Obssession and Seduction
Hindi ko alam kung bakit sinama ko to sa ginagawa ko. Wala lang.. Bigla ko lang kasing naisip. Ohhh teka,. Teka.. Wag mong tanungin sakin kung alin sa dalwang yan.. Yung obsession o yung Seduction ba kamo? Parehas! Haha.. Bakit kayo ba? Hindi nyo pa ba nararansan yung ganun? Yung ma-obssess? Yung ma-seduct? Ehh yung parehong maobssess at maseduct sa isang tao?
May kkwento lang ako.. Yung tropa ko. Lalaki. Sobrang playboy neto. Lahat na yata nang babae pinagmalaki niyang nakuha na nya. Nakuha means naangkin, nagalaw, nasibak, nakarat, nakangkang.. Ano pang gusto mo? Yung mas harsh pang word? Hindi ka naman siguro slow para di magets diba? Yun na nga.. Pinagmamalaki niya. Hindi ko alam kung bakit.. Feeling nya siguro ang macho nya kapag pinagmamalaki niya yun. Feeling na niya gwapo na siya nun sa paningen naming magbabarkada at lalong lalo na sa mga babae. Feeling nya lang talaga kinapogi niya yun!
Nakakaasar kasi diba? Like.. "Tangna mo dude! Magkape ka nga! Ang hangin mo msyado.." Ehh ano naman kung nakuha na niya? Diba dapat sinasarili na lang niya yun! Kung may nagawa man siyang kakaiba, hindi na niya kailangan ipagmalaki pa yun.. EGO diba nga! EGOOOOOOO PAREEEEEEEEE! Magkaron ka naman nun.. Wala naman kameng pakelam. Meron din kaming sariling business. In short bida-bida kasi siya! Para lang talagang masabing nakakaangat sa grupo..
May time pa nga na kapag nag-iinuman.. Sasawayin nya kaming lahat o kaya sisigawan niya kami. "Uhhhhmahimikkk keyowwww!" Ha? Ano rawwww? Choppy ka.. Choppy! Haha.. Yun pala magkkwento na naman siya. Kwentong kalibugan. Wala namang kasense sense! Libog nang taong yun! Pwede naman niyang ikaskas na lang sa pader. Gawin na niya lahat nang gusto niyang gawin.. Wag na niya kaming idamay sa kagaguhan niya.. Kwento nya sa Turtle.. O kung di siya masaya, kwento niya kay Myrtle! Kaso wag.. Babae yun.. Baka manyakin niya lang..
Dumating yung araw na nabadtrip na ko sa kanya. Badtrip kasi amputa! Pinagbibigyan na nga lang namin hindi padin marunong pumili nang kakausapin at bibiruin. Badtrip ako kaya pasensya siya. Edi eto na nga.. kinausap niya ko.. May ginagawa ako nun, project. Masipag ako wag kayong ano! Hehe.. Deadline na kasi nang pasahan ngayon. Ang sipag ko diba? Hehe.. Gawain nyo din naman yan pero sorry na.. Kinalabit niya ko. Kalabit kalabit.. Dedma lang ako kasi nga may ginagawa. Hanggang sa lumakas na yung kalabit niya. At dahil mabaet ako, lumingon ako sa sa kanya. Naging nice padin naman ako. "Tol Bakit?!" Siyempre natuwa na siya kasi pinansin ko siya. Nakuha niya ang atensyon ko. "Tol, may bago na naman akong biktima.."
Tangnaaa! Ano bang pakelam ko? Ako pa sinabihan at pinagyabangan niya ha? At dahil nga badtrip ako.. Hindi ko na pinatuloy yung sasabihin niya. Inunahan ko na siya.. "TOL, PUTA KA! ANG LIBOG MONG HAYUP KA! KUNG MAY KAKATIHAN KA SA KATAWAN, WAG MO NA KAMING IDAMAY!"
Syempre nagulat siya sa nagging raksyon ko. Medyo loading siya. Ako naman nag-ayos na nang gamit. Nag-pack na ko para maiwasan ko na siya. Ayokong makita at marinig pa yung sasabihin nung kupal nay un! Hindi ako interesado. Or should I say, HINDI KAMI INTERESADO! Okay naman sana na magkwento ka nun, pag nagkakasiyahan, nag-iinuman, at higit sa lahat. Okay lang sana kung bago sa pandinig naming.. Kaso hindi ehh! Iba iba lang nang pangalan pero ganun padin. So nagsalita na ulit siya.. "Pre anong problema?" Alam mo kung anong sagot ko?
Hulaan mo..
Dali na..
Matutuwa ka..
"TANGINA MO PRE! ANG LIBOG MO TALAGA! PERO YUNG GIRLFRIEND MO NA MAHAL NA MAHAL MO? AYUNN! NATIKMAN KO NA! NASARAPAN NGA SAKIN EHH.. SABE NIYA PA SAKIN NEXT TIME DAW ULIT!"
Ohh walang palag diba?
Galing ko no? Apir tayo dyan!
Minsan lang 'to.. Hehe..
Nagwalkout na ko pagtapos nun! Dala ko na nga yung bag ko nun diba? Tumakbo na ako agad. Malakas loob ko kasi alam kong msshock lang siya pag sinabe ko nun.. Alam kong mgagalit siya sakin, pero dedma lang. Tama lang yun sakanya! Para naman matauhan siya sa pinagggawa niya. Ano bang akala niya sa mga babaeng natikman niya? Panghilod na pwede niyang ipangkaskas sa katawan niya kapag nangangati siya?
Lakas nang tama!!!
Pero yung sinabe ko sa kanya.. Totoo yun ha? Walang joke..
Ayaw mong maniwala? Bahala ka..
Di naman niya ko katulad na kailangan pang ipagmalaki..
Yung girlfriend niya. Obssess siya dun! As in PATAY NA PATAY, HABOL NA HABOL, GUTOM NA GUTOM. Ano pa bang ibang term? Basta yun na! Lahat nang katangahan ginawa na niya para dun sa babae. Lahat nang pwede niyang ibigay na material na gamit. Buhay mayaman sa kanya yung babae kuing tutuusin. Hindi naman mayaman yun pero nakakagawa nang paraan at pangdiskrte para lang dun sa babae. Sinuyo niya talaga yun nang dlwang taon. Tapos umiiyak at nagwawala yung lalaking yun pag nag-aaway sila.. Kawawa nga ehh.. Pero tama lang yun sa kanya! Kawawa din naman yung mga babaeng pinagpaparausan niya.
Sabe niya mahal niya yung babae. Mahal nga ba? Hindi kasi ako naniniwala ehh.. Takte! Feeling ko nga obsess lang siya dun kasi magaling sa kama yung girl. Hehe.. Kapag obsession walang love dun. Parang its more than crush? Bakit ka nga ba nao-obsess sa isang tao? Kasi may mga bagay kang nagugustuhan sa kanya. Ganun din katulad nang CRUSH. Kasi maganda siya, sexy , matalino, mabaet atbp. Hindi mo kakayanin pag wala yun.. Yun ang feeling mo kapag obsess ka! At kapag nawala sayo yung bagay nay un na sobra-sobrang hinahangaan mo, parang MAMATAY KA NA! Mahirap kasi yung feeling na obsess. At nakakatakot yun kung ikaw yung kinao-obsess-san. Bakit? Dalawa lang kasi yan! Its either sarili niya ang mapatay niya kapag di ka niya nakuha or nakasama, o kaya naman ikaw ang mapatay niya.
Oo! Mapapatay ka niya.. Dahil lahat gagawin niya makuha ka lang or makasama. Yun ngang kaibigan ko, halos saktan siya pag nagaaway sila nang girlfriend niya. Ikaw may kilala ka bang ganyan? Yung nagwawala kapag di sila nagtatagumpay sa gusto nilang mangyari. O kaya naman yung halos sabunutan na nila ang kanilang sarili at iuntog sa pader para lang maawa sa kanya yung taong kinao-obsess-san niya. ag ikaw yung biktima, mahirap makatakas sa sitwasyon na to. Kaya piliin mo yung tama lang. Yung mahal ka lang at kaya kang ingatan at pahalagan. Hindi yung sobra sobra kang hinahanggan na to the point na para ka nang aso na lagging binabantayan.. Lalo na sa isang relasyon, hindi health ang OBSESSION.
So sa SEDUCTION ba, may love? Oo.. pwede.. Normal kasi yun sa tao. Yung MAG-INIT. Init nang katawan sa taong nagmamahalan o kaya naman sa taong nagkakatihan.. Magkaiba yun ha?! When we say seduction, na-sseduce ka dun sa tao. Naa-arouse. In tagalog, nae-EL! Oo! El as in Libog.Yang seduction kasi, lust yan! It's a sin when you made it to someone tapos nasa mali kayong kalagayan. What I mean is, halimbawa, may asawa ka na tapos kumakamot ka pa sa iba, o kaya naman siya yung may asawa.. Pwede din naman na bata pa kayo pareho, o kaya nman hndi pa kayo kasal.. Pero I think, kung magjowa or mag-asawa naman kayo and you love each other so much, edi push! Humayo kayo at magpakarami.. Hehe..
Ang daming mga movies na ganyan! Especially sating mga Tagalog movies. Kilig na kilig tayo at gusting gusto nating nakakakita nang dlwang taong naghahalikan.. At nag-aanuhan! Anong anuhan? Nagyayakapan.. Haha.. hanggang mag-init preho ang katawan nila.. Try mo din! Humanap ka nang partner. Basta make sure na wala kang sabit at wala din siyang sabit. Hindi yung puro kakatihan lang ang gagawin mo tapos ikaw din naman ang madedehado bandang huli.. Wag ganun! Mag-isep isep din minsan..
Sabi nga nila.. Live Young Wild and FREE..
Kung anoman yang nararamdaman mo..
Kaya kung anong magpapasaya sayo..
PUSSSSSSSSSHHHHHHHH!!!!
BAABBBOOOOSSSSHHHH!
BINABASA MO ANG
Pwede Pero Depende
RandomMahirap mamili di ba? Mahirap mag-decide. Para kang naiipit sa nag-uumpugang dalawang bato. Kaya kung ang isasagot mo lang sa bawat sitwasyon ay 'Depende'... Letse! Humanap ka ng kausap mo!