Chapter 14 (The Ending )

75 0 0
                                    

Kinabukasan, pagkagising na pagkagising ni Divine ay inayos niya ang mga gamit niya para sa pag-alis,  Hindi niya alam kung bakit siya balisa, dapat pa nga ay matuwa siya dahil makakaalis na siya roon pero kahit katiting na kasiyahan ay wala siyang nararamdaman.

Pagbaba niya ay hinanap agad si manang Luz para magpaalam, palingon-lingon din siya at hinahanap si Slater.

Luz: Ma’am aalis na po kayo?   Bakit po?

Divine: Kailangan ko na po kasi umalis, may naghihintay pa po kasi sa aking trabaho. (pagsisinungaling niya)

Luz: Ganon po ba ma’am, sana po ay bumalik ulit kayo dito, ma mimiss ko po kayo.

Sabay yakap kay Divine.

Divine: Ako din po manang, mag-iingat po kayo ah.

Luz: Salamat po, teka, hindi ka man lang ba magpapaalam kay sir?

Divine: Hindi na po siguro, alam niya naman na aalis na ako ngayong umaga.

Luz: Sige po,  ingat ma’am.

Hinatid na ni Eting si Divine sa yate para makaalis na sila.

** *****************

Hinagis ni Slater ang mais na nasa kamay niya, pang sampung mais na niya ata yun na dinudurog niya.

Slater: Bakit ba ganito ang nararamdaman ko!   Hindi ako maayos.

Kumuha na naman siya ng mais para durugin.

Slater: I hate you Divine Smith!   Anong ginawa mo sa akin para magkaganito ako!  I feel so stupid!.

Aalis ka na lang ba ng ganoon na lang?  Hindi ka man lang pumunta dito para magpaalam!.

** ***************************

Eting: Ready na po kayo ma’am?

Divine: Wait lang mang Eting, may nakalimutan  lang po ako. Babalik ako kaagad.

Eting: Sige po.

Pumunta si Divine sa maisan.

At tama nga ang nasa isip niya, nakaupo sa may punong kahoy si Slater habang may hawak na mais.

Pero hindi niya nilapitan ito, gusto lang niya makita si Slater sa huling pagkakataon.

Nang nakuntento na siya ay bumalik na siya sa yate para makaalis na sila.

Divine: Tara na mang Eting.

Eting: Okay po ma’am..

At tuluyan na nga silang umalis sa isla.

** *********************

Tumatakbo si Slater papunta ng mansiyon.

Slater: Manang nasaan na si Divine?

Luz: Kanina pa po umalis sir.

SlaVine - Sweetest Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon