Chapter 26

10.1K 322 40
                                    

Chapter 26

Present....

Marahan kong iminulat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang marahang pag-haplos sa may buhok ko. 

"Xhia?" dinig kong tawag ng pamilyar na tinig. Sa nanlalabong paningin ay pilit kong inaaninag kung sino ang tumawag sa akin. 

"J-Jax.." bulong ko at mariing ipinikit ang mga mata ko. Nanlalabo pa rin ang paningin ko kaya hindi ko alam kung siya nga ba ang nakita ko. Ilang sandali akong nakapikit nang may tumawag ulit sa akin.

"Xhia." muling dinig ko. Hindi malinaw ang pandinig ko at para bang nasa ibang lugar ang tumatawag sa akin. Muli ay idinilat ko ang mga mata ko at pilit na inaninag ang tumawag sa akin.

"M-Mommy?" bulong ko nang maaninag ko ang mukha niya. I thought it was Jax. Nananaginip ba ako kanina?

"Thanks God you're awake!" bulalas ni Mommy kaya tuluyan na akong naupo. Masakit pa rin ang ulo ko at parang umiikot ang nasa paligid ko.

Inalalayan ako ni Mommy na tuluyang makaupo. Pakiramdam ko ay lalong sumasakit ang ulo ko. Kanina ay akala ko si Jax ang humihimas sa may buhok ko. I thought it was him pero mukhang panaginip lang ang nangyari.

"W-What happened?" tanong ko at sinapo ang ulo ko.

"You fainted hija." sagot niya na nasa tinig ang pag-aalala.

"I fainted." bulong ko pero mabilis ding natigilan nang may maalala ako.

"Yeah. Almost ten minutes. Are you okay now? May masakit ba sayo? Gusto mo bang dalhin ka namin sa Ospital?..." wika ni Mommy pero hindi ko na narinig ang sunod niyang sinabi. I was preoccupied.

Parang sumikdo ang puso ko. I remember them. I remember my past. Pakiramdam ko ay tatalon ang puso ko sa halo-halong emosyon. I am happy that I remember them but there's something that was missing. That night.. I can't remember it.

Napahawak ako sa ulo ko at napapikit. I remember everything except that night.

"Xhia?" bahagyang niyugyog ni Mommy ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya. She looks more worried.

"M-Mommy I-." I was about to tell her that I regain my memories but a sudden knocked on the door interrupt us.

Kung kanina ay parang tumalon ang puso ko ngayon ay parang tumriple ang kabog ng dibdib ko. 

"J-Jax.." naibulong ko.

Mabilis na lumingon si Mommy at tumayo nang makita si Jax. "She just woke up when you left. Can you please check on her. I am really worried." wika ni Mommy kay Jax kaya napakunot ang noo ko.

He went here? Hindi ba panaginip ang nakita ko kanina?

"Yeah sure tita." wika ni Jax kaya parang nakahinga ng maluwag si Mommy. Mabilis siyang nagpaalam na lalabas muna at sasabihin kay Daddy na gising na ako.

Nang kami na lang ang naiwan ay mabilis siyang lumapit sa akin at tinignan ako. I dont know what he thinks. Walang emosyon ang mukha niya.

"Anong narardaman mo?" kaswal na tanong niya. He doesn't sound worried. More on irritated I guess.

"J-Jax.. I..I rem-."

"You look fine to me." aniya na umiwas ng tingin sa akin at kinuha ang magazine na nasa center table at bahagya iyong binuksan. "The wedding was delayed. Nakakahiya sa mga bisita kung paghihintayin pa natin sila ng matagal."

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya. He really don't care about me. Wala na ang dating Jax. He's cold.

Mabilis na nanubig ang mga mata ko dahil sa sakit. Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko at pinilit kong pigilan ang pagbuhos ng luha ko.

Heartless Society 2: The Doctor's VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon