Chapter 22

8.9K 252 9
                                    

Chapter 22

Dalawang araw pagkatapos ng party ay hindi ko pa nakikita si Jaxon. Nang gabing iyon ay nagdahilan akong masama ang pakiramdam ko kaya hindi na nila ako pinilit bumaba.

And I think Jax handle everything smoothly.

Kahapon naman ay nanatili lang ako sa bahay dahil wala naman akong ibang pupuntahan. At ngayon ay almusal palang pero ang utak ko ay lumilipad na sa mangyayari buong maghapon. Nagpaplano na ako ng mga bagay na pwede kong gawin.

"Would that be okay with you Xhia?" tanong ni Mommy pero hindi ko narinig dahil abala ako sa pag iisip.

I can go to the mall and do shopping. Mula nang dumating ako dito ay hindi pa ako nakakagala talaga. I think it will be a good past time. Wala naman akong ibang mapupuntahan.

"Xhia."

Pwede rin akong manood ng sine. Kailan ba noong huling manood ako sa sine? Its been two years? Ang natatandaan ko pang kasama ko noon ay si Nay Cora. Instead of a boyfriend ay siya ang kasama ko. Thats how strict my Dad is when we are in the states.

"Xhia."

And I forgot. Magpupunta din ako sa salon. Yeah..I need to have my nails done. Medyo sira na kasi ang nail polish ko.

Victoria and Airah are both busy at ayoko namang istorbohin pa sila. I can do it myself. Pagkatapos ko siguro sa lahat ay kakain na lang ako sa restaurant. I'll gonna treat myself toda-.

"Xhia." napatingin ako kay Mommy nang hawakan niya ang kamay kong nasa mesa.

"Ha?" takang usal ko. "Are you saying something Mom?" tanong kong muli ng makabawi ako. Kapwa sila nakatingin sa akin at mukhang nagtataka. My mind is too occupied.

"Ang sabi ko ay darating mamaya ang gagawa ng wedding gown mo. May meeting kami ngayon pero susubukan kong humabol." nakangiting wika ni Mommy kaya napakunot noo ako.

Kailan pa nila pinag-usapan ito? Bakit wala akong alam?

Mukhang napansin nila ang naging reaksyon ko kaya muli siyang nagsalita.

"The week after next week will be your wedding. Ang sabi ni Jaxon ay iyon ang napagkasunduan ninyo kaya naman pumayag na kami. Busy siya dahil tinatapos niya ang mga gawain niya sa hospital kaya kami ng Tita Lisa mo ang tutulong sayo para sa kakailanganin sa kasal." nakangiting wika ni Mommy kaya mas lalo akong napakunot noo.

Kahit ayoko ay may konting kirot akong naramdaman sa dibdib ko. It will be my wedding pero may bahagi sa dibdib ko ang hindi masaya.

"Resched it by afternoon. May gagawin po ako ngayon." wika ko bago tumayo.

I lost my appetite.

"May lakad ba kayo nina Victoria?" takang tanong ni Daddy pero umiling ako.

"Wala po. I have a prior appointment to a friend." sagot ko at mabilis na nagpaalam at umalis.

Baka magtanong pa sila kung sinong kaibigan. I dont have any to mention. Sina Victoria lang naman ang kakilala ko. And besides I dont wanna change my plans for today. Bahala siyang mamroblema. Hindi ko pa nakakalimutan ang pagpapahiya niya sa akin sa mga kabigan niya. Its payback time. Tignan lang natin kung hanggang saan ang pasensya niya lalo na at hindi ko sisiputin ang taong kausap niya para gumawa ng wedding gown ko.

Mabilis akong naligo at nag-ayos bago ako nagpahatid kay Mang Lando sa mall. Nagbilin ako sa kanya na tatawagan ko siya kapag uuwi na ako kaya hindi na niya ako kailangan hintayin.

Pagdating sa mall ay nagshopping ako. Bumili ako ng mga kakailanganin ko talaga. I dont buy things that I dont need kahit naka sale pa yan. Its just funny na mula nang magising ako sa pagkaka comatose ay nagbago daw ako. Well my Mom always wants me to go for shopping pero madalas ay tumatangi ako kahit sabihin pang may sale sa mga mall. I just think that everything thats on sale, if I dont need it, its expensive. And my Mom is really happy when I told her about that. Ang sabi niya ay madalas daw noon ay laman ako ng mall. Especially if there's a Sale.

Heartless Society 2: The Doctor's VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon