4. Brainless Beauty or Brainy Beast?

464 26 7
                                    

Brainless Beauty or Brainy Beast?

 

"Aanhin mo ang maganda mong mukha kung ikaw ay shunga shunga."

 

Yan ang kadalasang sabihin nang mga bitter kasi hindi nabiyaan nang kagandahan sa panlabas na anyo. Yan ang madalas nilang sinasabi sa mga tao kapag tinanong sila kung anong pipiliin mo, magandang bobo o panget pero matalino? Ikaw san ka dun? Sige nga..

Madaling sabihin na mas okay na matalino ka kesa naman bobo. Madali din sabihin na "Okay lang kahit panget ka, atleast hindi bobo!" Pero okay nga ba talaga yun? Well I doubt..

Imagine-nin mo yung mga napapanood mo sa pelikula o kaya sa mga teleserye. Si Bakekang, diba ang panget niya? malapad yung ilong tapos malaki yung ngipin. Lagi siyang inaapi-api diba? Ang hirap nang pinagdadanan nya. Puro pagdurusa. Puro hinagpis at pasakit. Parang MMK ang drama ng story niya. Ehh si Bettly La Fea? Tignan mo ung mukha niya. Yung may brace ang ngipin pero hindi naman bagay sa kanya. Kulot yung buhok niya na sobrang nagtitigasan na parang hindi na-shampoo nang ilang araw. Tapos punong-puno nang tigyawat ang mukha. Sinong bespren niya? Yung PANGET din diba? Yung neirdy neirdy din na katulad niya. Ehh si Kim Chu yung gumanap siyang panget sa Bakit di ka Crush ng Crush Mo? Diba lage siyang umuuwing luhaan. Broken hearted. Hindi lang yun, nauuto pa siya nang lalaki. Napeperahan. Nakakaawa din yung pinagdadaanan niya kung tutuusin. Ohh sige yung latest.. Yung latest movie na "The Gifted", si Zoe na gumanap bilang si Anne Curtis at si Aika na ginampanan naman ni Cristine Reyes, ohh diba hindi naman sila magaganda dun? Si Zoe (Anne Curtis) ang taba-taba niya, halos di na siya makagalaw sa pwesto niya. Sobrang laki niya na parang namanas nang bongga. Si Aika (Cristine Reyes) na ang lapad nang ilong, neirdy din tapos sungki sungki yung ngipin. Infairness naman sa dalawa, kasi sobrang gifted nila dun! Sobrang brainy! Masakalap lang talaga kasi inaayawan padin sila nang mga tao..

Lahat nang mga nabanggit ko kanina, naghangad na maging DYOSA. Naghangad na maging perfect sa paningin nang iba. Naghangad na magustuhan din nang iba. Hindi lang basta magustuhan.. Hangaan nang bongga! Kaiingitan.. Yung ganun? Lahat sila ninais n asana magkaron nang magandang love story.. Na sana may pumatol din sa kanila at maranansan nilang mainlove kahit na minsan. Hiniling din nila na sana maging bida din sila sa mundong ibabaw. Hiniling nila na sana maging fair naman ang mga taong nasa paligid nila. Hindi yung lagi silang huli. Last option na lang. Kung minsan wala pa talaga at all. Hindi yung palaging api-apihan.. Hindi yung palaging mdrama ang buhay. Hindi yung puro pasakit na lang.. Lahat sila hiniling na maging MAGANDA. Hindi lang basta maganda, kundi MAGANDANG-MAGANDA.

Kaya ang tanong..

Gusto mo padin ba nang ganun?

Ohh.. Nagdalawang isip ka din diba?

Sabe sayo ehh! Hindi padin sapat na matalino ka lang..

Pero pano nga kung pinapipili ka sa dalawa.. Ano ang pipiliin mo?

Magandang bobo o Chakang matalino?

"Di bale nang shunga shunga.. Bawing bawi naman sa mukha."

Pano kung sinagot ka nang ganyan matapos mong sabihin yung unang kataga? Makapalag ka kaya? Pano kung nilait ka niya from head to toe? Makailag ka kaya? Kung tutuusin mas maraming maipipintas ang mga nakikita nang mata kesa sa mga nakatago sa panloob. Mas madaling humusga base sa nakikita nang tao kesa sa kalooban nito.

Halimbawa na lang may nakasalubong kang tao. Masasabi mo ba agad na plastic siya? Masasabi mo bang masama ugali niya dahil hindi niya sinusunod ang utos nang nanay niya? Masasabi mo bang sinungaling siya? Masasabi mo bang suplada siya o kaya naman isnabera? May masasabi k aba agad sa kanya tungkol sa kalooban niya? O sige eto.. Masasabi mo ba agad nab obo siya sa Math? Na bobo siya sa English o kahit sa kahit ano pa mang subject? Masasabi mo ba agad agad na wala siyang talent?

HINDI DIBA???

Hindi talaga. Kailangan mo muna siyang makasama. Makausap. Makahalubilo. Makilala kahit saglit lang. Kahit isang oras lang. O kahit minuto bago ka makapanghusga sa kanya. Ehh kapag panget ka?

Ang daling sabihin kung anong nakikita niya sayo. Physically YES! From head to toe, kayang-kaya kang laitin nang mapanghusgang mata. Lalo na kung di ka niya talaga gusto at all.. Masama na kung masama. Pero kung masakit ka naman talaga sa mata niya, nila, o nang kahit sinong tao.. May magagawa k aba? WALA! Malalait at malalait ka.. Mahuhusgahan ka kahit malayo ka pa.. Na hindi na niya kailangan pang kilalanin at kausapin ka.. Bakit pa? Ehh kitang-kita ang ebidensya!

Kahit sino naman siguro naransan na manghusga sa kapwa. Hindi man intentionally, but you can never tell us that you didn't did it! YES YOU CAN! May makita ka lang na pilay na naglalakad, natatawa ka diba? Minsan ginagaya mo pa. May makita ka lang bulag, hinahawi mo yung palad mo sa mukha niya diba? Minsan nagmamake-face ka pa, dedma lang naman kahit panget itsura mo kasi hindi naman nakikita nung bulag. May marinig ka lang na piping nag-uusap, ginagaya mo din. Tipong nagsisign languge ka din sa kasama mo na parang alam na alam mo.. May makita ka lang na may pigsa sa mukha, may poknat, may nunal na malaki, may bingot, may tabingi sa parte nang mukha niya, for sure, natatawa ka..

WAG KANG MAGMALINIS! WAG KANG MAGHUGAS KAMAY! ALAM KONG ALAM MO, NA ALAM NANG LAHAT.. GINAWA MO YAN!

Yun nga yung point ko, advantage din kapag maganda o pogi ka. Pero wag mong kakalimutan yung konsepto sa usapan na BOBO KA! Oo bobo ka! Kasama na dun yung walang talent.. Kasama na dun yung pagiging tanga-tanga mo sa kahit anong konsepto. Kasama na dun yung pagkawala mo nang sentido common o common sense kung twagin. Pero pano nga ba kung bobo ka? Sakalp din nun!

Advantage nang may pinagpalang mukha, madaling matanggap sa work. Pero pag nagkagisahan na? Kung sasalain mabuti para sa ikabubuti nang kumpanya.. Malamang sa malamang, ligwak ka! Walang duda yun! Tanggal ka kahit may mga koneksyon ka pang madami dahil maganda ka.. Pag bbobo ka, Malabo padding Manalo ka sa Beauty Pageant. Kasi yung pinakamalaking points dun yung Q&A diba? Malamang laglag ka, elimination pa lang..

Ngayonuulitin ko.. San ka sa dalawa?

Magandang bobo o Chakang matalino?

Kung ako ang tatanungin mo nang ganyan, ang isasagot ko..

ITULOG MO YAN! WALANG MAY PAKE! HAHAHAHA..

Dejoke lang! Wala kang mapipili diyan. Ipapanganak ka pa lang, may lalamang na dyan sa pagkatao mo.. Edi kung anong makuha mo, kung anong bingay sayo tanggapin mo.. Kung panget ka, edi magpaganda ka.. Problem aba yun? Ang daming  makabagong teknolohiya ngayon na makakapagpabago sa mukha mo. Wag mo lang sobrahan kasi makakasama yun! Lahat naman nang sobra masama. Kung bobo ka, edi magsanay ka naman.. Lahat naman nang bagay nadadaan sa turo. Konting tiyaga lang matututo ka din. Dapat imotivate mo yung sarili mong matuto para magawa mo nga nang tama. Kasi kung hindi, nganga ka malamang.

Choice mo naman kung gusto mong tanggapin na panget ka, at wag magparetoke dahil naniniwala kang maganda ka in your own way at tanggap mo kung sino ka, edi go! Push! Wag ka na din mag-ambisyon na magkakaron ka nang magandang lovelife. Ang i-wish mo ay kung may papatol sa panget na katulad mo. Hehe.. Ikaw din naman mamimili kung gusto mong forever bobo ka na lang.. Yung okay na sayo yung alam mo yung pangalan mo, san ka nakatira, anong pangalan nang nanay at tatay mo.. Ikaw naman yan ehh! Kung okay na sayo na alam mo kung pano magbilang at mag-English kahit worng grammar.. Ikaw naman yan ehh.. Push lang! Atleast maganda ka diba? Naks!

Pero yung totoo? Kung ppipiliin mo ko?

IHHHHHHHHHHH.. NAKAKAHIYAAAAAA..

Gusto ko talaga maging Pogi..

Gusto ko kasing mag-artista at sumikat..

Gusto ko maging kamukha kahit si Enrique Gil na lang..

Masyado na kasing mataas kung si Mario Maurer o kaya si Adam Levigne ehh..

Ano sa palagay mo?

Pwede Pero DependeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon