Chapter 15 "The Fall of Brilliant Lab"

35 6 2
                                    

HYURA (Ariyah)

> Diamond University

Magkasama kami nina Euri, Esia, Jhels, at Seokmin na dumating sa Diamond University para sa gaganaping University Ball.

Guest singer kasi si Seokmin sa event na ito kaya kasama talaga siya pero sa back door siya dumaan dahil baka pagkaguluhan siya ng mga tao kung sabay-sabay kaming dadaan sa main entrance.

Nandito na rin maya-maya ang CEO ng Dreame Entertainment na si Xu Minghao o Prinsipe The8 dahil inimbitahan din siya ng school bilang bisitang pandangal na mag i-speech mamaya. Kaya mas kailangang maging alerto kami.

Kinapa ko naman ang wireless earphone na nasa tenga ko at dinig na dinig ko na ang chikahan nina Hoshi at beshy. Nakaconference call kasi kaming lima para sa misyon at ang boses lang nilang dalawa ang lagi kong naririnig. Hay nako. Hanggang dito ba naman ang iingay nila.

Ang motif pala ng university ball this year ay Royalty, which means kailangan naming magbihis prinsesa at prinsipe.

Sobrang nabighani ako sa ganda ng venue and set up dahil bubungad kaagad ang reception hall. Sa bandang dulo naman ang stage at dance hall.



Wala namang kaalam-alam ang mga kapatid ko para sa misyon na gagawin namin ngayon kaya nakisalamuha na sila sa mga ibang schoolmates namin na kasalukuyang nagsasaya sa paligid ng venue. May iba na kumakain ng snacks, may iba naman na sumasabay sa tugtog ng musika, at yung iba ay chikahan lang.

Habang naglalakad, nakita ko naman sa di kalayuan sina Samuel at Hoshi na nakapang-disguise na waiter habang nagseserve ng drinks sa mga students na nandito na. Magaling, umaayon ang lahat sa plano.

Lumipas ang ilang minuto at nakapagperform na ng kanta si Seokmin sa stage

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Lumipas ang ilang minuto at nakapagperform na ng kanta si Seokmin sa stage. Tilian pa rin ang mga estudyante kahit nakababa na siya mula roon.

Ilang saglit pa ay narinig ko ang usapan nina Hoshi at Seokmin tungkol kay Boo.

"Nawawala si Seungkwan. Hindi ko na maramdaman ang awra niya rito," pag-uulat ni Hoshi sa aming lahat sa conference call.

"Sige, ako na ang bahala. Hanggat nasa lupa siya, mahahanap ko siya," pagpiprisinta naman ni Seokmin.

"Aabot pa ba? Ilang minuto na lang, darating na si Prinsipe The8!" pag-aalala ni Samuel.

"Sige. Sasamahan ko na si DK para makapagteleport kami. -Samuel, bantayan mo muna ang alipin ko."

"Alipin?!" Bwisit na Hoshi. Kahit nasa tensyonadong oras na kami, nagagawa pa rin niya akong inisin.

"Bakit ba? Baka nakakalimutan mo. May kasunduan tayo hindi b--"

"Paumanhin ngunit pwede bang ipagpaliban niyo muna ang pagtatalo? Tumatakbo ang oras. -Prinsipe Hoshi, ako na muna ang bahala sa prinsesa. Magmadali na kayo!" wika ni Samuel.

Seventeen in Caratland [ON-GOING]Where stories live. Discover now