Chapter Four: Welcome Night

75 2 3
                                    

Chapter 4

Dumating na ang araw na pinaka ayaw ko--ang Welcome Night. Dahil compulsory ang pag attend dito, wala akong nagawa kundi umattend. Wala namang theme yung party basta sabi fashionable clothes daw kaya naka dress lang ako at flats. Teka, fashionable na ba yun? Haha. Actually parang concert lang naman siya na may program, games and all stuffs. Nagstart yung activity with performances ng mga schoolmates namin tapos ngayon, nagsastart na yung performance ng mga invited bands.

Fun naman siya because I was able to meet new friends.At nandito ako ngayon sa may gilid ng stage kasama ang newly found friends ko na sina Aira, Tin at Cindy. They all seem nice. Sila pa nga unang nag approach sa akin eh.

“I know you’ve been waiting for them. Please welcome on stage, Petal Society!” Upon hearing what the MC said, para akong nanghina. I don’t want them to play here. I don’t want to hear their music. I don’t want to see them. I don’t want to see him. :(

“Oh my God! Magpeperform na yung Petal Society!” Tin yelled.

“Oo nga! Grabe, punta tayo dun sa may stage!” Sabi ni Cindy na hinihila na kami ni Aira papunta sa stage.

“Tara na Dani! Punta na tayo dun!” Excited na yaya ni Aira. Pero ayoko talagang pumunta sa stage.

“Uh girls, kayo na lang. Ayoko dun sa may stage, madaming tao.” Ayoko talaga.

“Sige na Dani, minsan lang to eh! Let’s go!” Di pa din bumibitaw si Cindy sa pagkakahila sa akin.

“Si-sige na nga.” Di ko alam kung bakit hindi ako makatanggi. Ang ewan ko talaga. Dahil ba sa gusto ko din siyang makita? Teka, ano ba tong iniisip ko. Siguro dahil ayaw ko lang magmukhang KJ sa kanila.

“Yay!” Sabay sabay pa nilang sinabi na super excited. Nagpunta na kami agad dun sa may stage. Ang daming tao. Sobrang nakisiksik pa kami para lang makapunta sa kung saan kami ngayon, sa may gitna. Tanaw ko naman silang lahat—mas lalo na si Bien na nasa harap lang dahil siya ang vocalist ng band. Kita ko din dito si kuya Daryl na mukhang hinahanap ako dahil lingon ng lingon sa audience.

“Hello everyone! We are Petal Society. We hope you guys would have lots of fun tonight. Okay? ;) ” Bien started as every girls squeal with what he said. Mga fangirls talaga.

They started playing. Intro palang nila, alam ko na ang kakantahin nila. And I hate that song. Mas lalo na pag siya ang kumakanta. Marahil sa iba nakakakilig tong kantang to pero sa akin, hindi.

Oh, her eyes, her eyes, make the stars look like they're not shining

He started singing. Naghihiyawan na lahat ng nanonood pero ako, eto, nakatulala sa kanya. His eyes wander as if may hinahanap siya. Why does this song reminds me of everything?:(

Her hair, her hair, falls perfectly without her trying 

It seems everything flashes back unto me. Since from the day we met.

She's so beautiful, and I tell her every day

And every line that he sings, parang bumabaon sa puso ko.

Yeah, I know, I know, when I compliment her she won't believe me

“Smile always. You become more beautiful when you smile.”

And it's so, it's so, sad to think that she don't see what I see

“Ewan ko sayo, binobola mo lang ako eh!”

Pretty HeartbrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon