8. The Wife and the Mistress

639 17 1
                                    

The Wife and the Mistress

 

Kabet o legal. Alam naman natin sigurong lahat 'to. Pero since nandito na din lang tayo sa usaping lovelife, pagusapan na din naten. Alam kong aware na kayo na madaming ganito sa lugar natin. Kabi-kabila dyan sa bahay ninyo ay may ganitong problema. For sure yan! Almost 90% yata sa Pilipinas ay may ganyang storya. Yung iba iniwanan kasi may kabet. Yung iba nangiwan kasi may kabet. Yung iba naman mas piniling magsama kahit na merong KABET!

Pero sa puntong ito. Sino ba kasi ang dapat natin kampihan? Sino ba ang may kasalanan? Sino ba ang mas may karapatan magmahal?

"Walang gustong maging kabet..."

Matatandaang sinabi ito ni Maja Salvador sa teleseryeng "THE LEGAL WIFE" na kung saan siya ang kabet ni Jericho Rosales at si Angel Locsin ang legal na asawa. Simula taong 2013 nang maglabasan sa media ang iba't ibang storya tungkol sa pagiging kabet. Nandyan ang "No Other Woman", "The Secret Affair", 'One More Chance", "The Mistress" at kung ano-ano pa.  Nagkakaroon nang iba't ibang ideya at palupitan nang salita kaya naman sa totong buhay, lalong nagsusumiksik ang mga kabet. Lalo din yata silang dumadami. At kung minsan sila pa ang matapang! Nakakahiya naman..

Kasalanan ko bang ako ang gusto nang asawa mo? Kasalanan ko bang boring ka na at hindi magaling sa kama? Kung pampalipas lang ako, bakit nya ko pinapangakuan at lagging hinahanap? Bakit hindi nya ko inaaway? Kung babae lang ako, at may gagawa sakin nang ganyan, baka masampal ko lang. Ayoko nang madaming salita.. Pero.. Letse ka! Ang landi mong hayup ka! Pinaninindigan talagang kabet ehh nu!?

Nakakapanggigil diba!? Pero kalma muna.. Bakit kaya, hindi na lang sila maghanap nang walang asawa. Bakit pati may asawa kailangan patusin? Nauubusan na ba nang lalake? Kahit mas madami ang babae sa Pilipinas, madami pading lalake! (and vice versa) Syempre may mga babae din namang magaling mangaliwa at yung lalake ang nagiging kabet. Pero since mas madaming babaeng kabet, ehh sila na lang ang ifigure out nating example.

Hindi naman kasi nila ginusto maging kabet. Nagmahal nga lang naman talaga sila. Nagkataon lang na may asawa. Mali lang kasi dun, hindi nila pinataga. Hindi nila kinilalang mabuti. Kung sino talaga at ano talaga yung lalake bago niya sagutin. Edi sana okay diba? Pero sabagay, sabe nga nila, kahit anong gawin mo, kung magloloko, magloloko at magloloko padin. Sadyang may mga magaling lang talagang magtago nang sikreto at nagagawang paikutin ang ulo nang biktima. Sila nga yung mga kabet.

Pero kasalanan na siguro nang kabet kung nalaman na niyang may asawa na pero ipagsisiksikan padin ang sarili. Sabagay mahirap gawin kasi napamahal ka na sa taong yun. Mahirap pakawalan. Mahirap iwanan. Mahirap tanggapin na mawawala na sayo yung taong mataga mo nang iningatan lalo pa't bumuo ka na din nang pangarap kasama siya. Pero kasi hindi na nga tama. Hindi tamang maging kabet ka. Hindi tamang makasakit ka din nang ibang taong nagmamahal. Gusto mo ba mangyari yun sayo? Ano kung may seryosong relasyon ka na tapos out of the blue biglang may lalabas na kabet. Syempre magagalit ka din nun. Kaya dapat tapusin mo na ang ugnayan mo habag maaga pa. Kailangan nang putulin para maitama. Kasi kung patuloy mong gagawin ang mali, mali padin ang kakalabasan nyan hanggang sa huli. Minsan kailangan mo ding mag-isip at itanong sa sarili mo kung:

Hanggang saan mo kayang magpakatanga?

Hanggang saan mo kayang ibigay ang lahat sa taong pagmamay-ari na nang iba?

Hanggang saan mo kayang sabihin sa sarili mo na KAYA MO PA at umaasa kang MAMAHALIN KA NIYA?

Wag mong ipanatag ang sarili mo at patuloy kang magbulag-bulagan. Wag mong sabihing OKAY KA LANG, dahil alam mo sa sarili mong kahit kalian, HINDING HINDI KA MAGIGING UNA DAHIL KABET KA!

Pwede Pero DependeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon