Chapter 11

7.2K 216 18
                                    

Chapter 11

"Tell me Jax. Are you jealous with Jake?"

Biglang kumunot ang noo niya at napailing. Ang kaninang kilig na nararamdaman ko ay biglang napalitan ng kaba at pagkapahiya.

"Where did you get that?" aniya na ngumisi pa. He treated it as a joke.

"I-I just t-."

"You're my bestfriend Xhia. Ayoko lang na madaliin mo ang pakikipagboyfriend. I care for you and I dont want you to be hurt. Not with anyone." seryosong wika niya bago guluhin ang buhok ko.

Hindi ako makasagot dahil sa hiya at sa sakit na kumirot sa dibdib ko.

Assuming nga siguro ako. Dati ay lahat ng gawin niya ay normal para sa akin. Walang kahulugan. Pero ngayon na naamin ko na sa sarili ko na gusto ko siya bawat gawin at kilos niya ay nabibigyan ko ng kahulugan.

"I am old enough Jax. Kaya ko na ang sarili ko." wika ko at inalis ang kamay niya sa ulo ko at tumalikod.

"Take your medicine on time sweetheart." pahabol niya pa pero hindi ko na siya nilingon.

Kapag nilingon ko pa siya ay makikita niya ang sakit na nasa mata ko ngayon. I dont want him to know this feeling. Makakalimutan ko din siya. I will do everything to do it.

Pagkatapos ng klase ay nagpasundo na ako kay Mang Lando. I didnt text jax like the way I used to do. Dati kapag pauwi na ako ay nagtetext ako sa kanya o kaya ay tinatawagan ko siya pero ngayon ay ni isang text ay hindi ko ginawa.

Pagdating sa bahay ay kaagad akong dumiretso sa kwarto ko at nahiga sa kama.

Looking at the ceiling and thinking. I want to forget Jax and to start I need to divert my attention.

Ilang sandali pa akong nakatingin sa kisame bago ako nagpasyang tumayo at magbihis.

"Manang lalabas po muna ako."paalam ko kay Manang Lusing. Hindi ko na siya hinintay na sumagot at mabilis na kinuha ang bike ko at lumabas ng gate.

I just drove my bike in the subdivision.

Hindi ko alam kung ilang beses akong nagpabalik-balik sa pagbabike hanggang sa mapagod ako
Mabilis akong bumaba sa bike nang makarating ako sa harap ng bahay. Sakto naman dahil tumigil ang isang taxi sa harap ng bahay nina Jax kaya napaangat ang kilay ko lalo na nang makita kung sino ang lulan niyon.

Mia.

"Hi Xhia!" bati niya sa akin nang makita niya akong nakatingin sa kanya.

"What are you doing here?" taas kilay na tanong ko sa kanya pero ngumiti siya ng matamis.

"I'm here for Jax." aniya na para bang normal na normal lang sa kanya ang sinabi niya.

"Why?" muling tanong ko kaya lumapit na siya sa akin.

"Why not?" balik tanong niya sa akin bago ngumisi.

Napakuyom ang kamao ko at nakipagsukatan ng tingin sa kanya.

"I know your kind. Drama queen, paawa, just to make someone fall for you." wika ko kaya mas lalo siyang ngumisi.

"And its working right?" aniya kaya napakuyom ang kamao ko.

She's getting into my nerves! Kapag kaming dalawa lang ay napakamaldita niya pero kapag may ibang tao na ay mala santa siya sa bait! Damn her! She and Cyril are the same. They are using their social status to have sympathy!

"You bitch!"

"Sorry Xhia but Jax and I are already in a relationship. Hindi mo ba ako icocongrats?" aniya na ikinagulat ko.

Heartless Society 2: The Doctor's VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon