Chapter 5

7.5K 272 9
                                    

Chapter 5

Pagbalik ko ng bahay ay nanatili lang ako sa kwarto ko at nahiga. I didnt even go downstairs when they called me for dinner.

Wala akong ganang kumain at ang isip ko ay na kina Jaxon at Mia.

Hindi dapat ako mag over react dahil bestfriend lang ako pero hindi ko mapigilan.

Napatingin ako sa Cellphone ko nang bigla iyong magvibrate.

Si Airah.

Mabilis kong kinuha iyon at sinagot.

"Hello." wika ko sa kabilang linya.

"Hey girl! Are you ready for tomorrow? Ang sabi sa akin ni Victoria ay mga barkada lang daw ni Marco ang sasama at iilang mga taga school. No dress code. May isusuot ka na ba?" tanong niya sa akin.

"Yeah. May binili ako noong nakaraan na damit. That will do." wika ko.

"Oh thats good. Ihahatid ka ba ni Jaxon o si Mang lando?" tanong niya ulit kaya napilitan akong sumagot.

"N-No. He's busy. Magpapahatid na lang ako kay Mang Lando." wika ko.

"Okay. Text me kapag nandoon ka na. We'll wait outside para sabay sabay na tayong pumasok." aniya kaya napatango ako.

Pagkatapos naming mag usap ay muli kong ibinaba ang Cellphone ko at kinuha ang twalya ko bago ako pumasok sa banyo.

I'll take a quick shower.

Pagkatapos ng kinse minutos ay natapos ako sa pagligo kaya kinuha ko na ang towel at ipinalupot iyon sa katawan ko.

Paglabas ko ng banyo ay ganon na lang ang gulat ko nang makita si Jaxon na nakahiga sa may Kama ko.

Napahawak ako sa buhol na nasa gitna ng dibdib ko at mabilis na naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko.

"What are you doing here?" nabiglang tanong ko.

Mabilis siyang napatayo sa kama. Nakita ko pa ang paglunok niya kaya mas lalong kumabog ang dibdib ko.

"I dont know that you were taking a shower. Akala ko nag cr ka lang sandali." aniya na hindi inilalayo ang tingin sa akin.

"I-I'll ch-."

"I'm going out. I'll come back after five minutes." putol niya sa sasabihin ko bago siya mabilis na lumabas ng kwarto ngunit bago iyon ay isang sulyap pa ang iniwanan niya sa akin.

Pagkalabas niya ay para akong nakahinga nang maluwag. Hindi ako nag aksaya ng oras at mabilis akong pumunta sa closet ko at nag hanap ng pantulog. I chose the mickey mouse pajama terno.

Pagkatapos kong magbihis ay mabilis akong umupo sa harap ng vanity table at pinatuyo ang buhok ko. Sakto naman dahil nakarinig ako ng tatlong katok sa pinto at ang pagsungaw ni Jax doon.

"Why are you here?" mabilis na tanong ko nang hindi man lang siya sinusulyapan. Kahit hindi ko siya linugunin ay kita ko ang mukha niya sa repleksyon niya sa salamin.

"Xhia what happened in the house earli-."

"Its okay Jax. I understand it perfectly. Gusto mong maka time kayo ni Mia kaya hindi mo sinabi sa akin." wika ko na walang ka emo-emosyon ang tinig.

"Xhia can you please listen to me?" kunot noo at tila nawawalan na ng pasenysang wika niya kaya inis na tumayo ako at hinarap siya. Huminga ako ng malalim para pigilan ang inis na lalong namumuo sa dibdib ko bago muling nagsalita.

"Do you love her?" tanong ko matapos ang ilang sandali.

"I wouldnt court her if I dont feel something for her." aniya kaya tumango na lang ako.

Heartless Society 2: The Doctor's VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon