Chapter 11

75 1 0
                                    

Pababa na ng hagdan sina Slater and Divine ng tumambad sa kanila mula sa baba ang maraming tao na nakapormal na suot, mga may hawak ng glass of wine at nakatingin ito sa kanilang dalawa.

Divine: Ano ito?  Bakit ang daming tao, bumalik ba ako sa pagiging 18 at debut ko na? (sa isip niya)

Napansin ni Slater na nakayuko at nanginginig si Divine habang pababa sila kaya binulungan niya ito.

Slater: Don’t be shy honey.  I’m here.

Divine: (Smile)

Pagkababa nila ay dumeretso agad si Slater sa mga business partners at friends niya,  dala-dala pa din niya si Divine.

Lester: Hi Slater,  nice to be back here, the last time I’m here was Stacy’s birthday.

Napasimangot si Slater, ayaw niya kasi na binabanggit na ang kapatid niya simula nung namatay ito.

Lester: Ooops,  sorry.  By the way, Is that your girlfriend?

Sheryl: Wait a minute.  I think I know her.  Hmm.. Kymie Smith?  your a model right?

Hindi alam ni Divine ang isasagot niya, kinakabahan siya.

Divine: Sikat pala talaga si Kymie, grabe. (sa isip niya)

Slater: Lester,  nope but soon.

Lester: Cool.

Nagulat si Divine sa sinabi ni Slater.

Divine: May balak ba siyang ligawan ako?  Baka joke lang, baka ginawa lang niya akong front para walang lumapit sa kanyang ibang babae.

Kanina kasi habang may kausap si Slater ay palingon-lingon lang si Divine, may nakita siyang isang group ng mga magagandang babae na nakatingin kay Slater at sa kanya, naisip niya na may gusto  ito kay Slater. Di niya masisisi ang mga ito, napaka gwapo kasi ni Slater.  Lalo ngayon na naka toxido pa ito, masyadong pormal and yet,  lutang na lutang ang kagwapuhan.

Maya-maya ay iniupo na ni Slater si Divine at nag umpisa na silang kumain.  Tulad ng pangako ay laging nakaalalay lang sa kanya si Slater kahit anong gawin niya, kaya hindi na rin siya masyado nahiya.

Habang kumakain, lumingon-lingon si Slater sa paligid dahil hinahanap niya si manang Luz.  Nang mapansin niya ang ilang lalaki na nakatingin sa table nila, hindi niya alam kung bakit ito nakatingin sa kanila,  tinignan niya mabuti kung saan nakatingin ang mga ito at nakitang titig na titig ito kay Divine.

Hinawakan bigla ni Slater ang bewang ni Divine para ipakita sa mga ito na  ---  ”She’s mine”

Nagulat naman si Divine pero hindi niya pinahalata,  nginitian lang niya si Slater.

Tapos na silang kumain, maya-maya ay may babaeng lumapit kay Slater,  bumulong ito, pagkatapos ay nagpaalam siya kay Divine na may kakausapin lang daw siya sandali.

Slater: Wait for a while honey.  I need to fixed some stuffs.  I’ll be right back,  promise.

And then he kissed Divine in her forehead.

Divine: Okay,  take care.

Walang magawa si Divine, hinihintay lang niya si Slater.

Biglang tumugtog ang sweet dance.  Nagsitayuan ang ibang guests at pumunta ito sa kanya-kanya nilang partner.

May isang lalaki na kumausap kay Divine at tinatanong kung pwede daw ba siya makipag sayaw ditto, pumayag naman si Divine, baka kasi sabihin ay masungit siya. Iyon ang 1st dance niya,  gustuhin man niyang si Slater ang una ay hindi naman pwede dahil umalis ito,  pero pwede naman niya itong hintayin pero nahiya siya sa lalaki na nag-alok sa kanya.

Mga dalawang minuto pa lang siya naisasayaw ng lalaki ay may isang lalaki na naman ang lumapit sa kanya----  asking her permission to dance with her.

Syempre ay hindi siya tumanggi.

Nagdaan ang mga oras, walang hinto sa kasasayaw si Divine,  ang dami kasing lumalapit sa kanya, kahit pagod na pagod na siya ay pumapayag pa din siya, lahat na ata ng lalaki sa party ay gusto siyang isayaw. Ayaw din niyang ipahiya si Slater kaya pumapayag siya.

Divine: Last na talaga ito!  Kapag may lumapit pa sa akin,kahit sino pa yan ay tatangihan ko na.

Pagkatapos sumayaw ni Divine ay umupo na siya sa upan niya, humihingal, hindi niya napansin na oras na pala ang nagdaan, pagod na pagod na siya.

Nagulat siya ng may isang kamay na naman ng lalaki ang gustong kunin ang kamay niya.

Tatanggihan na sana niya ito ng bigla itong nagsalita.

Slater: May I dance with you honey?

Napatingin sa kanya si Divine, at dali-dali niyang inabot ang kamay niya kay Slater.  Parang nawala lahat ng pagod niya.

Dinala siya ni Slater sa gitna, biglang sabay tumugtog naman ang kantang Valentine.

Hinawakan ni Slater ang bewang ni Divine, habang nakahawak naman ang mga kamay nito sa balikat niya.

Napansin ni Divine na nakatingin sa kanila lahat ng guests, kaya nahiya na naman siya.

Slater: Don’t be shy honey, your so beautiful tonight.

Habang nagsasayaw ay di nila napansin na yakap-yakap na pala nila ang isa’t isa.

Nakatingin pa rin ang lahat ng guests at halatang kinikilig sa kanilang dalawa, pero ang ibang babae ay nakasimangot dahil may gusto sila kay Slater.

Habang nagsasayaw ay nag-uusap din sila ng mga bagay-bagay. Nagtatawanan lang sila, hindi na nila naiisip na may mga ibang tao na na nakatingin sa kanila..may sarili na silang mundo at sobrang saya nila.

Natapos ang party, sobrang pagod si Divine kaya umupo muna siya agad sa sala.

Slater: Tired?

Divine: Super.

Slater: Nakita ko nga, halos lahat ng lalaking guest nakasayaw mo yata.

Divine: Di naman.

Slater: Nako, tara na nga, hatid na kita sa kwarto mo.

Divine: Sige.

Sa kwarto ni Divine.

Divine: Thanks kasi pinalakas mo loob ko kanina.

Slater: Wala yun.

Divine: Sige na, matulog ka na ah,  thanks and goodnight.

Bigla niyang hinalikan si Slater sa pisngi. Nagulat siya kaya tumalikod siya agad at papasok na sana ng kwarto ng biglang..

Hinarap siya ni Slater at hinalikan sa labi.

Hindi niya ito sinaway, sumunod lang siya sa galaw ng mga labi ni Slater.

Marahan lang nung una, pero nung mga sumusunod ay bumibilis at nagiging mabigat na ito, nakahawak sa bewang niya ang isang kamay ni Slater at ang isa naman ay nakahawak sa mukha niya. Bumaba ang kamay nito at dumeretso sa likod niya, nag-iinit na sana silang dalawa ng biglang..

Luz: Ehem, ma’am, sir,  pwede pong sa kwarto gawin yan.

Nagulat ang dalawa.  Namula naman si Divine, nagkatinginan na lang silang dalawa at nagtawanan.

Luz: Goodnight sir and ma’am, enjoy your night.

Divine: Ikaw talaga manang, goodnight.

Pagka-alis ni Luz.

Slater: Wrong timing ni manang.

Divine: Ikaw talaga,  isa ka pa.

Slater: Pwede ba akong matulog jan?  Ngayon lang. (evil smile)

Divine: Ay nako,  tumigil ka.  Matulog ka na nga, bukas na lang.  Goodnight.

Slater: Okay, swetdreams honey,  goodnight.

SlaVine - Sweetest Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon