Chapter 5

83 0 0
                                    

Sinuntok ni Slater ang pader sa kwarto niya.

Slater: Anong nagyayari sayo Slater?  Kailan ka pa nahiya sa ganoong bagay? Besides, isa yun sa mga plano mo diba  Making her fell in love w/ you. Nandoon na yung opportunity, yung moment, tapos umalis ka pa! Ang tanga mo Slater! nakakainis ka. Pero  teka,  bakit parang hindi siya marunong humalik? halatang nangangapa lang siya kanina para masundan ang paghalik ko. I thought she’s good in bed kaya niya naagaw si Carlo kay Stacy. Baka naman niloloko lang ako ng babaeng yun? painosente hmm, wag ka maguluhan Slater, nanlilinlang lang yun, nanglilito para pakawalan ko na siya, damn her!  I hate her!.

Inayos ni Divine ang sarili at nag shower.

Habang naliligo ay sinasampal-sampal niya ang sarili.

Divine: Bakit ka pumayag na gawin niya sayo yun Divine? Nagmukha kang tanga kanina alam mo ba yun?  siya pa mismo yung tumigil, nakakahiya.

Hinawakan niya ang labi niya.

Si Slater ang unang nakahalik dito.

Pagkatapos niya mag shower saka palang niya naalala na wala nga pala siyang damit.

May nakita siyang bathrobe na nakasabit sa cr, kaya sinuot na muna niya iyon.

Hinintay niya muna matuyo ang buhok niya bago matulog.

Nagising si Divine ng maaga. Hindi siya sanay makitulog sa iba, kaya namamahay pa siya.

Suot pa din niya ang bathrobe. Pumunta sa cr at  naghilamos.

Pagkatapos ay bumaba na siya.

Naabutan niyang kumakain sina manang Luz, mang Eting at Slater.

Luz: Ma’am Divine gising na po  pala kayo, halika na po kayo dito at kumain.

Ngiti lang ang sagot ni Divine.

Nakatingin lang sa kanya si Slater.

Slater: Bakit bathrobe lang ang suot niya?  nang-aakit ba siya?  Buti na lang talaga maganda at sexy ka, kung hindi baka matagal ko na dapat ginawa ang dapat kong gawin..(sa isip niya)

Luz: Ma’am bakit po naka bathrobe lang kayo?

Slater: Mang Eting, nakahanda na ba ang yate? samahan mo ako sa may bayan ngayon.

Eting: Opo sir, okay na ngayon na po ba tayo aalis?

Slater: Oo, tara na po,  Manang Luz,  ikaw na muna bahala dito. May gagawin lang ako.

Luz: Sige po sir, ingat po.

Pag-alis nila Slater at Eting.

Divine: Iniiwasan niya ba ko?  Dahil sa nangyari kagabi?  Kapal talaga niya, dapat nga ako pa ang umiwas eh! (sa isip niya)

Luz: Ma’am okay lang po ba kayo?

Divine: Okay lang po ako, saan pupunta yun?

Luz: May bibilin lang daw po sa bayan.

Divine: Okay po.

Luz: Ma’am pwede po ba ako magtanong?

Divine: Sure po.

Luz: Ano pong trabaho mo?  And paano kayo nagkakilala ni sir.

Divine: I’m a writer po, and nagkakilala kami kasi..............

Kaibigan niya yung kakambal ko.(pagsisinungaling niya)

Luz: Talaga po may kakambal kayo? Writer din ba siya?

Divine: Hindi po, model siya.

Luz: Ah talaga po, pareho pala sila ng kapatid ni sir.

Divine: Sino?

Luz: Si ma’am Stacy po, sa totoo lang, nakakahinayang po kasi wala na siya.

Divine: Ah, (Naisip niya bigla na si Kymie nga pala ang dahilan kung bakit namatay ito)

Manang ano po kinamatay niya?

Luz: Nagpakamatay po, pero confidential po kung bakit, ayaw ipasabi ni sir Slater ang totoong nangyari sa kahit kanino, alam mo ba ma’am, akala ko di na ulit ngingiti yang si sir, dahil mahal na mahal niya ang kapatid niya, sila na lang kasi dalawa tapos nawala pa.

Divine: Bakit?  Nasaan  ang parents nila?

Luz: Nasa states po, may kanya-kanyang pamilya. Kaya si Slater ang tumayong tatay at kuya ni Stacy, ngayon wala na siya kaya mag-isa na lang si sir, pero hindi namin siya iiwan.

Divine: Pareho po pala kami nang sitwasyon.  Pero buti may tita ako na nag-aalaga sa akin, buti po ay kaya ni Slater?

Luz: Pinilit po niya, at isa pa, galit na galit siya dun sa babaeng dahilan ng pagkamatay ni Stacy.

Divine: Kaya pa ba niyang magpatawad?

Luz: Siguro po, pero hindi muna sa ngayon.

SlaVine - Sweetest Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon