!"
Yan yung usual na maririnig natin sa mga kaibigan natin kapag iniwan tayo nang mahal natin. Kapag nasa sitwasyon ka na hirap na hirap, hindi moa lam yung gagawin mo, hindi ka mapakali, parang may gusto kang gawin pero hindi naman pwede kasi nangyari na. Usong-uso yan in short kapag BROKEN HEARTED. Usong uso at hanggang ngayon naman talaga mabenta padin ang salitang 'yan. Kahit pa nga panahon nang lolo't lola mo, meron na din ganyang term. Ang MOVE ON.
Move On? Move On? Move On?
Madaling sabihin pero mahirap gawin, tama ba ko? Alam ko, kasi nanggaling din ako dyan.. (Hugot! Hehe..) Pero wag kang mag-alala, for sure, di lang ako at ikaw ang nakaranas niyan. Hindi ka nag-iisa.
"Try mo kayang mag-move on?!"
Yan yung madalas sabihin nang kaibigan mo sayo habang ikaw patuloy padin sa pag-iyak. Talak siya nang talak sayo. Sandamakmak na advices na ang binibigay niya sayo pero ikaw ang mga nasasabi mo lang sa kanya ay ganito..
"Mahal ko pa siya.."
"Bakit wala na kami?"
"Hindi ko pa kaya.."
Kasabay niyan ang walang sawa mong pagiyak at paghagulgol with matching punas-punas nang tissue kung medyo pasosyal ka. Pero totoo naman diba? Kung alam mo lang naman talaga kung paano agad makakapagmove on, ginawa mo na. Bakit pa natin kakailangan nang kaibigan? Bakit kakailangan pa natin nang taong magccomfort satin kung alam mo naman sa sarili mong kaya mo na!?
Hindi nga kasi madali..
Mahirap.. Pero hindi naman sobrang hirap.
May mga paraan para makapagmove-on and Im sure, madami ka na ding nasagap na impormasyon kung paano nga ba talaga makakapagmove-on. So paano nga ba talaga gawin ang pagmomove-on?
Siguro ang karamihan sa atin familiar na sa mga ganitong bagay. Kung broken hearted ka at ikaw ay babae, malamang sa malamang sasabihin mo, kailangan mo nang ipagupit ang buhok mo to start a new life. New life without him and being a single. Which is kahit ikaw hindi mo naman alam kung pano nasolusyunan ang pagmomove on sa pamamagitan nang pagpapagupit ng buhok. Kung lalaki ka naman, wala namang pinapagupitang buhok kasi given na yun. Ang panget naman kung sasabihin nilang "Single na ako pare, kailangan kong magpahaba nang buhok to start a new life without her." Malamang sa malamang niyan, magfofocuse lang yan sa paglalaro nang computer games katulad nang Dota, LOL, COC, at kung anu-ano pa, o di kaya naman maglalaro ng basketball kasama ng mga tropa. Kung babae ka, magpapaganda ka, pupunta ka ng mga parlor shop. Nilibot mo na halos lahat ng parlor shop sa lugar malapit sa inyo para lang magpaganda ng magpaganda. Kahit na nagmumuka ka nang bakla sa sobrang kapal ng make up mo, dedma ka lang. Kasi nga you're aiming to become more beautiful than ever. Para pagsisihan nila kung bakit ka nila iniwan. Tama ako diba? May nalalaman ka pang sweet revenge. Syempre ganun din sa lalaki. Magpapapogi yan, bibili ng kung ano-ano para lang maging gwapo at makahanap ng bagong ipapalit. Para hindi masabing talunan sila. Magpapaka-astig yan sa iba kahit corny na, o kaya minsan hindi na bagay sa kanya.
BINABASA MO ANG
Pwede Pero Depende
De TodoMahirap mamili di ba? Mahirap mag-decide. Para kang naiipit sa nag-uumpugang dalawang bato. Kaya kung ang isasagot mo lang sa bawat sitwasyon ay 'Depende'... Letse! Humanap ka ng kausap mo!