HYURA (Ariyah)
Kahit litong-lito, kusa na akong napasunod kay Seungcheol. Hindi ko alam kung bakit pero kapag kasama ko siya, ramdam kong ligtas ako. Siguro ay dahil sa pagligtas niya sa akin, nagkaroon na ako ng tiwala sa kanya. Ramdam ko rin na sigurado siya sa mga sinasabi niya kaya naman nung sinabi niyang magigising pa naman si Boo ay kumalma na ako.
Pumasok kami sa portal na ginawa niya. Alam kong hindi ito ang oras para mamangha. Ilang beses na rin kasi akong naka-witness ng mga ganitong kakaibang bagay dahil sa kapangyarihan ni Boo pero mas kakaiba ito ngayon. First time kong makapasok sa isang portal! Totoo pala talaga ang mga ito. Akala ko noon, hanggang sa movies lang nag-eexist ang mga magic portal. Meron din pala sa totoong buhay!
Sinara na niya ang portal nang tuluyan na kaming makapasok dito sa bahay. Sobrang ganda ng bahay niya! Napaka-modern at sobrang lawak! Nakanganga lang ako rito habang pinagmamasdan ang paligid. Hindi ko nga namalayan na inihiga na pala niya si Boo doon sa sofa.
"Mayaman ka pala?" manghang-manghang tanong ko sa kanya habang nakatingala sa mga chandelier na nakasabit sa itaas. Marami pa akong hindi alam tungkol sa kanya kaya hindi ko maiwasan ang magtanong nang magtanong.
Dahil sa pagkaexcite at curiosity ko, ang una kong sinilip sa bahay niya ay ang kusina. Grabe. Sobrang laki ng ref! Kung malaki ang ref, ibig sabihin lang 'non ay maraming pagkain! Pagkabukas ko, tadaaa! Punong-puno nga ng pagkain ang laman. Kumulo bigla ang tsan ko sa gutom. Pumili ako ng mga pagkain na pwedeng iluto.
"Magluluto ako para sa dinner natin. Anong gusto mo?" tanong ko sa kanya habang abala pa rin sa pagkalkal ng mga pagkain at ingredients sa loob ng kanyang ref.
"Marunong ka?" Di siya makapaniwala.
"Oo naman noh! Pangarap ko kaya ang maging isang housewife. Saka buong buhay ko, mga gawaing-bahay lang ang pinagkakaabalahan ko. Expert ako rito noh. Wag mo na akong pagdudahan."
Nag-isip siya ng pwedeng iluto. "Sige. Magluto ka na lang ng kahit ano basta mas masarap sa luto ng mga gamit ko dyan sa kusina."
"Huh?" Medyo slow ako 'don ah. Diko yun gets. "Ano nga ulit?"
"Madalas kasi, ang mga kagamitan ko lang sa kusina mismo ang nagluluto ng mga pagkain para sa akin. May sarili silang buhay. Gumagalaw sila."
"What?!" Gulat na gulat ako. Naniwala na lang ako noong biglang gumalaw mag-isa yung mga sandok at kutsilyo sa lagayan nila. Jusko! Oo nga pala, magical house nga pala ito. Amazing!
"Lahat ng nakikita mo ngayon, naging posible lang dahil dito." Hinawakan niya ang kanyang suot na kwintas para ipakita sa akin. Kung hindi ako nagkakamali, yun din ang bagay na ginamit niya kanina para makapasok kami sa portal.
"A-ano ba 'yan? Saan galing 'yan?" Lumapit ako sa kanya para hawakan ang kanyang kwintas. Hindi naman siya nagdalawang-isip na ipahawak sa akin iyon.
Alam kong nakatingin lang siya sa akin habang ngingiti-ngiti kong hawak ang suot niyang kwintas. Nawala lang ang ngiti ko dahil sa sagot niya.
"Binigay iyan sa akin ng iyong ina." Natigilan ako dahil sa pagkagulat. Ina? Kilala niya ang nanay ko?
"Huh?" Napatingin ako sa kanyang mga mata. Magkahalong gulat at pagtataka ang nararamdaman ko. Bago ko pa man mabitawan ang suot niyang kwintas ay hinawakan na niya ang kamay ko at tumingin din sa aking mga mata.
YOU ARE READING
Seventeen in Caratland [ON-GOING]
FantasyOnce upon a time, CARATLAND was divided into 13 countries, which were ruled by 13 wise princes. One day, a dark force arose to take over CARATLAND on hold. The force ceded selfishness, greed, envy, and distrust on the kind hearts of the princes. Th...