Chapter Six: The Proof

74 1 2
                                    

Salamat ilabtamakisuoh for your support! Para sayo tong chapter na to. ;)

_________________

Chapter 6

Monday na uli at may pasok na naman. Unang araw din simula ng makita ko yung picture na sinasabing lesbian ako. Simulan na natin ang giyera. Bring it on! >:D At kung hindi nyo natatanong, nagprepare na din ako sa kung anong mangyayari ngayon. At pag nakita ko yang btch na Paige na yan, tignan ko lang kung magkaroon pa siya ng buhok after nito. >:))

Pag pasok ko sa school, tumingin ako sa paligid ko kung may kakaibang nakapost. Malay mo may poster o kung ano mang nakalagay. Inoobserbahan ko din yung reaction ng mga tao kung pinag uusapan ba nila yung tungkol sa akin o hindi. Mukha na nga akong paranoid dito na talagang tinitignan ang lahat ng makikita o madadaan ko. Pero ayos lang yun. Iba na ang nag iingat. Nakahinga na din ako ng maluwag dahil nakarating ako ng classroom na walang nakikitang kung ano. Buti na lang.

Umupo ako agad sa pwesto ko. Si Rina, wala pa sa upuan niya. Yung seatmate ko naman, wala pa dahil malamang, late na naman yun. Tsaka bakit ko ba iniisip kung nasan na yun, eh nag away na naman nga kami nung Welcome night.

Napansin ko na yung mga kaklase kong babae na nandun ay may pinag uusapang kung ano. Nagbubulungan at nakatingin sa akin. Oh no. Sabi na nga ba eh. Nung napansin nilang nakatingin ako sa kanila, may dalawang babaeng lumapit sa akin.

“Uh Dani, totoo ba yung balita?” Oh my God. Humanda ka Paige sa akin. Anong isasagot ko? Syempre hindi pero kailangan cool pa din pagkasagot ko. Hay. Nakakastress!

“H-hindi no. S-san nyo nakuha yang balitang yan?” Chill lang Dani. Relax.

Napansin ko naman na biglang medyo lumungkot yung kausap ko. Bakit kaya? Oh my God, type niya ko? T________T

“Sa kanila. Hay. Akala ko pa naman totoo. Napansin ko din kasi..” Dani, relax sabi eh. Wag kang matense.

“P-pano mo napansin?” My gaaaahd. Mukha ba talaga akong lesbian? Hindi porke’t mataray at di ako namamansin sa mga boys at mabait ako sa mga girls, eh lesbian na ko diba?

“Napansin ko kasi na magkamukha kayo ni Daryl ng Petal Society eh.”

“MAGKAMUKHA BA..” Halos pagalit ko na sagot sa kanya. Napatigil ako ng unti unti kong narealize yung sinabi niya. Daryl ng Petal Society. Petal Society. Si kuya. Si kuya Daryl ba kamo? So hindi to tungkol sa picture na yun diba? HAHAHAHA.

“Ay, haha. Tungkol ba to sa Petal Society? HAHAHAHAHA.” Toinks! Haha. Masyado na akong napapraning. Sorry naman!

Umoo yung babaeng kausap ko at biglang napangiti. Hahahaha. Ang eng eng ko. Masyado na akong natetense. Hindi naman pala tungkol dun sa picture, tungkol pala sa Petal Society. Hahaha. Okay. Hinga na ng malalim Dani.

“Ah, oo. Kuya ko si Daryl. Hahaha.” Pagkasabi ko nun, bigla na lang sandamakmak na babae ang pumunta sa harap ng desk ko. Fan girls.

“Sabi na nga ba eh!”

“Close ba kayo?”

“Swerte mo naman!”

“Edi kakilala mo din si Bien Aquino?”

“Oh my God, pakilala mo naman ako kay Miro!”

“Grabe, super crush ko yang si Jai!”

“Okay lang ba sayo na ako na lang ang sister-in-law mo?”

Pretty HeartbrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon