Chapter 30 "The Will to Fight"

30 3 0
                                    

SEUNGKWAN

> Flashback~ hours before the arrival of enemies <

Malinaw na ang lahat. Malinaw pa sa salaming ito ang buong pagkatao ko.

Simula nang tumira ako sa kaharian ng Grigoviel, halos araw-araw na akong tumitingin sa salaming ito at tinatanong ang sarili ko kung bakit pinanganak akong maganda? Ay, este gwapo.

Pero sa tuwing tinititigan ko rin ang sarili ko, bumabalik lahat ng alaala ko sa mundo ng mga tao; ang buong pamilya ko na mahal na mahal ko pero nawala rin sila sa akin nang sabay-sabay. Hanggang ngayon, nandito pa rin sa puso ko ang sakit sa pagkamatay nila. Parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Naaalala ko rin kung paano kami nagsimula ni Hyura bilang matalik na magkaibigan, kahit na siya na si Prinsesa Ariyah ngayon at ako naman si Prinsipe Seungkwan.

At sa tuwing tumitingin ako sa salamin, lagi akong napapatanong sa dyosa ng kagandahan kung bakit kailangan pang mabuhay akong muli at maalala pa ang bawat detalye ng nakaraan kong buhay dito sa Caratland?

Isang malaking torture na sa akin na maalala ang pagkamatay ng pamilya ko sa mundo ng mga tao, mas malaki pa pala ang torture na maalala ang lahat ng karanasan ko rito sa Caratland noong una kong buhay.

Kung makakahiling lang sana ako, sana hindi na lang binalik ng Panginoong Venus ang mga alaala ko rito bilang prinsipe ng Bilithiel.

Pero kahit papano, napapakinabangan ko naman ang mga alaalang ito para makapag-adapt ako sa new environment ko rito. Yun nga lang, pakiramdam ko, ako na ulit talaga ang dating Prinsipe Seungkwan, na hanggang sa pangalawang buhay hindi pa rin kayang ibigin ni Prinsesa Hannie.

Oo, inaamin ko, gigil na gigil talaga ako sa pagmumukha ni Prinsesa Hannie nung una ko siyang makita. Sa sobrang kamalditahan ba naman niya ay dinaig pa ako. Pero habang tumatagal na nakakasama ko siya rito sa kaharian, unti-unti kong naaalala ang lahat ng mga pinagsamahan namin at kung paano ako kabaliw sa kanya noon.

Totoo pala talaga na ang utak nakakalimot, pero ang puso hindi.

Alam ko namang friendzoned na'ko sa gagang ito, pero siya pa rin ang pinili kong makasama. Kaya nagpapanggap na lang ako na wala akong naaalala. Nagpapanggap na lang ako na hindi ko alam na minamahal ko siya nang sobra. Sa tingin niya, ako pa rin ang best friend niya noon.

Natigil ako sa pagmomoment ko rito nang may kumatok sa pinto.

"Seungkwan! Matagal ka pa ba?"

At ayan na nga siya, boses pa lang ng prinsesang maldita ay memorize ko na. Di yata makakakilos nang mag-isa 'yon kung hindi niya ako kasama.

Kaya naman tumayo na ako at inayos ang suot ko. Pagkabukas ko pa lang ng pinto, yinakap na'ko ng pa-fall. "Hay nako! Ikaw talaga, ang tagal mong mag-ayos! Kain na tayo!" Lambing niya sabay pa-cute na tawa. Okitams? Kung ganyan kalambing, ganyan kaganda, at ganyan ka-special ang trato sa'yo, sinong hindi mahuhulog ulit?! Lalaki rin ako!

Para siyang linta kung makadikit sa akin ngayon. Miss na miss daw ako at hindi makapaniwala na nabuhay akong muli. Kaya simula nang makasama ko sya sa palasyo ng Grigoviel, panay na ang dikit sa akin. Clingy much ang ateng niyo. Wala naman kaming label. Ay, meron pala. Ako daw ang nag-iisang pinakamatalik niyang "KAIBIGAN." Hanggang doon lang 'yon! Pero ito akong tanga, higit pa sa kaibigan ang turing sa kanya! Nakakakilabot mang aminin, pero oo, mahal ko siya mula noon hanggang ngayon. Kainis diva!

Seventeen in Caratland [ON-GOING]Where stories live. Discover now