Chapter Five: War

68 1 4
                                    

Chapter 5

Sunday. Walang pasok. Birthday ni Rina. Dalawang araw na ang nakakalipas ng madurog na naman ang puso ko.

Papunta ako ngayon sa Café Leonora, dun kasi gagawin yung birthday ni Rina. Close friends and family lang daw ang invited. Ewan ko dun pero sabi niya papakilala daw niya ako sa mga pinsan niya sa kabilang side, bale sa father’s side niya. Kaya ko kasi siya naging pinsan kasi yung mom niya, kapatid yung mom ko. Tapos may kapatid pa sila, si tito Ariel. May cousins pa kami from tito Ariel pero nasa Australia kasi sila kaya kami lang ang nandito. Okay.

Hinatid ako ni kuya Daryl. Dapat kasama ko siya ngayon kaso may emergency rehearsal/meeting daw sila ng banda niya kaya hinatid na lang nya ako. Sila mama naman, susunod na lang mamaya.

Pagdating ko sa Café Leonora, nilapitan ko na agad si Rina na talagang todo ayos.

“Happy birthday, couz! Ang ganda mo today! Haha.” I hugged her and gave her my gift.

“I know right. Haha. Thank you couz! Teka, nasan si kuya Daryl? I thought kasama mo siya.”

“Hindi eh, may emergency rehearsal sila. Pero if possible daw, hahabol siya dito.”

“Ah. Sayang naman.” She frowned a bit.

“Si kuya Basty tsaka si kuya Geoff?” Mga kuya niya. Pinsan din namin.

“Umalis silang pareho saglit. Hahabol na lang daw sila. Kainis nga eh. Birthday ko pa naman. Tsk tsk.” At mas lalong naging malungkot ang mukha niya.

“Oo nga pala couz, I would like you to meet Mike,” Bigla siyang nagsmile uli. Weirdo. Sinensayasan niya yung Mike na sinasabi niya na lumapit sa amin at lumapit naman nga siya agad. “my cousin.” He smiled to me pero ako poker face lang. I’m so clueless from what is happening. Di ko gets kung bakit niya ko pinapakilala. Anong meron? “Mike, this is my cousin, Dani.” I smiled a bit para di naman ako mukhang masama. Now I get it. Pinapakilala niya ako sa guy cousin niya! At mukhang may pinaplano siya.

I slightly raised my brows.

“Uh Mike, mag usap muna kami ni Dani. Hehe.” Buti naman nagets niya ang senyas ko! Umalis naman agad si Mike at naiwan kaming dalawa. Umupo kami sa may bakanteng table.

“What’s the meaning of this?"

“Wala. Bakit ano bang meron? Hehe.” Paiwas niyang sagot sa akin.

“I mean, why would you introduce me to your cousin?”

“Wala. Is there something wrong with that?”

“Meron.

“Okay okay. I don’t see any wrong with me introducing you to my cousin. I just want you to know other people. And wala namang masama dun diba?”

I raised my brows again. Ayoko siyang sagutin.

“And besides, may be it’s the time for you to meet other people again? Alam mo, mabait naman yang si Mike. Gwapo, matalino and all. Haha. Bakit di mo subukan?” And she winked at me. Nakakainis. I knew this. Alam kong irereto niya yung pinsan niya.

“Ayoko.” And she pouted.

“Please?”

“Ayoko. Ayoko!”

“Sige na, birthday ko naman eh. Kahit ngayong araw lang.” And nag puppy eyes pa siya sa akin. Paawa effect. Nakakainis.

“K. Sige na. Pabirthday ko na sayo. But don’t expect na magiging mabait ako sa kanya. Haha.” Akala niya ah. Buti nga pinagbigyan ko siya. Haha.

“Dani?!”

“ Hahaha. Oo na. Sige. I’ll try. Okay?”

“Whaaa~ thank you couz!” And she hugged me.

“Sige couz, alis muna ako. Iintindihin ko pa yung ibang bisita. Papupuntahin ko na lang si Mike dito para samahan ka.” She winked again and left me.

Ewan ko sa kanya. Pero sige, dahil birthday naman niya, magpapakabait ako sa pinsan niya.

“Uh, hi?” He looked so tense.

“Hello.” And I smiled a bit to him. Ang awkward.

“Hmm, kamusta ka naman?”

“I’m fine. Kaw?”Ang galing ko talagang umarte ng pagiging mabait.

“Okay lang din.”

A moment of silence. Awkward talaga.

“Hmm, you want to eat?”

“Ayoko. Mamaya na lang. thanks.”

“Uh. I see. Ge, punta muna ako dun.” Para siyang kinakabahan. Bakit naman?

“Sure.”

“Balik na lang ako later.”

“Hindi, okay lang.”

“Ah. S-sige. Bye.” At umalis na siya at bumalik sa table nila ng mga pinsan niya. Okay na din at least mas komportable na ako ngayon.

Dahil wala akong magawa habang hinihintay ko sila mama dito, naisipan kong buksan ang iPad ko at makapag internet na lang. I opened my Facebook and was shocked when I saw this picture posted on the page of our school. A picture of me and my girl friends in my previous high school with the caption: “Dani Vega—A lesbian?”.

Pagkakita ko dito, biglang umakyat ang dugo ko. I am not a lesbian! Asdfghjkl. Anong gagawin ko? Magcocomment? Magpapaliwanag?

Ang daming nag comment. Umabot na nga sa 1, 065 na yung comments. Maraming nakikiayon, maraming walang pakialam, yung iba naman pinagtatanggol ako. Nakakainis. Minsan na nga lang ako magbukas ng Facebook eh ganito pa ang makikita ko. Binasa ko yung iba.

Denise Ocampo- oo nga. Parang lesbian siya. Ayaw niyang kumausap ng boys.

Charles de Jesus- whaaat? Pano na kami?

Jerome Manalo- @charles de jesus ulul pare! Kami kaya!

Sunshine Silayan- hindi naman siguro siya lesbian. Baka naman close lang talaga sila ng friends siya dati.

Jervie Alcaraz- magpapakabading na ko ngayon.

Anton Tan- she is not lesbian.

Doreen Flores- inggit lang kayo sa kanya!

Toni Carreon-  feel ko lesbian nga siya.

Zoren Pena- lesbian pala siya? Okay.

Nakakainis. Celebrity ba ako para pag usapan nila? They don’t know me! Kahit naiinis ako, binasa ko pa din yung mga comments hanggang sa makarating ako sa pinakababa.

Paige Schimdt- I knew it. She was lesbian. My friends told me also na she was lesbian. So guys, sorry na lang kayo. What “he” needs is a she. Not a guy. Hahaha.

Paige Schimdt. Siya yung leader nung Pretty Hot Girls whatever diba? Huh. Not playing fair. Now I know you did this on me. So ito na yung sinasabi niyang pagbabayaran ko sa hindi ko pagsali sa kanila? Ang babaw. Well, I don’t care. Pero di ako papatalo. If she really wants war, then I’ll give war. >:))

_____

Author's Note: Hi! Sorry ang tagal bago ko makapag update. Super busy lang. Sana mag April na para makapag update ako ng bongga. :| And sorry din if may pagka-lame ang update ngayon. Promise next update bongga! :)

Please try reading my short story po. First time kong magsulat ng short story. :)))

Thank you very much! :)

Pretty HeartbrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon