Chapter 6

7.5K 227 9
                                    

Chapter 6

"Jax.." usal ko ng makita siya na nakatayo sa labas ng kotse niya habang madilim ang mukha.

Naging erotiko na naman ang tibok ng puso ko sa hindi maipaliwanag na pakiramdam.

"K-Kanina ka pa ba diyan?" tanong ko sa kanya na mabilis na nakabawi.
Mabilis siyang lumapit sa akin at inilayo ako kay Marco kaya nagulat ako.

"Jax!" bulalas ko dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko at nasasaktan ako.

I dont know what's happening to him.

"Umuwi na tayo." wika niya na nakipagsukatan ng tingin kay Marco.

"But Airah and Victoria are still there! Hindi pa ako nakapagpaalam." protesta ko na pilit inaalis ang kamay niya na tila bakal na nakahawak sa akin pero hindi niya iyon pinakawalan.

"They can go home by their self." aniya at magsisimula na sanang hilain ako pero sumabat si Marco.

"Pare nasasaktan si Xhia. Pwede mo naman siyang ayaing umuwi ng hindi siya hinihila." wika ni Marco pero hindi siya pinansin ni Jaxon kaya maging ako ay nainis.

"Jaxon!" inis na sigaw ko pero patuloy siya sa paghila sa akin hanggang sa kotse.

"Pare nasasaktan na si Xhi-." bago pa matapos ni Marco ang sasabihin niya ay sinagot na siya ni Jaxon.

"Shut the fuck up!" sigaw niya bago binuksan ang kotse at ipasok ako doon. I tried to open the door but it was locked!

Nakita ko pa ang akmang pagtutol sana ni Marco pero hindi siya pinansin ni Jaxon bagkus ay lumigid siya sa kabila at sumakay sa driver seat.

"What is that Jaxon?!" inis na sigaw ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin at mas lalo pang binilisan ang pagmamaneho.

"Jaxon slow down!" sigaw ko sa kanya na napakapit pa sa may upuan ko.

Malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa takot. Takot dahil sa bilis niyang magmaneho at takot dahil ngayon lang siya nagkaganito. And for pete sake I dont even know the reason!

Bahagya niya akong nilingon ngunit hindi nagsalita. Binagalan niya din ang pagpapatakbo ng sasakyan kaya nakahinga ako ng maluwag.

Hindi na lang ako nagsalita at nanatiling tahimik dahil baka sumabog ako sa inis.

Ilang sandali pa ay nasa harap na kami ng bahay. Mabilis akong bumaba at ganon din siya.

Akmang papasok na ako sa bahay pero pinigilan niya ang braso ko.

"Kailan pa?" tanong niya sa akin kaya napakunot noo ako.

"Anong kailan pa? What is your problem ba?" mahinahong tanong ko.

Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya at kunot noo lang siyang nakatingin sa akin.

"You and that guy! Ni hindi mo man lang sinabi sa akin! Kung hindi pa ako tinawagan ni Tita para sunduin ka ay hindi ko pa malalaman na may lakad ka pala ngayon!" halos pasigaw na wika niya kaya ako din ay nainis.

"Bakit ka ba nagagalit? Dahil hindi ko sinabi na may lakad ako? Jaxon I tried to text and call you pero madalang ka lang magreply dahil BUSY ka! At isa pa ano ngayon kung pumunta ako sa party! I dont need to report everything to you!" inis na sigaw ko din. Kung may makakakita at makakarinig lang sa amin ngayon ay pagkakamalan kaming mag boyfriend na nag aaway.

Or worse mag asawa!

"You have the chance to tell me yesterday but you didnt told me!"

"You're busy with Mia! Diba ang sabi mo ay gusto mong magkaroon muna kayo ng time together? At isa pa wala namang masama na nagpunta ako sa party! Nagpaalam ako sa mga magulang ko!"

Heartless Society 2: The Doctor's VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon