Chapter 5 "The Heart of a Princess"

48 7 0
                                    

HYURA (Ariyah)

"P-prinsesa... Ariyah?"

Natigilan ako nang banggitin ni bessy ang pangalang iyon. Tinawag niya akong Prinsesa Ariyah sa unang pagkakataon. Paano niya iyon nalaman?

Ilang segundo kaming nagtinginan sa isa't isa habang yakap ko pa rin siya. Nararamdaman ko sa mga mata niya ang pagkamangha, samantalang ako ay gulat na gulat pa rin.

"B-Bessy, saan mo galing ang pangalang 'yan? Paano mo nalaman ang--"

Parang nataranta naman siya nang tanungin ko iyon. Ni hindi man lang nga niya ako pinatapos sa sinasabi ko. "Ah! S-si Scoups kasi, sabi niya ikaw daw si Prinsesa Ariyah. Haha!"

"Scoups?" Kumunot ang noo ko. Sinong Scoups? Hinagilap naman ng kanyang mga mata si Seungcheol na kasalukuyang nakasandal sa pader at itinuro siya gamit ang kanyang nguso. "Yun! Ang lalaking 'yan! Siya si Scoups!"

"Huh? Si Seungcheol?" Napatingin naman ako sa kanya at nangungusap ang aking mga mata sa katanungang 'ano-bang-pinagsasabi-ni-Boo'?

Lumapit si Seungcheol dito at inalis ang pagkakayakap ko kay bessy. Hinila niya ang aking pulsuhan at kinausap ako ng pribado sa isang tabi.

"Scoups din ang pangalan ko. Nabanggit ko na rin sa kanya noon ang tungkol sayo at sa Caratland kaya may alam siya." Tama nga ang hinala ko. Nag-uusap sila ni bessy noong mga araw na palaging wala siya sa sarili.

"Pero di ba, hindi naman siya naniniwala sayo? Eh bakit tinatawag na niya akong Prinsesa Ariyah ngayon?" Kitang-kita ko pa nga si Boo kanina sa rooftop. Halos mapatay na niya si Seungcheol sa galit dahil pilit niyang tinatanggi ang mga impormasyong sinasabi nito sa kanya tungkol sa Caratland.

"Sabi ko naman sayo diba. May koneksyon kami sayo kaya alam namin na ikaw ang prinsesa. Oh, pano ba 'yan? Mukhang ako ang nanalo sa ating kasunduan?"

Ano pa bang magagawa ko? Kailangan ko na talagang tanggapin ang hamon. Hindi talaga ako tao. Hindi ako nabibilang sa mundong ito, ganun din si Boo. Lahat ng mga sinasabi ni Seungcheol ay halata namang totoo. May kapangyarihan siya. May kapangyarihan si Boo. At higit sa lahat, meron siyang mahiwagang kwintas. Nasaksihan mismo ng mga mata ko ang kapangyarihan ng kwintas niya kaya imposibleng nagsisinungaling lang si Seungcheol. Totoo ang mga sinasabi niya.

Tungkol naman kay Boo, kailangan niya pa ng sapat na pahinga. Hindi pa kasi siya magaling nang tuluyan kaya naman pagkagising na pagkagising niya ay nakaramdam siya agad ng antok. Dahil 'don, pinatulog muna siya ni Seungcheol sa isa pang kwarto.

"Ako na ang bahala kay Seungkwan. Ihahatid kita pauwi sa inyo mamaya," sabi ni Seungcheol sa akin pagkahatid niya sa kwarto ni bessy.

Naisip ko agad si Boo. May sakit siya at kailangan niya ako.  Imposibleng magpaalaga siya kay Seungcheol dahil kilala ko ang pride niya. Natalo siya sa laban nila kanina at alam kong hindi siya papayag na magpaalaga mismo sa tumalo sa kanya. Kaya naman naisip ko na sa aming dalawa ni Seungcheol, ako ang dapat na mag-alaga sa kanya.

"Dito na muna rin ako. Aalagaan ko si Boo. Tatawagan ko na lang si Mama para magpaalam na hindi ako makakauwi sa bahay ngayong gabi."

Linapitan naman niya ako rito sa kusina. Hindi pa kasi ako tapos maghiwa ng mga ingredients para sa iluluto ko ngayon. Inalis ko ang suot kong apron para kuhanin ang cellphone ko. Dinial ko ang number ni Mama pero hindi ko siya matawagan. Wala pa lang signal.

Itinaas ko pa ang cellphone ko para makasagap ng signal pero wala talaga. Naghanap ako ng bintana at ngayon ko lang napansin na wala pa lang bintana rito sa loob ng magic house. Kahit pinto palabas ay wala rin.

Seventeen in Caratland [ON-GOING]Where stories live. Discover now