SCOUPS (Seungcheol)
Matagal na noong huli kong tawagin ang aking elemental guardian. Mukhang kakailanganin ko na siyang muli ngayon. Nagagahol na ako sa oras.
"Tagapangalaga ng elemento ng apoy, tinatawag kita. Lumabas ka!"
Nagliwanag ang marka sa aking braso kasabay ng paglabas ng aking elemental guardian sa aking katawan na parang isang kaluluwa. Nagliliyab ang buong katawan nito habang unti-unting nagkokorteng tao ang kanyang anyo.
Hanggang sa nawala na ang pagliyab sa kanyang katawan. Tanging papawalang baga ng apoy na lamang ang natira. Lumuhod siya sa aking harapan at nagsalita. "Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo, Master?"
Binati ko muna siya at nginitian. "Una sa lahat, ikinagagalak kong makita kang muli, Samuel."
Samuel ang pangalan ng aking elemental guardian. Siya ang tapat kong alagad na nagsilbi sa akin nang mahabang panahon sa Caratland hanggang sa kasalukuyan. Sa 13 na prinsipe, apat lamang kami na may elemental guardians; ang apat na prinsipeng nagmamay-ari ng kapangyarihan ng lupa, hangin, tubig, at apoy.
"Ako'y nagagalak din sa ating muling pagkikita, Master." Ginantihan niya ang mga ngiti ko sa kanya kanina. Wala pa rin siyang pagbabago. Hindi pa rin tumanda ang hitsura niya tulad ko. Kung sabagay, ang isang elemental guardian ay naninirahan sa katawan ng isang prinsipe. At ang mga prinsipe ay hindi tumatanda ang hitsura dahil sa aming mga kapangyarihan.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Kailangan ko ang tulong mo." Pinatayo ko siya sa kanyang pagkakaluhod upang makausap ko siya nang maayos.
"Ikaw muna ang magbantay kay Prinsesa Ariyah pauwi sa kanyang tirahan. Alam kong pinagmamatsagan siya ni The8 kaya protektahan mo siya mula sa kanya. May kailangan lamang kaming pag-usapan ni Seungkwan ngayon na napakaimportanteng bagay kaya ikaw na muna ang bahala. Maaari ba?"
"Masusunod, Master." Aktong sisimulan na niya ang kanyang misyon nang bigla ko siyang pigilan. "Sandali."
"Kapag nasiguro mo nang ligtas si Prinsesa Ariyah, maaari bang hanapin mo ang dalawa pang natitirang reinkarnasyon ng mga prinsipe dito sa mundo ng mga tao? Huwag kang mag-alala. Tutulong din ako sa paghahanap. Naisip ko lang na mas mapapadali ang paghahanap kung marami tayong maghahanap sa kanila."
"Walang anuman, Master. Ngunit delikado ang iyong binabalak. Malalayo ako sa katawan mo ng ilang araw. Hihina ang iyong kapangyarihan dahil wala ako upang mangalaga sa elemento ng apoy."
"Wag mo akong alalahanin, Samuel. Panandalian lamang ito, at may tiwala naman ako sa'yo."
"Kung ganoon, hindi na kita mapipigilan. Gagawin ko ang lahat upang sundin ang iyong mga utos." Yumuko siya sa akin bilang paggalang.
"Mag-iingat ka, Samuel."
"Salamat. Mag-iingat ka rin, Master. Hanggang sa muli."
Yumuko siyang muli sa aking harapan bago siya tuluyang umalis. Nawa'y patnubayan siya ng mahal na Yhweh sa kanyang misyon.
Sinundan ko naman si Seungkwan sa kanyang pag-uwi. Nagulat siya nang marinig niya akong magsalita mula sa kanyang likuran. Habang tumatagal na kasabay ko siya sa paglalakad ay may nasabi siyang labis kong ikinagulat. Nakakaalala na siya.
YOU ARE READING
Seventeen in Caratland [ON-GOING]
FantasyOnce upon a time, CARATLAND was divided into 13 countries, which were ruled by 13 wise princes. One day, a dark force arose to take over CARATLAND on hold. The force ceded selfishness, greed, envy, and distrust on the kind hearts of the princes. Th...