Chapter 10

8.4K 214 12
                                    

Chapter 10

Kinabukasan ay pinayagan na din akong lumabas. Ang sabi ni Jax ay siya na lang ang kukuha ng CT scan result kaya okay lang na lumabas na ako sa ospital. He even prescribed me some medicines na kailangan ko daw inumin.

Paglabas namin ng room ay nandoon na sina Mommy at Daddy kasama sina Tito Franco at Tita Lisa.

"How are you honey?" tanong ni Mommy sa akin na inalalayan pa ako.

"I'm good Mom." wika ko sabay sulyap kina Tito at Tita. "Good morning po Tito, Tita." wika ko na bahagyang ngumiti.

"Good morning hija. Nagbake ako ng cookies and cake sa bahay para sayo yon." wika niya kaya mas napangiti ako.

Tita and Tito loves to have a daughter pero hindi na sila nabiyayaan ng anak na babae kaya naman ang turing nila sa akin ay parang anak na.

"Thanks Tita. Nag abala pa po kayo."

"Your Tita Lisa loves you so much hija. Alam mo naman kung gaano niya kagustong magkaroon din ng unica hija. And we are thankful that you are there. Para ka na naming anak." wika ni Tito Franco kaya maging sina Daddy at Mommy ay napangiti.

"Thanks Tito. I also treat you as my second parents." sinserong wika ko na nginitian pa sila ng matamis.

Nakaalalay sa akin si Jax habang nasa likod ang parents namin. Naglalakad na kami ngayon sa hallway nang mapahinto kami dahil biglang sumulpot si Mia.

"Hi Jax." bati niya kay Jax na ginantihan siya ng bati. "How are you feeling Xhia?" tanong ni Mia na malawak ang pagkakangiti. I know thats fake. Maybe she's good at acting but she cant fool me!

"Not good. I just saw your face." sagot ko na ibinulong ang huling salita kaya hindi narinig nina Mommy. Mabilis na nawala ang ngiti sa labi niya.

"Xhia." babala sa akin ni Jax kaya napaismid ako.

Mabilis namang nakabawi si Mia at mulng ngumiti bago nilingon ang likuran namin. "Good morning Mam, Sir." wika niya na nginitian sina Mommy at Tita na nasa likod.

Bigla ding nawala ang ngiti nina Tita Lisa at tumango lang.

"Ihahatid mo na ba sila sa labas Jax?" tanong muli ni Mia pero bago pa nakasagot si Jax ay biglang tumikhim si Tita Lisa na nasa likod kaya lahat kami ay napatingin sa kanya.

"Miss Dela Cruz thats not how you address a doctor. Your relationship outside this hospital doesnt have anything to do with your work. Thats unprofessional." wika ni Tita Lisa bago ako balingan.

"Lets go hija. Tayo na Stella."wika ni Tita bago kami lagpasan kasunod sina Mommy.

Nakita ko pa ang bahagyang pag irap ni Mia pero mukhang ako lang ang nakapansin doon. Si Jax naman ay apologetic na tumingin kay Mia.

"I'm sorry for that Mia." wika ni Jax.

Mabilis na umiling si Mia bago nagsalita. "She's right. Its unprofessional. I'll go ahead Doc." aniya bago kami lagpasan.

"Mia!" tawag pa ni Jax sa kanya at tangkang hahabulin ito pero nsagsalita ako.

"Jax lets go." wika ko.

Marahas na napabuntong hininga si Jax at mukhang nag aalinlangan kung aalis na ba o pupuntahan si Mia. Sa bandang huli ay muli niya akong inalalayan paalis.

Pagdating namin sa kotse ay mabilis akong pumasok doon at hindi ko na kinibo si Jax.

Is this what you call l jealousy? Kasi kung ito nga ay ayaw ko ng maramdaman ito.

I hate this feeling. Pwede akong magselos pero wala akong karapatang magalit. I hate this!

Pagdating namin sa bahay ay sinabi ni Tita na pupunta na lang sila dito. Kukunin daw muna nila ang binake niya. Naghanda din kasi si Mommy.

Heartless Society 2: The Doctor's VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon