Chapter Ten: Let's Talk

36 1 2
                                    

Chapter Ten

Wow. Bilib na talaga ako kay Drei. Napaka-cooperative. Galing umarte.

Naramdaman kong may gagawin pa sana si Paige sa akin nung nagkatapat na kami pero hindi na niya tinuloy. Pagkatapos sabihin ni Drei yung sinabi nya, hinawakan niyang mahigpit ang kamay ko at umalis kami na parang masayang masaya. Diba ang galing ni Drei? Though di pa din ako komportable sa ganitong set up, masaya ako na naiinis si Paige. Buti nga sa kanya. Ayoko talaga sa mga katulad niyang babae.

“Wow. Galing mong umarte ah.” Sabi ko sa kanya habang hawak pa din nya ang kamay ko. Tatanggalin ko na sana pero mas lalo pa niyang hinigpitan. Aba.

“Haha. Hindi yun acting. Natural yun. Totoo.” Nginitian nya ako.

“Natural acting? Ha. Siguro sinabi mo na yun sa ibang mga babae no?”

“Sayo lang.” Napansin kong medyo naging seryoso sya pero nakangiti pa din. Di na ko makatiis kaya tinanggal ko na yung kamay nya sa kamay ko.

“HAHAHAHA. Talaga lang ha? Wow.” Sarkastisko kong sabi.

“Ganyan ba talaga ang tingin mo sa lahat ng lalaki?” Sa pagkakataong to, mas nakangiti sya pero mas nagging seryoso siya.

“Yes.” Diretso kong sabi sa kanya.

“If that’s the case, then..” Medyo tinaas ko ang kilay ko sa kanya. Ayokong pag-usapan ang mga ganitong bagay. “Fine. I won’t argue anymore.” Pumunta na agad kami sa pwesto namin pagdating namin sa classroom. Hinanap ko si Rina na for sure ay galit sa akin. Kasi naman. Okay, sige. Alam kong kasalanan ko.

Maya-maya, dumating na sila Rina at Jann. Hinatid lang ni Jann si Rina sa room dahil di naman namin siya kaklase, sa may kabilang section kasi siya. Pagkaalis ni Jann, tinignan ni Rina ang pwesto namin ang nakita nyang nakatingin ako sa kanya. Nagkatitigan kami at alam kong naiinis siya sa akin. Lumapit siya sa pwesto namin Yung iba naman naming mga kaklase, nakatingin sa amin at hinihintay kung anong mangyayari. For sure maraming nakakita sa ginawa ko kanina. Nako, headline na naman ako nito.

“Hi Drei! Hi Dani!” Nginitian nya kami. Alam kong pinipilit lang niya ang sarili niyang ngumiti kahit naiinis siya sa akin. “After classes, can I talk to both of you? May sasabihin lang ako.” Mas ngumiti pa siya.

“Sure.” Nakangiting sabi ni Drei. Nginitian ko lang si Rina dahil nahihiya ako sa kanya. Masyado akong nagi-guilty.  :(

Pretty HeartbrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon