Chapter 9
Mapupunta na ba ako sa impyerno sa ginagawa ko? Puno ng kasinungalingan itong agreeement namin. Eto ang bagay na iniisiip ko after naming mag usap ni Drei. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari. Maraming posibilidad pero pinasok ko to at kailangan kong panindigan. Ilang months lang naman to eh. After nito magpapakabait na talaga ako. Promise.
Lahat ng tao sa school alam na na kami na ni Drei. Nung sinabi ko pa nga lang eh kumalat na agad. Ayoko ng ganito, naging instant celebrity ako. Syempre naman, for sure chinika na ni Paige yung tungkol dun. Nakakainis talaga yung babaeng yun. Iniisip ko nga bakit pa ko lumipat ng school. Well, I have my reasons. Mas gugustuhin ko naman dito kesa sa dati kong school.
Nung una, masyado akong ninenerbyos tungkol sa idea kong to. Pero napansin kong hindi din naman iba pag may boyfriend ka. O siguro dahil wala naman akong pakielam na may ‘boyfriend’ na ko? May mga perks din naman ako ngayong may ‘boyfriend’ na ko. Una, hindi na ko masyadong nilalapitan ng boys. Though hindi ko naman laging kasama si Drei dahil ayoko at hindi naman kailangan, siguro naman nahihiya na yung ibang boys dito para tignan ako at lapitan. Pero may iba pa ding tumitingin at balak lumapit. Hay nako boys talaga. Kung may pros yung idea ko, syempre may cons din. Aba. Dumami ang haters ko. Hindi naman sobrang dami pero kasi yung iba naiinis dahil boyfriend ko si Drei.
Teka nga. Bakit ba ako sabi ng sabi ng boyfriend?
“Oy, ngumiti ka naman.” Sabi ni Drei sa akin. Nandito kami sa cafeteria ngayon. Napagpasyahan naming sabay kumain ngayon kasi naman yang si Paige ginugulo na naman ako.
“Ayoko.”
“Bakit naman ayaw mo?”
“Ayoko eh. Bakit ba?”
“Tignan mo oh, nakatingin sila sayo.” Tiningnan ko yung mga tao sa paligid namin at nakatingin nga sila.
“Ano bang paki nila?”
“Smile ka na lang kasi babe.” Ngumiti siya at aakbayan sana ako pero tumingin ako ng masama sa kanya. Akala nya papayag ako. Medyo sanay na ko na tinatawag nya kong babe pero naiirita pa din ako. Sino nga naman ba ako para magreklamo?
“May LQ kayo?” Tanong ni Rina pagkadating nya dito sa table namin. Kasama nya yung ka-Science club member nya na lalaki. Ewan ko kung manliligaw nya yun.
“Hindi.”
“No.” Sabay naming sagot ni Drei.
“Akala ko LQ kayo eh. Haha. Btw, eto nga pala si Jann. Jann, eto si Dani at Drei.”
“Hello!” Nakangiting sabi ni Jann.
“Nice meeting you pare.” Sabi ni Drei kay Jann at nagshake hands sila. Nag alok ng shake hands sa akin si Jann pero tinignan ko lang. Tumango lang ako with matching taas ng kilay para sabihing hello. Siguro naman naiintindihan nya yung message ko. Nakita ko namang medyo napahiya sya sa ginawa ko. Well problema nya yun, hindi akin.
“Ah. Hehe. Kumain na tayo.” Nafeel kong napahiya sa Rina dahil sa inasta k okay Jann. Nagsimula na silang kumain pero tinititigan ko pa din si Jann. Wala kasi akong tiwala dito sa lalaking to eh. Gwapo naman sya kaya nafifeel kong manloloko sya. Yan ang instincts ng isang babaeng naloko.
“May gusto ka ba kay Rina?” Straight faced kong tanong kay Jann na may kasamang konting taas ng kilay.
Pinilit akong tignan ni Jann pero nahalata kong naiilang sya sa akin. “O-Oo.”
“Pano mo naman nasabing gusto mo sya?”
“Dani, ano ba? Wag mo naman syang takutin. Hehe.” Pabulong na sabi sa akin ni Drei.
“Ano bang masama sa tanong ko? Nagtatanong lang naman ako.” Nagtinginan lang sila Rina at Drei pagkasabi ko nun. Bakit? May masama ba sa tanong ko? Mas maganda na yung diretso.
“Tara na, sa garden na lang tayo.” Tumayo na si Drei at hinila na ako paalis sa table namin. “Excuse me, sa garden na lang kami.”
“Teka lang, kakain pa ko!” Medyo pasigaw kong sabi kay Drei habang nakahawak sya sa wrist ko. Tuluyan na nya akong kinaladkad. Nakatingin pa din sa amin yung mga tao. “Nakakainis ka. Kakain pa ko ng lunch eh. San ako kakain nito?” Pagpasensyahan na, gutom eh.
“Sa garden na nga tayo kakain.”
“Ayoko. Baka makasalubong pa natin sila Paige.”
“Natatakot ka dun? Hah. Wag kang mag alala, nandito naman ako eh. Di kita pababayaan.” At ngumiti sya sa akin.
“K. Fine. Sabi mo eh.”
Konti lang ang tao nung dumating kami sa garden. May mga kumakain, may mga nagkwekwentuhan at may ibang nagp-pda. Naalala ko tuloy nung inaway ko si Drei dito nung welcome night. Okay, ayoko ng maalala yun.
Agad kaming humanap ng pwesto sa garden. Buti na lang di masyadong maaraw. Kahit ayoko na maganda ako, ayoko namang pumangit ako. Nilabas ko na ang pagkain ko at kumain na ko agad. Sorry, gutom talaga ako eh.
“Dahan dahan lang, baka mabulunan ka.”
“Hmmm.” Oo kong sagot at nagpatuloy lang ako sa pagkain. Nakita ko ding nagsimula na syang kumain.
Sa ilang araw na sinumulan namin tong agreement na to, nagtataka ako kung pano nya ko natatagalan? Inaaway ko sya lagi at sinusungitan pero nandito patuloy pa din sya sa usapan namin. Siguro nga dahil sa makukuha nya after ng agreement at sino ba namang aayaw magkaroon ng isang magandang girlfriend?
“EHEM. EHEM.” Bigla akong nabilaukan.
“Kasi naman sabi ko sayo dahan dahan lang eh.” Binigyan nya ako ng tubig at ininom ko agad. Hindi naman ako mahilig magsabi ng thank you kaya tinitigan ko na lang sya at medyo tumango. Sa tingin siguro ng ibang tao, si Drei na ang the best boyfriend. Para sa akin ay hindi dahil alam kong pare-pareho lang sila. Pero minsan nagiguilty din ako sa ugali ko mas lalo na sa kanya. Kahit naman galit ako sa mga lalaki at hindi ako nagtitiwala sa kanila, alam ko pa din naman kung ano ang tama at mali. Kaya nga mas gusto ko na lumayo na lang sa kanila na kabaliktaran ng nangyayari ngayon na may agreement kami ni Drei.
“Bakit ka ba pumayag dun sa agreement?” Hindi ko namalayan na sinabi ko na pala ang mga salitang ito.
“Hmmm.” Nag isip muna sya. At ang tagal nyang mag isip.
“Nevermind. You don’t have to answer.” Wala pa din syang imik. “Tara na, balik na tayo sa room.” Niligpit ko na yung lunch box ko at ganun din sya. After nun, naglakad na kami pabalik ng classroom. Di pa din kami nag uusap. Sinusulyapan ko sya kung bakit di sya nagsasalita dahil madalas pag magkasama kami lagi nya kong kinakausap. Nakita kong seryoso sya. Siguro may iniisip.
Bago kami makarating sa room, nakita namin sila Paige na papalapit sa amin kasama sila Stef at Jasmine na mga kampon nya. Nakangisi ang bruha. Ang sarap sabunutan. Tinignan ko si Drei kung may gagawin sya tutal sabi naman nya sa akin sya daw bahala sa akin. Seryoso pa din sya. Habang papalapit kami kanila Paige, naisip kong kausapin na lang si Drei.
“Gusto mo ba ng-“ Naputol ang sasabihin ko ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Bigla syang humarap sa akin at ngumiti. Sa peripheral view ko naman ay nakikita ko na nakangisi pa din si Paige papalapit sa amin at mukhang may binabalak. Nung nasa tapat na namin sila Paige, may sasabihin sana sya pero di na nya tinuloy dahil naunahan na sya ni Drei. Hinawakan nyang mahigpit ang kamay ko at humarap sa akin at sinabi ng malakas, “It’s because I have liked you ever since before.”
_____
Hi! Sorry another medj waley update. Hahaha. Sorry kasi naeexcite na ko sa mangyayari. Well, ako lang. Haha. Excited na ko na maging matino si Dani. Ngayon ko lang kasi nafifeel na ang sobrang weird nya. Hahaha. :D Yown. Sana may nagbabasa nito. Hihi. Thank you!#talkingtomyself #sulatlangngsulat

BINABASA MO ANG
Pretty Heartbroken
Fiksi RemajaHe broke my heart and I don't want it to happen again. So what's my rule number 1? Stay away from boys. Can somebody save me from being Pretty Heartbroken?