Chapter 4

7.5K 262 4
                                    

Chapter 4

Kagaya nga nang sinabi ni Jax ay nagpunta kami sa Mall. He bought me some stuff. Nasa may jewelry section na kami ngayon at nagtitingin siya nang necklace. Napangiti pa ako dahil sa pag aakalang akin iyon.

"This one look nice. Simple but elegant." wika ko matapos ituro ang necklace na may Moon na pendant.

Tumingin siya sa akin at alangan na ngumiti kaya napakunot noo ako. Theres something wrong.

"Okay I'll get it." aniya kaya tumango na lang din ako.

"Miss I will get this one and this also." aniya na itinuro din ang isang necklace na may heart na pendant kaya napakunot ang noo ko.

"Para kanino yung isa?" usisa ko kaya napatingin siya sa akin.

Ilang sandali siyang tahimik at tila inaaral ang sasabihin niya pero sa huli ay umiling lang siya. "Nothing." aniya.

"You bought a necklace for nothing?" taas kilay na tanong ko.

He grinned at me and smile a little bit that makes my heart thumper. "You'll know soon, sweetheart." aniya bago pisilin ang pisngi ko kaya napasimangot ako.

Hindi na lang ako nagsalita hanggang makuha niya ang mga binili niya.

"Lets go." wika ko nang maabot na niya ang mga ito pero pinigil niya ang braso ko.

"Wear this." aniya na mabilis binuksan ang necklace na may pendant na moon at humarap sa akin.

"Always remember Xhia that you will always be my Sweetheart. Nothing will change." aniya na hinalikan pa ako sa noo matapos isuot sa akin ang necklace. Parang may paro-parong nagliparan sa dibdib ko dahil sa ginawa niya.

He always did that pero ngayon ay iba. Theres something different in my emotions towards him.

Napalunok ako at mabilis na kinalma ang sarili ko.

Nang mga sumunod na araw ay naging madalang na lang ang pagkikita namin ni Jaxon. Naging panggabi na ang shift niya kaya naman madalas ay tulog pa ako kapag umuuwi siya at kapag gising naman ako ay siya naman ang tulog. We rarely have time to text or call each other. I am sending him a text message pero madalas ay matagal siyang magreply at kung minsan ay pag uwi na lang niya doon siya nagrereply kaya naman ilang araw na rin akong aburido dahil doon.

Bukas na ang party ni Marco and I havent yet told him. Nagpaalam na ako kina Mommy at pumayag naman sila. Pero mukhang ayoko nang pumunta dahil sa inis at pag kairita ko kay Jaxon. Dati naman ay kahit gaano siya kabusy ay nagagawa niya parin akong itext o kaya naman ay tawagan but these past few days are different.

"Bakit nakasimangot ka na naman diyan?" tanong sa akin ni Victoria nang madatnan niya ako sa room na nakapangalumbaba.

"Nothing." tipid na sagot ko.

"Nothing pero yung mukha mo parang pasan mo na ang buong mundo sa sobrang pagkalukot." wika naman ni Airah kaya inikutan ko sila nang mata.

"I am irritated okay!" inis na sagot ko kaya nagkatinginan ang dalawa.

"Why?" Victoria Asked.

I dont know if its good to share it with them. Baka kasi iba na naman ang ipakahulugan nila sa nararamdaman ko. But at the end ay wala din akong mapagpipilian kung hindi sabihin dahil wala naman akong ibang pagsasabihan ng mga bagay na bumabagabag sa akin. My Mom and Dad are busy and Jaxon is busy too at siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

"Jaxon is too busy. Dati naman ay kahit busy siya ay may time pa rin siya sa akin pero ngayon ay wala na siya oras kahit na itext man lang ako. I am irritated because he's not like this." sagot ko.

Heartless Society 2: The Doctor's VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon