Chapter 29 "Meet Me Where the Sky is"

28 4 1
                                    

ARIYAH

Ilang oras na akong naghihintay dito sa kapatagan ng Alynthi pero wala pa rin si Sofia.

Hayaan ko na nga. Kaya ko naman mag-isa.

Umalis na ako at naghintay ng karwahe papuntang Meirith. Halos may sakay ang lahat ng dumadaan kaya naman naglakad pa ako sa malayo para maghintay doon. Hanggang sa tuluyan na akong makaalis sa kapatagan at mapadpad sa may kalsada sa itaas ng isang bangin. Hindi ko alam kung Alynthi pa rin ba ang lugar na ito o sa Grigoviel na.

Nung may makita akong malaking karwahe, pinara ko na agad iyon. Malaki naman eh. Sigurado maraming kasya.

Huminto yung malaking karwahe sa harapan ko at sumakay na ako.

"Manong, sa Meirith po tayo!" Sigaw ko 'don sa nagmamaneho sa labas.

Inayos-ayos ko muna yung buhok ko at mabuti na lang ay may nakasabit na salamin sa harapan ko.

Nang may maaninag ako sa aking tabi.

"Waahh!" Sa gulat ko ay napatayo at nagwala ang sasakyan naming kabayo dahilan para lalong magdikit ang mga balat namin ng lalaking ito. Mabuti na lang din at nasalo niya ako kaya hindi kami tuluyang nahulog sa karwahe.

Sino ba namang hindi magugulat na si Prinsipe Scoups pala itong kasabay ko?!

Inalalayan niya ako para makabalik kaming muli sa aming pwesto. Nanahimik siya at pirmeng tinitigan lamang ako sabay tanong ng, "Anong gagawin mo sa Meirith?"

"Manong, para po. Bababa na lang ho ako." Sigaw ko dun sa nagmamaneho ng karwahe pero hindi pa rin niya hinihinto.

"Prinsesa." Tawag niyang muli sa tabi ko pero hindi ko siya hinaharap. Diko kayang makipag-usap sa kanya.

Sa dinami-rami ng pwedeng makasakay, bakit siya pa?

"Ariyah."

Sa pagkakataong ito, pangalan ko na talaga ang tinawag niya.

"Ano?!" Inis kong sagot.

"Anong gagawin mo sa Meirith nang nag-iisa?" Tinaasan pa niya ako ng kilay at parang nililitis. Tumaas tuloy ang mga balahibo ko. Nakakatakot yung tono ng boses eh. Napakadominante.

"Wala ka na 'don. Sa ibang karwahe na lang ako sasakay. Excuse me." Nag-adya akong bumaba mag-isa pero hinila niya ako pabalik ng aming upuan.

"Dito ka lang. Hindi hihinto ang karwahe dahil utusan ko ang nagmamaneho niyan at pabalik tayo sa palasyo ng aking kaharian."

"Hindi sa Yendann ang punta ko. Sa Meirith ako kaya wag mo na akong pigilan. Itigil ang karwahe!"

Napatingin yung nagmamaneho sa amin. "Hindi. Diretso na tayo sa Yendann," sagot naman niya rito.

"Wag mo akong isama sa Yendann dahil may sarili akong lakad. Kailangan kong makaalis ngayon din! Hindi mo ba iyon naiintindihan?!" Napasigaw na ako dahil sa kakulitan niya. Bilang na ang mga oras at kailangan kong magmadali. Hindi ko hahayaan na lumipas na naman ang isang araw at hindi ko pa rin naisasama sa grupo ko si Prinsipe Jun.

"At sa teritoryo pa talaga ng mga kaaway ang sadya mo? Nahihibang ka na ba talaga, Ariyah?!"

"Hindi kaaway si Jun! Pupuntahan ko siya! Ano bang pakialam mo?!" Sa galit ko ay napagtaasan ko na talaga siya ng boses.

At sa isang iglap, tila umalab ang mga mata ni Scoups sa galit. Ang dating itim niyang mga mata, naging korte at kulay asul na apoy bigla.

Nagulat din ako dahil mabilisang nagliyab ang sakay naming karwahe.

Seventeen in Caratland [ON-GOING]Where stories live. Discover now