20. This and That

242 10 2
                                    

THIS and THAT!

  

This and that! Lahat 'yan gusto ko. KASO—-

This and that! Lahat 'yanayaw ko. PERO—-

 

Naranasan mo na ba 'yung magdesisyon sa dalawa o higit pang pagpipilian? Ang hirap diba? Usually nga dalawa pa lang 'yung bagay na 'yun nahihirapan na tayo, PANO PA KAYA KUNG MADAMI? Ehh di maloka-loka na tayo? Ano sa palagay mo? How can you overcome that matters?

Araw-araw tayong nagdedesisyon. Mula umaga hanggang gabi nagdedesisyon na tayo. Ano bang dapat kainin ngayong umaga. Kung kape ba o gatas ang iinumin. Kung isasangag ba 'yung kanin o ininit na lang. Kapag sa tangahali naman, iisipin mo kung babangon ka na sa pagkakahiga mo sa kama o hindi pa. Wala naman kasing pasok kaya mas pipiliin mong matulog na lang. Pagkatapos magbubukas ka ng aircon dahil sobrang inet, pipili ka na naman ng magandang laro para iwas bored. Sa gabi naman, magdedeissyon ka kung anong uunahin mo, manood ng Forevermore at maniwala sa forever nila Xander at Agnes, o kaya naman magbasa ng Wattpad stories ng sikat na author tulad ni Marcelo Santos.

How can we make a right decision? Simple lang naman 'yan actually. Kapag masaya ka right after you made your choice. 'Yung hindi ka kinakain ng konsensiya mo. Tandaan mo, mahirap kalaban ang sariling konsensya. Araw-araw may kabaga-bagabag ang mararamdaman. Basta dapat  kailangan tanggap mo 'yung magiging consequences. You should accept it, kasi mas pinili mo 'yang ganyang bagay. Kung masaya ka sa naging desisyon mo, well that's good for you. Mas magandang pumipili tayo ng bagay base sa kung anong gusto natin mangyari sa susunod na panahon.

Some people are afraid to make decisions for themselves. Natatakot silang maging pangit 'yung kalalabasan. They consult Google, books, notebooks para lang makapag-decide. Kadalasan pa nga, ay ang mga kaibigan natin, kamag—anak, kapamilya o kahit kaninong makakapanatagan ng loob. Well actually, there's nothing wrong when you are consulting or asking for a help. Hindi 'yun masama! In fact, it will be your guide. Pero wag mong hayaang diktihan ka ng ibang tao. Na sila na ang gagawa ng desisyon mo. Na sila na ang magpapatakbo ng buhay mo. Kinokontrol na nila ang buo mong pagkatao, nawawalan ka pa ng halaga sa mundo. Yes! You're useless kung di mo papaganahin ang isip at puso mo para magpasya.

Marami rin sa atin ang bumabase lang sa desisyon ng nakakarami. Tandaan natin na hindi lahat ng desisyon ng nakakarami ay laging tama. Isipin muna natin kung nagiging fair ba tayo dun sa mga hindi sumang-ayon sa nakararami. Baka naman mamaya mas tama ang naging desisyon niya. Wag natin pairalin palagi ang pansarili lang natin na kagustuhan at makiuso o makisabay sa agos nang nangyayari sa kasalukuyan. Hindi 'yun makakapagpapa-unlad sa ating mga sarili. Matuto tayong magbigay sa iba. Makiramdam o magbigay konsiderasyon sa bagay-bagay. Huwag natin palaging idepensa ang sarili at ituon lamang sa kung anong nakikita, naririnig, o nararamdaman.. Wag mong ipilit! Na dapat ito ang masunod. Ganyan! Na ito ang dapat masunod kasi ganto. Puro pabor yata sayo?  Kung pabor naman sa nakakararami, tanungin mo ulit ang sarili mo. 'yun nga ba talaga ang nararapat?

Madaming tao naman ang marunong mag-desisyon. They can stand alone. 'Yun nga lang, hindi sila mahusay sa pagpili ng tamang desisyon. Sila 'yung mga taong may "Bahala Na" mentality. Hindi nila iniisip mabuti ang mga possible outcomes. In that case, pwede silang makasakit ng damdamin ng ibang tao, or worst, makasakit ng sarili nilang damdamin sa paglipas ng panahon. Madalas, hindi kasiya-siya ang pagpili ng desisyon kung iaasa mo na lang sa "Mini-mini-maynimo", Just think twice, or should I say, just  think twice and more! Timbangin mo muna. Alamin mo muna ang bawat cases. Cause and effect. Basic lang pero hindi ginagawa ng karamihan sa atin.

We all know that it's really hard to make decisions. It's hard to decide lalo na kung agad-agaran. Tipong may magsasabi sayo ng "You are On the spot!" Minsan kasi, may mga pagkakataon naman na alam natin ang dapat gawin. Alam natin ang dapat na maging desisyon natin. Pero hindi natin ginagawa. Ang totoo niyan, dalawang bigay lang ang pwedeng mangyari sa pagdedesisyon. Makakabuti o Makakasama? Pwede rin namang makakasama pero ikasisiya mo, o di kaya naman mabuti pero ikasasama ng loob mo? Kung sa tingin mo naman, no choice ka, lahat makakasama anuman ang piliin mo, think again.. Choose the option na mas magiging madaling harapin para sayo ang consequences. 'Yung pag na-encounter mo, yakang-yaka mo i-solve. Kung ang pagpipilian nman sa mga desisyon mo ay puro good ang outcome, then choose for the best! Kung saan ka mas magiging masaya. Pero hinay-hinay parin sa paged-decide, kasi minsan akala natin maganda na ang resulta, HINDI PALA!

Tatlong bagay lang ang dapat mong gawin sa tuwing ikaw ay haharap sa isang desisyon. Hindi lang basta-basta deisyon kundi MASUSING PAGDE-DESISYON.

Una, alamin mo muna ang tamang detalye bago ka magdesisyon. Baka kasi mamaya may mga kulang pala sa kaganapan, imbes na tama sana ang magawa mo, naging mali pa.

Pangalawa, piliin mo 'yung tama at karapat-dapat na pagpapasya. Hindi 'yung pangsarili mo lang na kapakanan. Isipin mo din 'yung iba. Oo, kailangan mong maging masaya sa desisyon mo, ngunit minsan kailangan rin magsakripisyo. Alin nga ba dapat mauna? At ano muna ang gusto mong paunahin sa kanilang dalawa?

Pangatlo, kung anuman ang magiging desisyon mo, then so be it! PANINDIGAN MO! Hindi 'yung para kang naglaro ng Atras-Abante. Para kang walang direksyon. Kapag ganyan ang ginawa mo, hindi mo kayang harapin ang bawat hamon sa'yong buhay.

Ngayon, may gusto lang akong itanong. Halimbawa may mga batang naglalaro sa dalawang klaseng riles ng tren. Isa ay di ginagamit, at ang isa naman ay ginagamit. Mas maraming bata ang naglalaro sa riles na ginagamit ng tren at may nagiisang batang naglalaro sa riles na di ginagmait. Nagkataon na may padaang tren at may kakayahan kang pagpalitin ang daanan ng tren. Sa iyong palagay saan mo dapat padaanin ang tren sa riles na may isang bata lang o dun sa may madaming bata?

 

Sige nga!? Let's see how your decision works!

Pwede Pero DependeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon