HYURA (Ariyah)
Gabi na at nakahiga na ako sa kama ko ngayon. Hindi ako makatulog dahil sa kakaisip sa kanya, dun sa weirdong lalaking nagligtas ng buhay ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan.
Bigla na lang kasi siyang nawala noong magkumpulan na ang mga tao sa pinangyarihan ng aksidente.
Kahit na kahiya-hiya ang naging unang pagkikita namin, hindi ko na siya maalis pa sa isip ko simula nung iligtas niya ako kanina.
Sa tuwing pipikit ako at sinusubukang matulog, ang mukha niya ang nakikita ko. Hindi ko rin malimutan ang mabango niyang amoy at ang init sa pakiramdam ng mga yakap niya.
Dahil sa nangyari kanina, napatunayan ko sa sarili ko na hindi talaga siya masamang tao. Hindi naman siguro niya ako ililigtas kung masama siyang tao, di ba?
Lumipas ang mga araw na inaabangan ko ang muling paglitaw niya. Gusto ko siyang makita at pasalamatan sa pagligtas niya sa akin. Ang kaso lang, sa tuwing makikita ko siya at papalapit siya sa aming dalawa ni Boo, hinihila ako ni Boo palayo sa kanya.
Kahit na nakuwento ko na kay Boo na iniligtas ako nung lalaking iyon, hindi pa rin niya hinahayaang makalapit siya sa aming dalawa, lalo na sa akin. Sa tuwing itatanong ko naman sa kanya kung bakit ganyan pa rin siya sa kanya hanggang ngayon, iniiba naman niya ang usapan. Hindi ako manhid para hindi maramdaman na may kakaiba sa mga kinikilos ng best friend ko.
Isang araw ay bigla na lang mawawala si bessy tapos bigla ring susulpot. Napapadalas na rin ang pag-aabsent niya sa school ng walang maibigay na sapat na dahilan.
Kaya nagdesisyon ako ngayon na hanapin mismo yung lalaking iyon. Sigurado akong may kinalaman siya kung bakit nagkakaganyan ang best friend ko. Gusto ko siyang makita at makausap.
Buong araw ko siyang hinintay na sumulpot ulit sa kung saan ngunit hindi siya nagpakita. Kaya hinintay ko na lang ang dismissal. Kapag ganitong oras kasi ay lagi ko siyang nahuhuling nakasunod sa akin na para bang binabantayan niya ako hanggang sa makauwi ako ng bahay. Kapag naman lilingon ako para lapitan siya, bigla na lang siyang nawawala.
Kung kailan naman na gustong-gusto ko na siyang makita't makausap, saka naman siya hindi nagpapakita. Nagsiuwian na halos ang mga estudyante sa school pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nadadatnan. Malapit na pa namang maggabi.
Hanggang sa may nahulog na kung ano sa aking harapan. Parang galing iyon sa itaas. Tumingala ako para tingnan kung kanino galing 'yun. May napansin akong isang lalaki na nakatalikod habang nakaupo sa railings ng roof top! Aba, magpapakamatay ba siya?!
Dinampot ko ang nahulog na bagay. Sigurado akong pagmamay-ari ito nung estudyante. Nang tingnan ko, isa pala itong ID na may picture nung lalaking hinahanap ko.
Binasa ko ang pangalan niya sa kanyang ID.
YOU ARE READING
Seventeen in Caratland [ON-GOING]
FantasyOnce upon a time, CARATLAND was divided into 13 countries, which were ruled by 13 wise princes. One day, a dark force arose to take over CARATLAND on hold. The force ceded selfishness, greed, envy, and distrust on the kind hearts of the princes. Th...