Chapter 9

70 0 0
                                    

Flashback.

Luz: Sir, diba po si ma’am Divine itong nasa picture? Nakita ko lang po nakakalat sa kwarto niyo nung nilinis ko iyon kaya tinabi ko, bakit po may X sa mukha yan?

Slater: Hindi ko alam, matagal ko na itong hinahanap. Buti po at natabi niyo, salamat.

Luz: Okay po sir.

Sa kwarto, pinagmamasdan ni Slater ang picture ni Kymie.

Slater: Kymie Smith, your so georgeus.  I think if you not cheated to Stacy,  there’s a possibility that I will like you, pero bakit parang iba ang Kymie na nakilala ko noon at Kymie na kasama ko ngayon? Naguguluhan ako sa nararamdaman ko.  Habang matagal kaming nagkakasama parang nagugustuhan na kita!.  Wala ito sa plano ko, dapat ay ikaw ang magkagusto sa akin kaya lahat ng ginagawa ko pagiging mabuti ay sinasadya ko talaga. I hate this feeling na masaya ako pag kasama ka!.

End of Flashback.

Kinabukasan.

Hindi pa din pinapansin ni Divine si Slater.  Iniiwasan pa din niya ito..

Kapag gusto ni Divine ng kausap ay si manang Luz na lang ang lagi niyang kinakausap.

Tinutulungan niya si manang sa kusina ng....

Slater: Manang Luz, aalis po ako. Kayo na munang bahala dito sa bahay.

Luz: Saan po kayo pupunta?  Sige po, ano po gusto niyo lutuin ko mamayang gabi?

Slater: Kayo na po ang bahala, di po ako uuwi mamaya.  Mga 3 days po ako mawawala, may aasikasuhin lang po ako.

Luz: Ganoon po ba sir,  sige po.  Ingat.

Nakikinig lang si Divine sa kanila.  Nagulat siya sa sinabi ni Slater.  Ang akala nga niya ay magpapaalam sa kanya si Slater pero hindi siya pinansin nito.

Divine: Ano naman kaya aasikasuhin nung lalaking ito?  Isnabero pa ahh!   Ako ngai tong galit sa kanya pero parang mas galit pa siya,  bahala nga siya!  Wag na sana siyang bumalik dito.  (sa isip niya)

Pagkatapos kumain ay  balisang pumasok sa kwarto niya si Divine. Hindi niya alam kung bakit.  Bored na bored na siya kaya lumabas siya at naglakad-lakad sa labas ng mansiyon. Sa ilang araw na niyang nakatira doon ay ngayon  lang niya napansin ang mga iba’t ibang magagandang bulaklak na nakatanim sa garden. Pumitas siya ng isang flower na kulay lavender. Nagpatuloy pa din siya sa paglakad ng may makita siyang isang duyan na nakasabit sa malaking puno, umupo siya doon, sumasabay sa simoy ng hangin ang malamlam na pagtulak mula sa likuran para makapag duyan siya. Sarap na sarap siya sa pakiramdam habang ginagawa niya iyon, nawawala ang pagka-inip niya. Lumipas ang tatlong araw ay ganoon pa din ang ginagawa niya para mawala ang mga iniisip. Kumuha ulit siya ng bulaklak at pumunta sa duyan.  Nang wala siyang mapag tripan ay pinagmasdan niya ang bulaklak,  mayroon itong 6 petals. May naisip siyang bigla dahilan kaya ay nangiti siya.

Divine: Gawin ko kaya?  Hmm, pag maganda ang kinalabasan, ibig sabihin pag uwi niya dito mamaya ay papansinin niya ko, pero pag hindi, galit pa din siya sa akin.

Pinitas ni Divine ang isang petal.

Divine:

#1. She love’s me.

#2. She love’s me not.

#3.She love’s me.

#4. She love’s me not.

#5. She love’s me.

#6. She love’s me not.

Napasimangot si Divine.

Divine: Bakit ba kasi ginawa ko yung ganitong ka childish na bagay?  Tumigil ka na Divine!.

Hinagis niya sa lupa ang tangkay ng bulaklak.

Pinagmasdan ni Divine ang paligid, ng matanaw niya ang maisan kung saan naging masaya at nasaktan siya. Masaya dahil kasama niya si Slater pero nasaktan siya ng maaksidente siya doon.

Naisipan ni Divine na pumunta ng maisan, nang makarating siya ay dumeretso siya sa isang sulok na mayroong punong kahoy na pwede niya upuan, nagandahan siya sa isang mais na hindi pa ganoon ka hinog, maliit lang ito, kaya pinitas niya.

Bigla niyang naalala si Slater ng pinagmamasdan niya ang mais.

“Slater: Nagiging okay ako kapag dinudurog ko yung mga butil ng mais”

Hindi namalayan ni Divine na kalahati na mais ang nadudurog niya habang iniisip si Slater.

Ayaw niyang isipin ito pero hindi niya maiwasan, lalo na ngayon na ilang araw na itong wala at iniwanan lang siya sa mansiyon ng ganon-ganon lang.

Pinagmamasdan pa din niya ang mais ng buhat sa likuran ay may tumawag sa kanya.

SlaVine - Sweetest Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon