Slater: Manang Luz, manang.... manang.
Luz: Bakit po sir? Ay ma’am ano po nangyari sa inyo?
Slater: Paki kuha yung first aid kit, paki panik sa kwarto ko, paki bilisan po.
Luz: Sige2x po sir.
Sa kwarto ni Slater.
Iniupo niya sa kama si Divine.
Luz: Sir, ito na po yung first aid kit, tulungan ko na po kayo?
Slater: Sige po ako na bahala sa kanya, ituloy niyo na lang po yung ginagawa niyo sa baba kanina.
Luz: Sige po.
Slater: Masakit pa ba? Tatanggalin ko yung panyo ah? Lilinisin ko yung sugat.
Divine: Sige. Pwede magtanong?
Slater: Ano yun? (habang ginagamot ang sugat ni Divine)
Divine: Bakit gusto mo mag-isa ka lang dun sa may maisan?
Slater: At nakuha mo pa talagang mang-usisa ah? May sugat ka na at lahat.
Divine: Masama ba magtanong? Bakit nga?
Slater: Wala lang, gusto ko lang kasi makasama doon, yung taong mamahalin ko.
Divine: Ang cheap naman, dun mo lang dadalin (laughs)
Mejo diniinan ni Slater ang paghawak sa tuhod ni Divine.
Divine: Aray naman! Joke lang eh.
Slater: Importante kasi ang lugar na yun para sa akin, diba nga pag may problema ako, doon lang ako nagiging okay.
Divine: Oo na, de ang dami mo ng babae na napapunta dun?
Slater: Ikaw pa lang.
Silence.
Biglang naalala ni Divine ang sinabi sa kanya ni manang Luz na siya pa lang ang dinadalang babae doon ni Slater.
Slater: Bakit natahimik ka?
Divine: Wala lang, nakakatawa kasi. Iba yung motibo kaya napadpad ako dito.
Slater: Kala ko ba hindi na muna natin pag-uusapan yung tungkol jan?
Divine: Oo nga.
Slater: Ayan. Tapos na, masakit pa ba?
Divine: Konti na lang, malayo naman ito sa bituka, thanks nga pala.
Slater: It’s okay, may ¼ guilt akong naramdaman kaya nag-alala ako sayo.
Divine: Bakit naman?
Slater: Syempre, ako kasama mo nun tapos nagkaganyan ka.
Divine: Ganon, okay na ako, salamat ulit.
Slater: Sige magpahinga ka muna jan, tawagin na lang kita pag kakain na tayo. Mamaya ka na lumipat sa kwarto mo after kumain.
Divine: Sige.
Paglabas ni Slater.
Divine: Infairness ang bango ng kwarto niya, lalaking-lalaki ang dating.
Palingon-lingon sa buong kwarto si Divine. Hangang-hanga siya dahil ang linis nitong tao. Hindi makalat sa mga gamit, nakita niya ang isang table sa tabi ng kama, may mga pictures.
Kinuha niya ang picture ng isang babae, maganda ito, at ang ngiti niya ay parang sobrang saya nito.
Divine: Girlfriend kaya ito ni Slater.
May napansing nakasulat si Divine sa baba ng picture.
Divine: Stacy? So siya pala yung kapatid ni Slater. Ang ganda pala niya, mag ka-level sila ni Kymie, mahal na mahal talaga ni Slater ang kapatid niya.
Ibinalik na ni Divine ang picture sa table, pagkababa niya ay may nakita siyang picture na nakataob.
Tinignan niya iyon. Nagulat siya ng...
Divine: Kymie? Bakit mayroong picture si Kymie dito?
May X pang nakalagay sa mukha ng picture.
Divine: Ang laki talaga ng galit niya kay Kymie, paano kung hindi talaga siya naniniwala sa akin at sinasakyan lang niya ako para sa huli niya ako sasaktan? (sa isip niya)
Hindi napigilang maluha ni Divine, natatakot kasi siya sa pwedeng mangyari.
Kaagad na binalik ni Divine sa ayos ang picture at nagpunas ng luha ng may biglang kumatok sa kwarto.
Slater: Kakain na, kaya mo na bang maglakad?
Iniwasan niya ito ng tingin.
Divine: Oo, kaya ko na.
Pero bigla siya ulit napaupo sa kama. Kaya kahit ayaw niya, binuhat ulit siya ni Slater.
Habang kumakain.
Slater: Okay ka na ba?
Divine: Oo.
Konti lang kinain ni Divine, gusto na niya pumanik sa kwarto pero hindi pa tapos si Slater, hindi pa niya kasi kaya maglakad kaya no choice siya.
Maya-maya.
Slater: Hatid na ba kita sa kwarto mo?
Divine: Oo.
Slater: Galit ka ba?
Divine: Hindi, bakit?
Slater: Bakit ganyan ka?
Divine: Wala naman., masama lang pakiramdam ko.
Slater: Sige.
Pagdating sa kwarto.
Slater: Pag may kailangan ka tawag ka lang.
Divine: Okay, salamat.
Paglabas sa kwarto ni Divine ay agad namang pumasok sa kwarto niya si Slater.
Humiga siya agad sa kama. Tulad ng nakasanayan niya gabi-gabi niya tinitignan ang picture ni Stacy.
Pero nakita niya ang picture ni Kymie, iba ang ayos, nakaharap ito..
Slater: Hindi kaya nakita ito ni Divine?
BINABASA MO ANG
SlaVine - Sweetest Revenge (Completed)
FanfictionThis story is dedicated to my Co- SlaVine Fans <3