Chapter 1 "Power of the Portal Key"

227 8 2
                                    

EROS

"Nasaan ang anak ko? Nasaan ang Prinsesa Ariyah?!" Punong-puno ng pag-aalala ang mukha ng aking minamahal na si Venus. Alam kong darating din sa punto na hahanapin at hahanapin niya ang aming anak.

Sinubukan kong ipaliwanag sa kanya ang buong pangyayari. Nang dahil sa sanggol na iyon ay mas tumindi pa ang itim na puwersa sa paghahasik ng lagim sa buong Caratland.

Kaya kahit na masakit sa aking damdamin na mawalay sa piling ng aking anak ay nagpakumbaba na lamang ako sa harapan ng aming Diyos na si Yhweh.

Ang bawat kasalanan ay nararapat na mapatawan ng kaparusahan, tulad ng pagtanggap namin sa kanyang parusa isang daang libong taon na ang nakakaraan.

Si Prinsesa Ariyah ay bunga rin ng aming kasalanan kaya naman kahit wala pa siyang kamuwang-muwang sa mundo ay isinumpa siyang maging isang mortal. Hindi na siya tulad namin na walang kamatayan. Hindi na siya tulad namin na hindi nakakaramdam ng pisikal na sakit. Isa na siya ngayong dyosa sa katawan ng isang mortal.

"Magtiwala na lamang tayo kay Yhweh sa kanyang ginawa. Alam kong para naman iyon sa ikabubuti ng ating minamahal na anak," pagpapatuloy ko sa aking mga winiwika hanggang sa napapanatag ko na ang loob ng aking asawa.

"Si Prinsesa Ariyah ang itinakdang magliligtas sa ating mundo. Idinala siya ni Yhweh sa mundo ng mga tao upang doon ay mabilis siyang lumaki. Alam naman natin na sobrang bilis ng panahon sa mundo ng mga tao kung ikukumpara sa Caratland. Sa ganoong paraan ay mas mapapabilis din ang pagbabalik niya rito bilang tagapagligtas ng mga Carats," muli kong pagpapaliwanag sa kanya.

"Ngunit, paano? Mabubuhay siya bilang isang mortal na hindi alam kung paano gamitin ang kanyang mga kapangyarihan," pag-aalalang muli ni Venus.

"Huwag kang mag-alala, aking mahal. Dahil magigising din ang kapangyarihan ng mahiwagang diamante sa kanyang katawan sa takdang panahon. Siya ang pangalawang pinakamakapangyarihang nilalang sa Caratland kasunod ng ating panginoon na si Yhweh. Magtiwala lamang tayo sa kanyang kakayahan."

"Ngunit, paano siya makakabalik sa Caratland bilang tagapagligtas?"

"Yan ang bagay na kailangan nating pagtuunan ng pansin. Kailangan nating kumilos at makapag-isip ng plano kung paanong maibabalik ang Prinsesa sa Caratland bago pa man makagawa ng masasamang hakbang ang mga makasariling prinsipe."

Ako si Eros, ang diyos ng pag-ibig. Nagsanib puwersa kami ni Venus upang muling gisingin ang pag-ibig at ganda ng pagsasamahan ng bawat prinsipeng namumuno sa kanya-kanya nilang mga kaharian. Ngunit sa kasamaang palad, tanging anim na prinsipe lamang ang tunay na tumanggap sa pagmamahal na iyon.

Ang natitirang pitong prinsipe ay nanatiling sakim at ganid sa kapangyarihan. Sila'y nagsanib puwersa upang kalabanin at sakupin ang bansa ng anim na mabubuting prinsipe.

Sa kasamaang palad, napaslang nila ang tatlo sa mga ito at tuluyang inangkin ang kanilang bansa.

Bago pa mawalan ng pag-asa ang tatlong mabubuting prinsipeng natira sa digmaan ay binisita namin sila sa pinagsama nilang kaharian, ang Kaharian ng Pledis o mas kilala sa tawag na "Kingdom of Pledis."

"Sino kayo?!" Naging alisto ang tatlong prinsipe at tinutukan kami ng espada ni Prinsipe Jeonghan, ang prinsipe ng Grigoviel. Paatake na rin sana sa amin si Prinsipe Joshua, ang prinsipe ng Alynthi.

Seventeen in Caratland [ON-GOING]Where stories live. Discover now