Chapter 31

17.5K 366 106
                                    

Chapter 31

Its been a week since that happened. Nasa condo lang ako at paminsan minsan ay dumadalaw kina Mommy. Aside from that ay wala na akong ibang ginagawa.

Nauubos ang oras ko kakabasa o kaya naman ay sa kakanood and it bore me.

Kahapon ay dumalaw ako kina Mommy at sinabi ko ang balak kong magtrabaho pero ang sagot nila ay tanungin ko daw si Jax kung papayag siya. But how? Halos hindi kami nagkikibuan kapag nagkikita kami dito sa condo. Uuwi siya ng hatinggabi at aalis ng madaling araw. Kung hindi pa ako maagang gigising ay baka hindi ko na siya makita.

Napabuntong hininga na lang ako. Sinubukan kong kausapin siya pero mukhang iniiwasan niya ako. Puro tango at iling lang ang natatanggap ko. He's so cold.

Napatingin ako sa pagkaing nasa mesa. I cooked kare-kare. Balak kong pumunta sa Ospital ngayon para sana dalhan siya ng pagkain. Kakausapin ko din siya sa balak kong pagtatrabaho.

I hope hindi siya magalit sa pagpunta ko doon.

Pagkatapos kong ayusin ang mga dadalhin ko ay mabilis din akong nag ayos ng sarili. I wear a black button down dress na umabot hanggang taas ng tuhod ko. It has a thin strap kaya okay lang na gumalaw-galaw. Flat sandals ang sinuot ko bago ko kinuha ang bag ko. It was a pink chain strap bag. Ang buhok ko naman ay itinali ko pataas para hindi nakaharang sa balikat ko.

Isang tingin muna sa salamin ang ginawa ko bago ako lumabas ng Condo.

Pagdating ko sa Ospital ay kaagad akong lumapit sa reception area. There I saw the same lady before.

"Hi Grace." bati ko at nginitian siya.

"Good morning Ma'am." bati niya na ngumiti pa sa akin. "Pupuntahan niyo po ba si Doc Sevilla?"

"Yeah. I have some lunch for him." nakangiting sagot ko kaya mas lumawak ang ngiti niya.

"Pumunta na lang po kayo sa office niya. Nandoon naman ang secretary niya." tumango ako bago nagpaalam.

Pagdating ko sa office niya ay nakita ko kaagad ang nakasimangot na mukha ni Cyril. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ipinagbago. Kapag nakikita niya ako ay lagi siyang nakasimangot.

"Si Jax?" tanong ko sa kanya.

Sandali niya lang akong tinignan bago sumagot.

"Nasa loob. Kakatapos lang ng rounds niya."aniya kaya tumango ako.

Dumiretso na ako sa pinto at akmang bubuksan iyon nang magsalita muli si Cyril.

"Kausap niya pa si Doctor Cruz." Wika niya kaya napakunot noo ako at may inis na umusbong sa dibdib ko.

Mabilis kong binuksan ang pinto ngunit mabilis ding natigilan. Jax is sitting in the sofa next to Doctor Cruz. They are both smiling.

Una akong napansin ni Jax kaya mabilis na nawala ang ngiti niya ngunit tumayo upang salubungin ako.

"What a surprise wife." Aniya na hinalikan pa ang pisngi ko at bumulong. "Why are you here?" May talim sa tinig na wika niya.

Lumayo siya sa akin at hinapit ang bewang ko bago ako iginiya sa may sofa.

Alam ko na peke ang pinapakita niya ngayon. Maybe because he dont want anyone to know the real relationship we had.

Bago pa ako makasagot ay nagsalita si Doctor Cruz kaya napunta ang atensyon namin sa kanya.

"Xhia right?" Aniya na lumapit pa sa amin. Tumango ako at hindi man lang nag abalang sumagot o ngumiti man lang kaya nagpatuloy siya. "Congrats sa wedding niyo ni Jax. Unfortunately hindi ako nakapunta. I had an operation that day."

Heartless Society 2: The Doctor's VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon