Chapter 17 "Welcome to Caratland"

58 7 4
                                    

A/N:
Nabasa ko po ang mga comments niyo. Thank you sa pag-appreciate sa story ko. Kahit papano nabuhayan naman ako ng dugo na ituloy pa 'to. 😅

And today is a special day💎
HAPPY MINGYU DAY! 🎉
HAPPY 1K READS! 🎉

Chapter SEVENTEEN📖
WELCOME TO CARATLAND!

Enjoy!


_____
ARIYAH

Isa lang ang masasabi ko. Para akong nasa isang fairytale setting na sa mga tv ko lang nakikita noon. Sobrang magical.

Nagtataasan din ang mga puno at makukulay ang mga halaman sa paligid. Malayong-malayo ito sa mga gubat na napuntahan ko na sa mundo ng mga tao dahil kakaiba ang mga puno at halaman dito, kumikinang ang mga ito na parang crystal kapag nasisinagan ng araw. Mapapanganga ka na lang talaga sa sobrang ganda rito sa Caratland.

Natigilan ako sa aking kinatatayuan nang marealize kong ako lang pala mag-isa at wala sina bessy dito. "Bessy? Seokmin? Hoshi? Seungcheol! Nasaan na kayo?!"

Pero walang sumasagot. Nag-echo lang ang boses ko.

"Hindi ako nakikipagbiruan. Magpakita na kayo!"

Naglibot-libot din ako sa paligid para hanapin sila pero wala talaga, eh. Paano nangyari 'yon? Ilang segundo lang naman ang pagitan namin nang pumasok kami sa portal. Paanong ako lang mag-isa ang nandito?

Naglakad-lakad na ako para hanapin ang daan palabas sa kakaibang gubat na ito nang bigla akong makakita ng mga naglalaway na wolf sa aking harapan at sa titig nila sa akin ay parang gusto nila akong kainin.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko at sinubukang wag talagang gumalaw. Napalunok ako sa takot at dahil sa panginginig ko ay dahan-dahan nila akong nilapitan.

"Ahhhh!!!" Napatakbo ako agad pero nadapa ako dahil sa suot kong high heels at ball gown! Oo nga pala, galing ako sa University Ball. Hindi man lang ako nakapagdala ng extrang damit! Ang expect ko kasi ay palasyo ang dadatnan ko rito at hindi gubat na may mga mababangis na hayop!

Sinubukan kong lumaban. Binato ko sila ng aking high heels at bag pero huli na ang lahat. Tuluyan na nila akong nasunggaban at hinila ang gown ko hanggang sa mapunit ito.

Bigla namang naglabas ng nakakasilaw na liwanag ang suot kong kwintas kaya natakot ang mga lobo.

Nang tuluyan na silang makalayo ay bumalik na sa dati ang kwintas. Makapangyarihan nga pala talaga itong kwintas. Buti na lang ay nahiram ko ito kay Seungcheol.

Tumayo ako at naramdaman ko agad ang hapdi sa mga natamo kong galos at sugat dahil sa pang-aatake nila. Di bali na, ang importante ay buhay pa rin ako. Nasira nga lang ang gown ko at naging parang isang maikling dress na lang at gutay-gutay pa. Hindi ko na rin nahanap ang isang pares ng glass shoes kong high heels.

Naglakad ako nang nakatapak at nagpatuloy sa paghahanap ng daan palabas.

Naalala kong muli ang portal key. E kung gumawa na lang ako ng portal papunta sa lugar kung nasaan sina bessy ngayon dito sa Caratland? Tama!

Hinubad ko ang kwintas at pinindot ito para gawing portal key pero wala namang nangyari. Sinubukan ko na ang lahat ng pwedeng gawin sa kwintas na ito para mapakinabangan ko pero wala pa rin. Bakit kung kailan kailangan ko na, ayaw nang gumana? Umilaw naman 'to kanina ah. Bakit ayaw na ngayon?

Suko na'ko. Ayaw talaga nitong makisama sa akin. Sinuot ko na lang itong muli at itinago sa loob ng dress ko.

Nakalabas na ako sa gubat pero hindi ko alam kung anong lugar na ito. Basta ang alam ko, dire-diretso lang ako sa paglalakad. Gusto ko nang maiyak. Pagod na pagod na ako, nauuhaw at nagugutom na rin ako. May hangganan ba 'tong paglalakbay ko?

Seventeen in Caratland [ON-GOING]Where stories live. Discover now