Chapter 6

71 0 0
                                    

Hapon na nakauwi sina Slater at mang Eting sa mansiyon.

Slater: Manang nasaan si Kymie?

Luz: Kymie?  Sino po yun sir?

Sumimangot si Slater.

Slater: Si Divine pala.

Luz: Ah, nasa may kwarto po niya. Simula nung umalis po kayo hanggang ngayon di pa siya lumalabas doon.

Slater: Ganoon ba, sige puntahan ko muna.

 Nag-iisip ng malalim si Divine ng biglang may kumatok sa kwarto kaya nagulat siya.

Pagbukas,

Divine: Bakit?

Slater: Ayan na! (sabay abot sa mga paper bags na dala niya)

Divine: Ano ito?

Slater: Baka gusto mo tingnan.

Pagtingin ni Divine ay puro mga damit,  kaya pala pumunta ng bayan ito ay upang bilhan siya.

Divine: Bakit binilan mo ako?

Slater: Ayoko kasi sa mga babaeng nakasuot lang ng bathrobe ng isang buong araw, mukhang flirt tingnan.

Sumimagot si Divine.

Divine: Thank you.

Hindi sumagot si Slater.  Tatalikod na sana ito ng....

Divine: Slater?

Slater: Bakit?

Divine: Pwed ka ba makausap?

Slater: Tungkol saan na naman?

Divine: Yung gusto ko patunayan sayo.

Slater: Hmm, sige.

Pumasok si Slater sa kwarto at nag-usap sila.

Slater: So. Ano yun?

Divine: Alam ko kung ano ang address ni Kymie sa America. Let’s have a deal?

Nag-isip si Slater.

Slater: Seryoso ba talaga siya na hindi siya si Kymie? Paano kung totoo nga? Damn!  Hindi pwede ito, wag ka maniwala Slater! (sa isip niya)

Divine: Uy!

Slater: Oh? sige ano yun?

Divine: Susulatan ko si Kymie sa America, kapag sinagot niya iyon ay ibig sabihin totoo ang mga sinasabi ko at papakawalan mo na ako dito. Pero pag hindi niya sinagot ay ako na mismo ang kusang lalapit sayo para magawa mo na ang mga bagay na gusto mo, ano..deal?

Slater: (Nag-iisip) Hmm.  Okay.

Divine: Thanks, may isa pa akong gusto.

Slater: Ano yun?

Divine: Pwede bang sa ngayon muna maging okay tayo? Ang hirap kasi para sa akin na walang makausap, hangga’t di dumadating ang resulta sana maging magkaibigan muna tayo.

Slater: (Smile) Okay.

Pagkababa ni Slater ay agad ginawa ni Divine ang sulat niya na ipapadala kay Kymie.

Halos mga 2 oras din niya iyon ginawa, pagkatapos ay di niya namalayang nakatulog na siya.

Luz: Sir,  kakain na po tayo.

Slater: Sige, si Divine po paki tawag.

Luz: Ay, kanina ko pa po tinatawag pero di sumasagot, baka po nasa cr.

Slater: Ganoon po ba, sige tingnan ko muna.

Kumakatok si Slater sa kwarto.

Slater: Divine, kakain na.

Walang sumasagot.

Slater: Divine, pasok na ko ha.

Pinihit ni Slater ang door knob.

Nakita niyang natutulog si Divine sa may study table.

Lumapit siya dito.

Iyon ang unang pagkakataon na napagmasdan niya ng malapitan ang mukha ni Divine.

Slater: You’re so beautiful.  I admit, your perfect. No man can reject your beauty, saying kung hindi mo lang sana niloko ang kapatid ko, baka magustuhan din kita. (in his mind)

Napatigil si Slater ng may makitang papel sa table, kinuha niya at binasa.

Iyon ang sulat ni Divine para kay Kymie.

Kumunot ang noo ni Slater pagkatapos mabasa ang sulat.

Slater: Gusto na ng puso ko na maniwala sa mga sinasabi mo pero ayaw ng isip ko. Dahil pag naaalala ko si Stacy, lumalabas na naman ang pusong bato ko. Hintayin ko na lang siguro na dumating ang resulta para maliwanagan ako.

Bago siya lumabas ng kwarto ay kinuha niya ang kumot at inilagay niya iyon sa katawan ni Divine.

SlaVine - Sweetest Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon