Chapter Seven: Best Actress

54 0 0
                                    

Chapter 7

“Kelan mo pa ko naging boyfriend?” Tanong ni Drei sa akin habang sinundan niya ako ng tingin dahil pabalik-balik ako sa kinalalagyan ko. Tingin ko nga nahihilo na siya sa akin eh dahil kanina pa ako ganito simula ng dalhin ko siya dito.

Kung nagtataka kaya kung anong nangyari pagkatapos kong sabihin kay Paige na boyfriend ko si Drei, ganito yun. Hinila ko si Drei dito sa may pinakasulok sa gilid ng cr para makapag usap kami. Si Paige? Ayun, inis na inis na nagtatakbo pabalik ng classroom nila. Buti nga sa kanya. :P Pero may mali eh..

“K-kanina l-lang.” SOBRANG NATETENSE AKO! Dahil ba to sa simula kanina umaga natetense ako o dahil sa sinabi kong boyfriend ko si Drei? Huhu. Bakit ba kasi sa lahat ng pwedeng maisip na pruweba, yun pa? Huhu. Ayoko na nito! Pwede bang ibalik yung nangyari? Kahit nanalo ako sa unang pagtutuos naming ni Paige, hindi pa din ako masaya.

“So tayo na?”

“O-oo! Ay, h-hindi no!” Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba kasi sa lahat ng pwedeng masabi ko kanina, yun pa? Bakit ba kasi naisipan ko pa yung idea na yun? Huhu.

“Ha?”

“T-tayo pero h-hindi tayo.” Tumigil ako sa harap niya. Feel ko pati siya nahihilo na sa paglalakad ko. “O-okay? G-gets mo ba?”

“Ang labo mo.” Ang eng eng naman nito oh. Pano ko ba ieexplain?

“Basta tayo pero hindi tayo. Argh!” Sa sobrang gulo ng isip ko, di ko na alam ang gagawin. Saktong sakto, biglang nagbell na. “Mamaya na tayo mag usap uli. Balik na tayo sa room, time na eh.” Umoo lang siya. Pabalik na kami nun sa classroom pero kinalabit ko uli siya. “Uh, pwede bang umacting ka muna na boyfriend ko? Please?” Di niya ko pinansin at diretso na uli siyang naglakad. Patay! Pano to? Baka mahalata nila na di totoo yung sinabi ko kanina.

Nung malapit na kami sa pintuan, bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Yes! Ay no! Pero sige na nga, okay lang. Akala ko hindi niya ko tutulungan. Tulad ng inaasahan ko, pagpasok naming ay pinagtitinginan kami ng mga kaklase naming. Bakit ba ang bilis ng chismis? Bv, mas lalo akong kinakabahan nito eh.

Okay. Easy lang Dani. Kaya mo yan. Patay malisya kunwari. Pag nagtanong lang sila, dun ka lang magreact. Diretso ka agad sa upuan mo. Fighting!

“Oh, I heard we have a new couple. Is it true Ms. Vega and Mr. Villanueva?” Pati ba naman si sir alam na?

“Ah, y-yes s-sir.” At nginitian ko siya. Kunwari. Grabe, kung alam niyo lang ang nararamdaman ko ngayon. Parang ewan lang. di ako mapakali.

“Nice couple huh. Halos two weeks palang naman ng klase ah, parang ang bilis naman?” Ang chismoso nito ni sir. Nakakainis. Sana hindi na lang siya nagtatanong ng nagtatanong eh.

“Magkakilala na po kami since dun pa sa dati naming school. I started courting her there.” Buong ningning na sabi ni Drei. Ha? Wow. Grabe, galing pala mag imbento nito ni Drei eh. Pero nagtataka ako eh, bakit pumayag siya agad sa plano ko kanina? Sabagay, he’s a guy. Sino ba namang tatanggi sa babae? Tsss.

“YIEEEEEEEEE~” At naghiyawan ang lahat. May iba namang mga babae na ang sama ng tingin sa akin. Nako, whatever. Sa inis ko, tinignan ko si Rina sa harap. Pero nakasimangot sya. Ang sama ng tingin sa akin. Oh noes! Galit yata si Rina sa akin. Pano na to?

“Okay class, tama na yan. Pero Drei, ingat mo si Ms. Vega ah.”

“Opo naman sir.” Sumulyap siya sa akin. I smiled a bit. At naghiyawan na naman silang lahat. Pero si Rina, mas lalong sumama ang tingin sa akin. Hala. Galit nga talaga siya sa akin. I need to explain.:(

Pagkatapos nun, naglecture na uli si sir. Grabe, hindi talaga ako mapakali! Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa biglaang plano ko o sa galit sa akin si Rina? Huhuhu. Maloloka na ko. Ang komplikado ng buhay ko. Pano ba gagawin ko. Minsan kasi di ako nag iisip eh.

Dahil pre-occupied na naman ang isip ko, di ko namalayan na dismissal na pala. Nakita kong palabas na si Rina ng classroom at mukhang masama pa din ang loob nya. Hindi pwede to, I need to talk to her! Tumakbo ako palabas ng classroom para habulin sya.

“Rina!” Hindi pa din sya tumitigil. Napansin ko naman yung mga taong dumadaan sa classroom naming, nakatingin sa akin. Yung iba, kino-congrats ako. Whatever. Kailangan kong makausap si Rina! Tumakbo na ako pupunta sa kanya at hinarangan yung dinadaan nya.

“Rina, can we talk? Please?” With matching puppy eyes. Alam ko di nya ko matitiis. Pero nagkamali ata ako. Di nya ko sinasagot. Noooooo!

“Rina..”

“Di mo man lang sinabi sa akin na boyfriend mo na pala si Drei.” Nakasimangot nyang sabi sa akin. “Kaya pala ayaw mo nung nireto kita dun sa pinsan ko. Hmmp.” Napatingin na naman yung mga taong nasa paligid namin. Mga chismoso’t chismosa.

“Ah. Hehe. I’ll tell you everything later? Okay?”

“Dapat lang. Hmmp.” Inis talaga sya akin. Kung alam lang nya. Hay. Pero at least, medj okay na kami.

“Haha. Sige, wait for me sa gate. Kukunin ko lang yung gamit ko sa room.”

“Okay.” And she smiled at me. Yay! Bumalik na ko agad sa room after nun. Wait. May nakalimutan ako. Kailangan ko palang kausapin si Drei! Sana nasa room pa sya.

Luckily, pagdating ko sa room andun pa sya kausap yung mga kaklase namin. Salamat naman. Dumiretso ako sa desk ko at kinuha yung gamit ko.

“Uy pare, hindi mo ba ihahatid si Dani pauwi?” Sabi nung kaklase naming kasama nya. Nagsmile lang ako sa kanila. Part of the acting. Mukhang mapapadalas na ang pagngiti ko nito ah.

Bago pa magsalita si Drei, inunahan ko na. “Uh babe,” Wait. What did I just said? Babe?! WTF Dani. Ang galing mong umarte. Natural born actress. “can we meet later sa may Starbucks at 7pm? May pupuntahan lang kami ni Rina.” I smiled again.

“Sige babe.” At naki-babe na sya. Magaling. Artista din pala to eh. “Just text me later. Ingat ka.”

“Sure thing. ;) “

And he waved at me. Nagsmile lang ako at umalis na agad. Ang galing ko na talagang umarte.

Rina, check! Drei, check! Kaya ko to!

_____________

Okay. Tapos na ang term na to and sa wakas nagkaoras na ko para mag update. \o/ I'll try to update this more quickly. BV lang kasi talaga ang thesis.

Sorry ang tagal kong di nag update and ang sabaw sabaw pa ng chapter na to. :| Babawi ako sa next chapter. Promise. :)

Salamat kung may nagbabasa man! :)

Pretty HeartbrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon