Maaga nagising si Divine. Kaya pagkatapos niya mag-ayos ay bumaba na siya para tulungan si manang Luz sa kusina. Pero nagulat siya kung sino ang nagluluto.
Divine: Slater?
Slater: Gising ka na pala, gutom ka na ba? Tara na kumain na tayo.
Divine: (smile) Ano meron?
Slater: Wala, bakit?
Divine: Parang ang bait mo ata ngayon? Good mood?
Slater: Diba sabi mo gusto mo maging magkaibigan tayo, so ayan. I’m just being friendly.
Divine: Talaga, thanks.
Habang kumakain sila. Iniabot ni Divine kay Slater ang ipapadalang sulat para kay Kymie.
Divine: Ito nga pala yung sulat.
Pagkakuha ni Slater.
Slater: Sige, papadala kaagad natin ito kay mang Eting sa bayan para maihulog na.
Divine: Thanks. hindi mo ba babasahin?
Slater: Hindi na lang. (smile)
Divine: Okay.
Hindi alam ni Divine na nabasa na iyon ni Slater nung natutulog siya.
Lumipas ang mga araw, tulad ng usapan ay lalo sila naging close. Lagi na din sila nag-aasaran at nagkukulitan.
Naisipan ni Divine na magluto ng lunch para kay Slater..
Divine: Ano gusto mong lutuin ko for lunch?
Slater: Marunong ka ba magluto?
Divine: Oo naman. Tingin mo sakin, walang alam sa mundo? (laughs)
Slater: Hindi naman, sige kare-kare.
Divine: Favorite ko yun ah. Sige.
Slater: Pareho tayo.
Pagkatapos magluto ay sabay2x sila kumain.
Luz: Ma’am ang sarap naman po ng luto mo.
Slater: Oo nga, sarap ah.
Divine: Thanks.
Luz: Pwede na po pala namin iwan si sir Slater sayo. (sabay tawa)
Divine: Ikaw talaga manang.
Slater: Aalis nga pala ako maya-maya manang, alam mo na kung saan ako pupunta, magpapahangin lang.
Divine: Saan? Sama naman ako.
Luz: Nako ma’am, di nagsasama si sir Slater doon, gusto niya siya lang lagi mag-isa.
Divine: Ganon po, uy Slater, sama naman ako. Bored na ko dito eh.
Slater: Hindi pwede.
Divine: Sige na please.
Slater: Sige na nga.
Luz: Ayun naman si sir pag si ma’am Divine di matanggihan.(tumatawa)
Slater: Ok lang yun manang, minsan lang naman.
Papunta na sila sa paboritong lugar ni Slater. Excited si Divine, buong akala niya ay lalabas sila sa isla.
Divine: Saan tayo pupunta?. Hindi ba tayo sasakay ng yate?
Slater: Hindi, dito lang din tayo.
Divine: Ganon, kala ko pa naman. Pero teka, ang lawak nito at ang ganda, sa inyo talaga ito? Super yaman niyo naman.
Slater: Hindi naman, nakikita mo ba yung maisan na yun?
Divine: Oo. Bakit?.
Slater: Nung bata ako, kapag nag-aaway sila mommy at daddy, doon ako lagi pumupunta.
Divine: Ano meron dun?
Slater: Mais!.(tumatawa)
Divine: FUNNY! Di nga?
Slater: Parang yun na kasi yung comfort zone ko, tapos kukuha ako ng mais, dudurugin ko yung mga butil dahil sa inis ko, pagkatapos nun, okay na ako.
Tumawa ng malakas si Divine.
Sumimangot si Slater
Slater: Tawanan daw ba ako?
Divine: Nakakatuwa kasi yung way mo para maging okay ka, super childish.
Slater: Nakasanayan na kasi. Komportable ako pag ginagawa ko yun.
Divine: Ako naman, dinadaan ko ang lahat sa sulat.
Slater: Bakit?
Divine: I’m a writer, kaya pag may mga trials, sulat lang ako ng sulat ng kung ano-ano. Tapos okay na ako.
Slater: Talaga? Hindi ba masakit pag sulat ng sulat?
Divine: (Smile) Hindi. Mas masakit yata yung magdurog ng butil ng mais eh.
Tumakbo si Divine at tawa ng tawa. Hinabol naman siya ni Slater.
Slater: Lagot ka sa akin pag naabutan kita.
Divine: (laughs) Kung maaabutan mo.
Hanggang sa.....
Divine: Ouch!
Slater: Hey? Anong nangyari? Nasaan ka?
Divine: I’m here, help.
Nakita ni Slater si Divine na nakaupo sa damuhan at may dugo ang tuhod.
Kaagad siyang lumapit.
Slater: Anong nangyari?
Divine: Kumalawit yung tuhod ko doon.
Tiningnan ni Slater ang kamay ni Divine kung saan nakaturo.
Slater: Bakit ba kasi dito ka dumaan, delikado dito.
Habang nagsesermon kay Divine ay kinuha ni Slater ang panyo sa bulsa niya. At tinalian agad ang dumudugong sugat ni Divine.
Divine: Aray! Hindi ko naman alam, di mo kasi sinabi na delikado pala dun.
Slater: Pasaway ka kasi, di ka marunong magtanong! Tara na sa mansiyon para magamot natin yan.
Nakita ni Slater na hirap na hirap maglakad si Divine kaya binuhat niya iyon.
Kahit may sugat ay hindi na maramdaman ni Divine ang sakit. Dahil masaya siya na buhat-buhat siya ni Slater. Hindi niya alam kung bakit pero nakangiti pa din siya sa kabila ng sakit. Tinignan niya si Slater at bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
BINABASA MO ANG
SlaVine - Sweetest Revenge (Completed)
FanfictionThis story is dedicated to my Co- SlaVine Fans <3