Chapter 1

280 2 0
                                    

Chapter 1 

Nakatayo sa harap ng malaking bahay ang isang dalagang may hawak na kapirasong papel.

Divine: Ito na kaya ang bagong bahay ng kakambal ko? Grabe succesful na talaga si Kymie.

Si Kymie ang kakambal ni Divine na isang modelo, maganda, sexy, sosyal sa makatuwid---perfect!!

Samantalang si Divine ay isang writer, simple, laging nakatali ang hanggang bewang na buhok ,nakasuot ng sobrang laking salamin na mataas ang grado, t-shirt at mahabang palda ang gusto nitong laging suot, ngunit magkamukhang-magkamukha sila.

Lumapit si Divine sa tapat ng gate para mag doorbell, pero ng nahawakan niya ito ay kusang bumukas ang pinto.

Divine: Ano ba yan, bukas naman pala!

Nagtuloy-tuloy siya hanggang sa loob, hinahanap niya ang kakambal niyang si Kymie.

Divine: Kymie?  Kymie?  nasaan ka?

Pumunta siya ng sala ngunit wala ito.

Divine: Kymie?  Nandito na ko. Nasaan ka ba?

Hanggang sa nakarating na siya sa kusina ng may napansin siyang nakaipit sa may pintuan ng refrigerator.

Binasa niya iyon.

Dear my nerdy sister,

 Siguro habang nababasa mo ito ay nandito na ako ngayon sa manila at papuntang airport. I have a flight at night going to America. Tinawagan ako bigla ng manager for some reasons, Ikaw na munang bahala sa bahay ko, you can stay months if you want.I’ll call you soon, and this is my address so you can send me a letter, take care sister. I will miss you.

 PS.

 Nasa may kanan ang master’s bedroom ko, pwede ka dun matulog. Nandoon din sa drawer ang mga susi ng iba pang kwarto, and you may wear my other clothes.

Pagkabasa ay napakunot siya ng noo.

Divine: Hindi pa din siya nagbabago hanggang ngayon, lagi na lang siya ganon., but anyways,

enjoyin ko na lang ang pag stay dito.

Tumungo na sa taas ng bahay si Divine.

Manghang-mangha siya sa mga nakikita, dahil ang ganda ng mga designs sa bahay.

Pumunta siya sa master’s bedroom na sinabi sa kanya ng kapatid niya.

Pagbukas niya sa kwarto.

Tumambad sa kanya ang mabangong amoy ng air-conditioned na kwarto, sobrang ganda at linis, dumeretso siya sa isang glass door na nagdudugtong sa isang veranda.

Naalala niyang sabi ng kapatid ay kunin ang susi sa drawer, kaya’t pumunta siya doon.

Pagkakuha ng susi ay napansin niya ang isang malaking closet.

Binuksan niya iyon.

Divine: Wow! Sa kanya ba ito lahat? Sa bagay, isa siyang modelo kaya dapat ay puro elegante ang damit.

Isang red dress na sobrang nipis ang pumukaw sa mata ni Divine.Isa lamang itong pantulog pero napaka elegante, sobrang ganda. Kinuha niya iyon at pumunta sa malaking salamin para tignan kung bagay sa kanya.

Divine: Isusukat ko ba?  Sabi naman ni Kymie ay pwede kong gamitin lahat ng mga gamit niya.

Sinukat niya iyon.

Pagkasukat ay humarap agad siya sa salamin.

Namangha siya dahil lumabas ang magandang kurba ng katawan niya.

Tinanggal niya ang malaking salamin niya, mejo nahilo siya dahil hindi siya sanay ng walang salamin ngunit kinaya naman niya yun.

Sinuklay-suklay niya ang mahabang buhok at sumabay sa simoy ng air-conditioned na kwarto ang amoy ng buhok niya, ang bango nito.

Binuksan niya ang drawer at  nakita ang sandamakmak na make-up.

Kinuha niya ang isang red lipstick.

Mapula na ang labi ni Divine kaya manipis na lipstick lang ang nilagay niya.

Hindi niya akalain na kaya pala niyang tapatan pagdating sa ganda si Kymie.

Dahil kahit kambal sila ay hindi maiwasang lagi silang ikumpara ng mga nakakakita sa kanila.

Nang ibalik niya ang lipstick sa drawer ay may napansin siyang maliit na box.

Pagbukas niya ay nakita niya ang dalawang singsing na nakalagay doon.

Kinuha niya ang isa at may nakalagay dito.

 KYMIE Love CARLO

Divine: Siguro itong Carlo na ito ang nobyo niya, pahiram muna ah!

Sinuot niya ito.

Hindi niya alam na buhat sa likuran ay may isang lalaki na kanina pa siya sinusulyapan.

Lalaki: Napaka ganda mo pala talaga, I wonder kung bakit mo siya nakuha, pero kahit maganda ka pa hindi ko palalampasin ang ginawa mo sa kapatid ko,  magbabayad ka!.

- Thanks for Reading :))

 Andie <3

SlaVine - Sweetest Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon