15. Bitter Better!

172 10 0
                                    

BITTER BETTER!

Paano nga ba malalaman kung BITTER o HINDI ang isang tao? Let's see the critical thinking of these two EX LOVERS:


Girl: Ang yabang! Akala mo kung sinong gwapo!

Boy: Akala naman niya Chicks, Di oyyy!

Girl: Duhh!? Ang panget panget kaya niya..

Boy: Hindi naman maganda yun, hipon lang! Kain ulo, tapon katawan. Hahaha..

Girl: Akala mo kinapogi niya yung ganun niyang porma, bisayang bisaya padin ehh..

Boy: Tangna pare! Yung pinalit saken mukang ewan!

Girl: Ang panget nung babae niya! Pipili na lang palpak pa!


See? Parehong BITTER diba? Punong-puno nang ka-bitter'an sa buhay. So alam mo na kung paaano malalaman kung bitter o hindi?

Actually alam nating lahat. Aware tayo kapag bitter yung kaibigan natin, yung bestfriend natin o kung sinumang tao na galing sa pagkasawi. Bitter? Sila yung mga taong heartbroken. Durog. Wasak! Kaya ganun na lang kung makapagsalita nang hindi maganda.. sa taong minahal nila. EX in short!


"Ayoko sakanya! Letse siya! Tangina niya!"

Very Wrong diba? Lahat nang klase nang mura nassabi mo na kapag broken hearted. Kung dati puro tamis lahat ang maririnig sa labi mo, ehh hindi na ngayon. Wala na yung tamis. Naging mapait na. Mapait pa sa mapait. Parang kumain nang isang dosenang ampalaya yung mga taong bitter. Puro pagkamuhi, pagaayaw at pagiging negative. Puro panghuhusga sa taong naging bahagi nang buhay nila.


 "Wow ha? Parang di ka nagkandarapa sakin?"


Ang sarap sabihan nang ganyan yung taong hinuhusgahan ka ngayon. Sino pa ba, edi yung EX mong akala mo naman.. Hayyy.. EWAN! Diba? Kung maririnig mo lang lahat nang mga negative na sinasabe niya sayo, ang sarap sabihin talaga sa kanya nyan! Sampal yan sa kanya malamang! Sabay banatan mo nang ganto *BOOM BASAG!*


BITTERNESS IS NEXT TO UGLINESS.


Totoo yan, maniwala ka saken!

Hindi mo ikagaganda o ikakagwapo kapag bitter ka. Kapag yung puso mo, punong-puno na lang lagi nang kabitteran. Hindi ka uunlad. Hindi ka magggrow. Kasi makukulong yung isipan mo sa pangit na bagay Nakapokus ka lang sa iisang tao. Iisang tao na mahal mo dati pero ngayon inaayawan mo na. Hindi lang basta inaayawan, kundi kinamumuhian, kinasusuklaman. Nakkukulong ka sa maling Sistema. Sistema mong bulok na patuloy mong pinapairal. Sorry for the word kung masyado nang hard pero dun lang tayo sa totoo. Ganun ka padin, panget ka na nga, lalo ka pang papanget sa ginagawa mo. Dati kung ano-anong magagandang siansabi mo tungkol sa kanya diba? Anyarehhh?

Kung sabagay, hindi dinaman natin sila masisisi. Nagiging defense mechanism lang nila yun. Pra mapagtakpan yung sakit. Para masabing hindi nasasaktan. Para kunwaring di nahihirapan. Para sa paningin nang tao, okay siya. Pero yun nga ba talaga? Maaring yung mga tao, napapaniwala mo sa mga kagagahan at katarantaduhan mo, pero yung sarili mo, alam na alam mong hindi! Alam na alam mong mali. Maling husgahan yung taong mahal mo. Maling sabihin na panget siya. Dahil sa totoo lang, alam mong siya ang pinakamaganda o pinakagwapong nakilala mo higit kanino pa man.

Kaso nga lang nasaktan ka. Masakit nga kasi sobra...

Kaya heto ka ngayon sa stage process nang pagiging BITTER!

Sige na, kung yan ang paraa mo para makapag move-on o kaya naman makapag move forward, GO! Walang pipigil sayo! Ipush mo lang nang ipush! Pero sana wag dumating yung isang araw na nalulong ka na sa bitterness. Nilamon ka nang pait at punong puno nag ampalaya sa paligid mo. Kasi mahirap mabuhay nang ganun, yug puno nang galit. Yung puno nang pagkamuhi sa taong alam na alam mong minahal ka din naman kahit na minsan. Siguro may mga bagay lang talaga nangyari sa inyong dalawa na hindi naging maganda sa pagsasama ninyo kaya lumala na lang ng lumala.

Hindi ba pwedeng maging masaya na lang?

Hindi ba pwedeng maging masaya ka na lang para sa kanya?

Hindi mo ba kayang tanggapin na lang lahat na tapos na kayo?

Hindi mo ba kayang tanggalin ang galit sa puso mo at simulang magpatawad sa kung anong nagawa niya?

Hindi mo ba kayang magsimula ulit nang wala siya at harapin ang bagong bukas nang hindi siya kasama at marealized na may bagong pag-asa?

Malay mo naman may ibang taong nakalaan para sayo. Malay mo nasa paligid ligid mo lang. Siguro hindi pa ngayon.. Pero in God's perfect time, I know HE will. Naniniwala k aba? Mangyayari din yung para sayo. Ibibigay din yung taong nararapat para sayo. Kailangan mo lang magmasid at makiramdam kung sino. Kailangan mo lang din maghintay nang tamang tyempo.

Siguro hindi mo naman kailangan dumaan sa stage of Bitterness kung pumapasok agad sa isipan mo ang konsepto nang Acceptance. Acceptance sa lahat nang bagay. Isipin mo, OKAY LANG YAN! Nabigo ka man ngayon, try mo ulit sa susunod, baka hindi na. Ipanatag mo lang yung sarili mo. Ikondisyon mo lang yung sarili mo na wala na. Tapos na ang lahat sa inyo pero hindi ka dapat mmaging Bitter sa kanya. Lalo na kung alam mo din namang may pagkukulang ka para magwork pa ang relasyon ninyong dalawa.

Ang dami dami nating nakikitang hindi maganda sa teleserye o maging sa pelikula. Ang daming BITTER! Ang daming nagtatanim nang galit sa kanilang EX. May pagbabanta pang nagaganap. Gustong gusting bumawi. Gustong gusting maghiganti. Gustong gusting manakit nang taong minsan naman siyang napasaya. Bago ka nga maging bitter isipin mo muna kung yun lang ba ang nagawa niya sayo? Ang lokohin ka? Wala ba siyang masayang ala-alang iniwan sayo kahit isa?

Kahit yun na lang.. Kahit yun na lang sana yung i-treasure mo sa kanya..

Hindi naman ibig sabihin nun hindi mo siya makakalimutan kapag naaalala mo yung magagandang sandal sa relasyon niyo. Mali ka nang iniisip. Makakapag move-on ka padin. Kapag natanggap mo na nga lahat. At least hindi puro negative ang nasasagap mo sa utak at puso mo. Maging positibo ka naman sa kabila nang pagiging broken hearted mo. Alam nating mahirap, pero sino bang gagawa niyan? Wala naman iba kundi ikaw diba?

Tandaan mo yan!

WALANG IBA KUNDI IKAW LANG!

Be a better person. Yan ang dapat! Magbago at maging mas mabuting tao. Hindi para sa kanya. Hindi para sa ibang tao kundi para sayo. Yan ang matatawag na sweet revenge. Pero hindi ka dpat magkaron nang kahit na maliit na intension para gumanti lalong lalo na sa EX mo. Hayaan mo na. Isipin mo na lang isa siyang panaginip. Panaginip na nagbigay lang nang Warning sa buhay mo. Para next time hindi mo na gagawin. Para next time, alam mo na kung ano ang dapat gagawin.

Erase! Erase! Erase!

Simulan mo nang burahin sa isip mo ang mga panget na imaheng binuo mo sa kanya matapos kayong magbreak. Wag ka nang magisip nang kung ano pa mang masama laban sa Ex mo. Wala namang mangyayari kung gagawin mo yun ehh. Mas lalong bibigat ang pakiramdam mo.

Kapag naiinis ka, o nagagalit ka na naman sa tuwing makakakita ka nang bagay na makakapagpaalala sa kanya o kahit siya mismo yung makita mo, pumikit ka lang.. Inhale tapos exhale.. Sabihin mo lang..


"No! No! No! Be a better person.."

Tapos isang malaking smile as if nothing happens. YUN!

Yung mga Ex naman, binigay yan sa buhay natin para matuto tayo. Hindi lang natin nakikita. Hindi lang natin napapansin. Pero yun ang totoo! Sila yung nagbibigay nang way para maging better person tayo sa hinaharap.

Siguro naman alam mo na yung gasgas na linyang BE BETTER NOT BITTER.


Pwede Pero DependeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon