Chapter Eight: Agreement

42 1 0
                                    

Chapter 8

“WHAAAAAAAT?” Sigaw ni Rina sa akin pagkasabi ko sa kanya kung ano yung nangyari kanina. Nandito kami ngayon sa bahay nila, sa kwarto nya specifically. Dumaan lang kami saglit sa bahay kanina para makapagpalit ako ng damit tapos dumiretso na kami dito sa kanila.

“Oo nga. Hindi ko talaga siya boyfriend. Nakakainis lang talaga tong si Paige. Yan tuloy.”

“Nakakainis daw? Sus. Kaya pala kanina ka pa nakangiti.” At nagsmirk sya sa akin.

“WHAT? NAKANGITI? NEVER.” Nakakainis tong si Rina. Nang aasar pa.

“Hahaha. Chill. Joke lang no. Pero kanina talaga parang napapangiti ka. >:D”

“Whatever Rina.”

“Hahaha. So ano ng plano mo?”

“Plano? Actually hindi ko alam. Ayoko nga nito eh. Kaso nangyari na dahil sa malditang Paige na yan.”

“Eh ano namang sabi ni Drei kanina?”

“Wala pa, mamaya pa kami mag uusap. Buti na lang magaling siyang umacting kanina.”

“Wait. Magddate kayo mamaya? Oh my~” At halatang kinikilig si Rina. Aish. Nakakainis.

“Hay nako. Mag uusap lang kami. MAG-U- U-SAP. Mag uusap lang. Okay?”

“Pikon! Hahaha.Pero ang galing nga niyang umacting kanina ah, parang kayo talagang dalawa. Baka naman may gusto siya sayo? Yieeeeee~”

”Ano ba. Boys will be boys. Ganun lang kasimple.”

“Umaatake na naman ang pagiging sexist mo!” Nakakainis tong si Rina, ang hilig akong asarin tapos tawa pa ng tawa. Lumapit siya sa akin at bumulong. “So, ready ka ng mainlove uli?” MAINLOVE. ULI? NEVER!

“NEVER! As in super never.”

“Pano pag nagkagusto siya sayo, for real?”

“I don’t know and I don’t care.” Sobrang nakakainis na. Pinagttripan nya na lang ako.

“Ano ka ba, wag kang magsalita ng tapos. Who knows, we can never be sure of what will happen in the future..” At nagsmirk na naman sya. Nakakainis!

“One word. NEVER. And will you stop telling me and asking me these questions. It’s pissing me off.”

“K. Fine. I’ll stop na. Love you couz!” And she hugged me. Loka loka lang. Tawa pa rin ng tawa si Rina. Yan ang gusto nya eh, yung pagtawanan ako. Pero kahit ganun, love ko pa din sya.

“Alam mo, can we just watch a movie or something? Pampa good vibes lang.”

“Sure. Tignan mo lang dun sa DVD rack kung anong movie gusto mo.” Pumunta ako agad sa DVD rack at tinignan yung mga movies nya. And guess what? Puro kadiring movies lang naman. One More Chance, Miss You Like Crazy, My Amnesia Girl, A Very Special Moment at lahat pa ng rom-com movies ni John Lloyd Cruz. “Oh my gosh Rina, ano ba naman tong movies mo?! Puro John Lloyd!” Tinignan ko yung iba nyang movies, puro romantic din. The Notebook, Dear John, A Walk to Remember, Love Actually, The Proposal, Music and Lyrics at kung ano ano pa. “Tapos puro romantic movies pa!”

“Ano namang masama kay John Lloyd? Ang gwapo kaya niya. Tsaka masaya kayang manood ng romantic movies, nakakainlove.” Sabi ni Rina na kinikilig pa habang nagiinternet sa laptop nya. Okay. Don’t get me wrong. Hindi ako hater ni John Lloyd or what so ever. Ang ayoko lang is movies about love.

Pretty HeartbrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon