Chapter 14

7.5K 210 18
                                    

CHAPTER 14

Its been three months since that day. I tried my best to act normal in front of Jaxon. Sinubukan kong maging kaswal kapag kasama namin si Mia. Ayaw ko kasing mag-away na naman kami dahil sa kanya.

Kapag naiiwan kaming dalawa ni Mia ay doon lumilitaw ang ugali niya. Kagaya ngayon.

Hawak ko ang baso ko na may lamang juice. Nandito kami sa Veranda ng bahay nina Jax. Ang sabi kasi ni Tita Lisa ay siya ang bahala sa gown ko para sa eighteen birthday ko. Isang buwan na lang at birthday ko na. Ang sabi ni Tita ay darating ang Kaibigan niyang designer at susukatan ako ngayon.

We are waiting for her friend when Jax came with Mia. Si Tita Lisa ay halatang hindi gusto si Mia dahil pagdating pa lang nito ay umalis na siya at pumuntang kusina. Si Jax naman ay pumunta sa kwarto niya at may kukunin daw kaya ngayon ay kami lang ang magkasama ni Mia.

"So magbibirthday ka na pala." Wika niya kaya tumango ako. I don't want Jax to get mad at me again. Kaya kong umakto ng maayos kahit ilang sandali lang. Ang pag akto ng tama at ang pagiging plastic ay mag kaiba. I dont like her but it doesnt mean that I need to be plastic or nice to her. What I just need to do is stay formal without hitting a nerve.

"I see. Kaya pala atat si Jax na bumili ng regalo para sayo." Matabang na wika niya kaya napataas ang kilay ko. Did I just say without hitting a nerve? Parang gusto ko nang palitan ang sinabi ko. I can stay casual and formal if she dont gets into my nerves.

"Kahit naman hindi ko birthday binibilhan naman ako lagi ni Jax ng Regalo." I answered as a matter of fact kaya napaismid siya.

"You Know Xhia, Jax is my Boyfriend at hindi siguro tama na masyado pa kayong close lalo na at dalaga ka na." sagot niya kaya napakunot ang noo ko. Ayoko ang tinutumbok ng mga salita niya.

"What?"

"Can you please just avoid Jax? Girlfriend niya ako pero laging hati ang oras niya para sa akin dahil sayo." Wika niya kaya ako naman ang natawa na may halong inis. I get her point but Jax is my bestfriend first!

"Really? Don't you think, you are not that important to him because he cant give you his whole attention?" sarkastikong wika ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Brat!"

"Yeah I am." Wika ko bago ngumiti sa kanya. Ang hindi ko inaasahan ay ang bigla niyang pagkuha sa Juice niya at ang pagtapon niya nito sa akin."Oh my God!" Sigaw ko at mabilis na napatayo.

"What did you do?!" inis na sigaw ko sa kanya habang pinupunasan ang damit at mukha ko..

"Suits you better right?" aniya na ngumisi pa sa akin.

Tumaas baba ang dibdib ko dahil sa galit. Kung hindi dahil sa boses na mula sa likod ko ay baka nabuhusan ko na din siya ng juice!

"Mia!" sigaw ni Jax kaya sabay kaming napatingin ni Mia sa kanya. Nandoon din si Tita Lisa na halata sa mukha ang galit dahil sa nakita.

"What the hell did you do to Xhia?!" sigaw ni Tita na mabilis akong dinaluhan.

"Tita.." naiusal ko. Lumapit siya sa akin at tinulungan akong punasan ang mukha ko.

"I-I'm sorry. Hindi ko po sinasadya. N-Natapunan lang po siya-."

"Liar! What do you think of us? Blind?! Nakita namin na isinaboy mo sa kanya ang Juice! Don't give me reasons!"sigaw ni Tita kaya hinawakan ko siya sa braso.

"Its okay Tita." Wika ko pero umiling siya.

"Of course not Xhia! That's not okay! Pinatuloy ko siya sa bahay ko ng maayos at gaganituhin ka lang niya! You are part of our family Xhia at hindi tama na gaganyanin ka ng isang bisita lang!" wika niya pa kaya napakagat ako sa labi ko.

Heartless Society 2: The Doctor's VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon