Chapter 2 "World of Humanity"

157 10 0
                                    

NARRATOR

Sa mundo ng mga tao, hindi maiiwasan ang kriminalidad. Kabi-kabila ang pagnanakaw, panghohostage, pangingidnap, pagpatay, at iba pa. Nagkalat ang masasamang loob upang mamerwisyo sa lipunan. Ang malalakas ay nananatiling nasa itaas habang ang mga mahihina ay nananatiling nasa ibaba habang patuloy na inaapi. Baluktot ang hustisya sa lipunan na ginagalawan ng mga tao. Mabuti na lamang ay may handang tumulong upang sugpuin ang kriminalidad na ito.

Si Boo, ang reincarnation ni Prinsipe Seungkwan ay namuhay sa mundo ng mga tao na may taglay na kakaibang lakas. Isa siyang simpleng estudyante sa Diamond University na hanggang ngayon ay wala pa ring kaide-ideya kung paano niya nakuha ang kanyang natatanging kapangyarihan.

Sa ilalim ng kanyang suot na itim na hoodie jacket ay ang uniporme ng kanyang paaralan. Nakasuot din siya ng itim na face mask at cap habang tahimik na naglalakad at nakapamulsa.

Nakarinig siya ng malakas na sigawan galing sa harapan ng isang bangko na kanyang nadaanan. Ngayon pala ay may hostage na isang lady guard ang isa sa mga magnanakaw at inagaw nito ang baril ng guwardiya.

Ibinaba ni Boo ang kanyang face mask at itinaas ang kanyang cap upang makita nang maayos ang pangyayari.

"Ibigay niyo sa amin ang lahat ng pera sa bangko! Kung hindi ay mamamatay ang babaeng ito!" sigaw ng kriminal habang nakatutok sa ulo ng lady guard ang hawak nitong calibre 45 na baril

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Ibigay niyo sa amin ang lahat ng pera sa bangko! Kung hindi ay mamamatay ang babaeng ito!" sigaw ng kriminal habang nakatutok sa ulo ng lady guard ang hawak nitong calibre 45 na baril. Nanginginig sa takot ang babae na nasa 40's ang edad. Nagkalat ang mga tao sa paligid upang magmakaawa sa kriminal na ibaba ang kanyang baril.

"Tumawag na kayo ng pulis!" sigaw ng isa sa mga tao. Hanggang ngayon kasi ay wala pang pulis na paparating upang iligtas ang babae at mga tao sa paligid.

Narinig iyon ng iba pang mga kasamahan ng kriminal kaya itinutok nila ang kanilang mga baril sa mga tao. "Sige! Subukan niyong tumawag ng pulis para mauna na kayong mamatay!" Sa sinabing iyon ng isa pang kriminal ay napataas ng kamay ang mga tao na para bang sumusuko.

Mabilisan namang pumasok ang iba sa mga kriminal upang nakawin ang pera ng bangko.

Itinaas muli ni Boo ang kanyang face mask upang hindi siya makilala at tanging mata lamang niya ang kita. Walang takot niyang hinarap ang kriminal na may hostage na lady guard.

"Pakawalan mo sya," mariing utos ni Boo sa hostage-taker.

Nginisian lamang siya ng hostage-taker at pinaputukan ng baril si Boo ngunit nasalo pa ni Boo ang bala ng baril bago pa ito tumama sa kanya. Nanlaki ang mata ng hostage-taker sa ginawa ni Boo.

"Bingi ka ba? Pakawalan mo na sabi eh!" Pinakaayaw ni Boo ay ang nadedehado ang mga mahihina kaya mabilis siyang mapikon kapag may mga taong tulad nito na mapagsamantala.

Ayaw pa ring pakawalan ng lalaki ang lady guard kaya naman pinitik ni Boo ang bala ng baril na kanyang nakuha papunta sa tuhod ng lalaki. Napahandusay naman sa sahig ang hostage-taker at napasigaw sa sakit. Nakakuha naman ng pagkakataon ang babae upang makawala.

Seventeen in Caratland [ON-GOING]Where stories live. Discover now