Chapter Twelve: Hunch

54 2 0
                                    

Chapter twelve

Ngiti? Totoong ngiti? Ha. Hindi pa din ako makaget-over sa sinabi nya. I mean, wth. Sino ba siya para mangielam kung ngumingiti ako o hindi? Kung ayokong ngumiti, may magagawa ba siya? Nakakainis lang, akala mo kilala niya ako. Tsk. Ay wait, baka nga kilala nya ko? I heard transferee din sya pero di ko naman alam kung saan kasi di naman ako nakinig nung nagpakilala sya nung first day. Oh my, baka schoolmate ko sya sa dati kong school! Okay. OA na naman ako. Pero kasi baka kilala nya ako at alam niya yung mga nangyari sa dati kong school. Mga memoryang ayokong balikan. 

Andito ako ngayon sa may Serenitea, hinihintay si Rina dahil ililibre nya ako. Sabi nya kaninang 4:30pm papunta na daw siya pero 5:53pm na at wala pa din sya. Feeling ko dumaan pa yun kay Jann. Kanina pa ko nakatulala dito eh. Tss. Hmm. Kung imbestigahan ko na lang kaya si Drei thru Facebook or Twitter kung kilala nya nga ako dati pa? Para naman may magawa ako dito habang hinihintay si Rina.

Binuksan ko na agad ang Facebook ko at sinearch ang pangalan ni Drei. Nung bubuksan ko na yung profile nya, nagdalawang isip ako. “Bubuksan ko ba o hindi?” Pero binuksan ko na din para sa ikatatahimik ng buhay ko.

Name: Andrei Villanueva

Studies at St. Andrews University

Sheez. Bakit di nakalagay dati nyang school?

Birthday: March 23

Wala naman akong makitang info. Tss. Tinignan ko din yung photos nya, baka sakaling merong pictures ng dati nyang school pero wala. Ano ba yan.

“Hoooy!” Bigla akong tinapik ni Rina at sumigaw.

“Potek naman Rina! Ginugulat mo ko eh!” Napansin kong nakita ni Rina yung phone ko, sana di nya nahalata.

“Oy, sino yang sino-stalk mo?”

“Bakit ngayon ka lang?”

“Sino nga yang sino-stalk mo?”

“Sabi mo 4:30pm papunta ka na dito, ang tagal mo!”

“Sino nga yan? Ikaw ah. Yeeee~” Ayaw patalo ah.

“Sige, bumili ka na.”

“4:30pm ako umalis ng school pero dumaan pa ko bahay para kumuha ng pera. Sorry kung matagal ako at bibili na ko pagkatapos mong sumagot.” Sinabi nya yan ng tuloy tuloy ah.  Akala ko makakalusot na ko. “So sino nga yang sino-stalk mo?”

“Uy, hindi ko sino-stalk to no! I’m just checking.” Palusot.

“Sino nga?”

“S-si Drei.”

“Oooh. Kaya naman pala. Checking if he has another girl? Selosa mo naman couz. Haha.”

“Sira, hindi no. Kasi.. parang weird. Alam mo ba saan siya nanggaling na school?

“Hmmm. Sa pagkakaalam ko sa Sacred Montessori sya galing. Bakit?”

“Wala lang, weird kasi nya. Parang kilala nya ko o whatsoever.”

“Stalker lang ang peg? Haha. Kung sya naman ang stalker, magpa-stalk ka na! Hahaha.” Tumawa sya ng malakas. “Ano nga palang nangyari? May punishment ka na?”

“Well, ang sabi niya ngumiti lang daw ako.”

“Aww. How sweet naman.” Kinikilig na naman sya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pretty HeartbrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon