Chapter 15

9.3K 238 33
                                    

Check photo at t the top! Xhia's gown! Credits to the owner of the photo. Parang ganyan yung gown. Kisses Delavin gown when she turned 18.

CHAPTER 15

"Xhia."

Mabilis akong napalingon sa likod ko dahil sa tumawag sa akin.

"Jax." Usal ko nang makita siya na nasa likod ko at kunot noong nakatingin sa amin.

"What are you doing here Xhia?" Tanong niya na sinulyapan si Lawrence bago nalipat muli sa akin ang tingin niya.

"I.. I saw-."

"I think she's lost. Nakita ko na lang siya dito sa harap ng pinto." Wika ni Lawrence kaya napakunot ang noo ko pero hindi na ako kumibo.

Tumango si Jax at bahagyang lumingon sa nurse na kasama ko kanina pero hindi na siya kumibo.

"Lets go Xhia." Wika ni Jax at hinawakan pa ako sa bewang na nakapagpatalon sa akin sa gulat.

He's acting weird. Dati naman niya akong hinahawakan sa bewang but this time ay hinapit niya ako palapit sa kanya. Hindi na lang ako kumibo at sumunod sa kanya.

Pagdating namin sa office ni Tita Lisa ay doon niya palang binitawan ang bewang ko. Umupo siya sa may sofa kaya umupo din ako. Pakiramdaam ko kasi ay nanlalambot ang mga tuhod ko.

"Mom told me." Umpisa niya kaya napatingin ako sa kanya. "Kukunin mo na daw ang gown mo." Wika niya kaya napatango ako.

"Oo. Magpapasama sana ako sayo kung hindi ka busy. Hindi kasi ako masasamahan ni Mommy e. May meeting kasi sila sa Company. Sina Victoria naman ay may lakad and Airah has a family dinner." Wika ko. Ayokong magpasama kay Mang Lando. I want to have someone who can give me advice about my gown. Wala namang masyadong alam si Mang Lando sa Gown kaya kay Jax ko naisipang magpasama. I want to hear his opinion.

Tumango siya at inalis ang Lab coat niya. "Okay. Wait for me. I'll wash up first." Wika niya kaya napangiti ako.

"Okay!" masayang sagot ko. Ilang sandali siyang nakatingin sa akin kaya nailang ako. "W-Why?" nautal na tanong ko.

Umiling siya bago tumungo sa CR kaya napailing na lang ako. Maybe something is bothering him.

***

Pagdating namin sa Botique ay mabilis kaming sinalubong ng secretary ni Vannesa Eilish.

"Hi!" bati ko sa sekretarya kaya ngumiti siya sa akin.

"Hello dear. Mabuti at nandito na kayo. Siguradong bagay na bagay sayo ang gown mo." Nakangiting wika niya kaya mas lalo akong naexcite.

Pagpasok namin sa loob ay iginiya niya kami sa may sofa. Umupo doon si Jax habang ako naman ay sumunod sa sekretarya.

Pumasok kami sa kwarto na napapaligiran ng salamin. Doon ay nakita ko sa gitna ang gown. Otomatikong napangiti ang mga labi ko nang makita ito.

"Can I try it now?" excited na wika ko. I just cant hide my excitement!

"Sure you can." nakangiting wika niya at tinulungan akong alisin sa mannequin ang gown. Medyo mahirap siyang isuot dahil malaki talaga pero pagkatapos kong makita ang repleksyon ko sa salamin ay napahanga ako. It fits me perfectly! Ang kulay nito na pale pink ay lalong nagpaputi sa akin.

"You look gorgeous Miss Alvarado." puri sa akin ng sekretarya kaya nginitian ko siya ng matamis.

"Can I show it to Jax?" wika ko kaya tumango siya.

"Go ahead. Aayusin ko lang ang paglalagyan ng gown." wika niya kaya lumakad ako palabas. I take a walk slowly dahil ayokong madumihan ang gown. Isa pa ay talagang mabigat ito.

Heartless Society 2: The Doctor's VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon