Chapter Eleven: Punishment

37 2 0
                                    

CHAPTER ELEVEN

"You should know that you're just a temporary fix

This is not rooted with you it don't mean that much to me"

Nakikinig ako sa ipod ko habang pauwi. Nandito ako sa taxi ngayon at pauwi na sa bahay. Nag-insist si Drei na inhatid ako pero di ako pumayag. Hindi na din kami nag-usap ng matagal ni Drei pagkatapos niyang sabihin sa akin ang sinabi ni Rina sa kanya. Nakakainis kaya. Tsss. Hindi ko sinisisi si Rina dahil di ko naman siya nasabihan na bawal naming sabihin yung tungkol sa agreement. Hay. Ewan ko ba sa sarili ko. I hate myself. Mas lalo ko lang pinagulo ang buhay ko. Tama nga sila na di ka dapat tumatakbo sa problema mo dahil mas lalo lang lalaki. Ang dami tuloy what ifs na pumapasok sa isip ko. BV. Tsss. Hindi pa sinasabi sa akin ni Drei ang magiging punishment ko dahil wala pa siyang maisip. Ang sinabi nya lang sa akin ay,

“Go online pag naka-uwi ka na. Dun ko sasabihin sayo.”

Ayoko ngang mag-online. Baka kung ano pang makita ko diyan. Ang dami ngang nag-aadd sa akin sa Facebook at nagre-request sa akin sa Twitter pero di ko kino-confirm. Medyo weird nga kasi nakita kong friend ko si Drei sa Facebook at fino-follow niya ako sa Twitter kahit super close yung account ko. Hmm.

Ang daming nagbago simula ng pumasok ako sa school ko ngayon. Kaya ako pumasok sa St. Andrews University ay para makalimot at lumayo. Hindi ko lubos maisip na ang daming mangyayari sa pagpasok ko sa St. Andrews University. Kahit pilit, nakikipag-usap na ako uli sa mga lalaki dahil kay Drei at halos lagi pa kaming magkasama! Hmm, hindi naman lagi. Slight lang. Pero kahit na. Isa yun sa mga bagay na ayoko ng gawin—ang maging malapit sa mga lalaki.

 At itong agreement namin? Nakakatawa. Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko. Pinag-iisipan ko na nga kung kelan ko ba ititigil ito. Lahat ng ito ay nangyari ng wala sa plano.

May pasok na naman kinabukasan. Tinatamad akong pumasok. Gusto ko lang humilata at magkulong sa kwarto ko buong araw pero hindi pwede. Dahil sa sobrang tinatamad ako, late na akong pumasok sa school. Habang naglalakad ako papuntang classroom ay may tumawag sa aking pamilyar na boses.

“Uy Dani!” Kahit di ko siya lingunin, alam ko na kung sino sya—si Drei. Hinabol nya ako at sumabay sa akin maglakad. As usual late na naman siyang pumasok.

“Hmm.” Tumango lang ako para mag-greet sa kanya.

“Bakit di ka nag-online kagabi? Sabi ko sayo mag-online ka eh.” Okay. Wala ako sa mood.

“Natulog ako agad.”

“Natulog ka agad? Ha.” At tumingin siya sa akin ng nakakaloko na sarkastisko. “If I know, di ka nakatulog dahil sa punishment mo! Haha.” Tumawa siya ng tumawa. Nakakainis talaga. Argh. Simula nung deal namin, sobrang over confident na tong si Drei na para bang kilala nya ko. Maglalakad na sana ako ng mas mabilis para maunahan ko siya pero bigla nya kong inakbayan. Sinamaan ko nga ng tingin.

“Chill lang! Haha. Parang di naman tayo eh.” Nagsmirk sya at di nya tinanggal yung pag akbay nya sa akin—mas hinigpitan pa nya. Err.

“Uy pare!” Tumigil kami sa paglalakad at binati ni Drei yung isa nyang ka-team sa varsity.

“Uy pre, practice mamaya ah!” Di pa din nya tinatanggal yung kamay nya sa balikat ko. Bibigwasan ko na to!

“Oo naman pre! Excited na nga ako eh sa first practice natin. Ay, oo nga pala. Lloyd, this is Dani. Dani, this is Lloyd.” Sinenyasan ako ni Drei na batiin si Lloyd.

Pretty HeartbrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon