Habang nagkukulitan sila ay biglang may iniabot na sulat si Eting kay Slater.
Divine: Ano yan?
Slater: Hindi ko alam.
Kinuha ni Divine ang sulat mula kay Slater.
Ngumiti siya ng may makitang Kymie sa envelope, inisip niya na baka sumagot na ang kakambal sa pinadala niyang sulat dito.
Pagkabukas niya, nagulat siya sa nakita.
Divine: Bakit bumalik ang sulat ko?
Tiningnan ni Divine si Slater at nakitang tumaas ang kilay nito.
Divine: No! Bakit hindi niya sinagot ang sulat ko!
Slater: I’m full, naalala kong may gagawin nga pala ako, manang Luz, kayo na muna bahala dito sa bahay, may gagawin lang muna ako.
Luz: Okay po sir.
Pag-alis ni Slater.
Luz: Ma’am okay lang po ba kayo? Ano po ba yan?
Divine: Sige po manang, sa kwarto muna po ako, mejo sumama kasi ang pakiramdam ko.
Luz: Okay po.
Pag-alis ni Divine.
Luz: Eting, ano ba yun?
Eting: Hindi ko alam ey.
Pagkapanik sa kwarto ay agad humiga sa kama si Divine.
Divine: Ano ba talagang nangyayari sayo Kymie? Bakit lagi mo na lang ako ginaganito. Lagi mo ko pinapahiya! Laging pinag-mumukhang tanga! Simpleng sulat lang hindi mo pa nasagot! Ganyan ka ba ka bc? Oh ganyan lang talaga ako para sayo, parang walang kwentang tao.
Iyak ng iyak si Divine.
Divine: Ano na lang ang sasabihin sa akin ni Slater, kung kailan pa naman na parang mahal ko na siya, bakit ngayon pa nangyari ito! I hate you Kymie! I super hate you! Selfish ka! Selfish!
Hindi mapigilan ni Divine ang pag-iyak hanggang sa humahagulgol na siya, hindi niya kasi alam ang gagawin, ngayong napatunayan na ni Slater na siya nga si Kymie kahit hindi naman, dahil nga sa hindi pagsagot nito sa sulat.
Nag-iisip si Divine kung paano siya magpapaliwanag kay Slater, lahat gagawin niya para lang maniwala sa kanya ito.
Divine: Itutuloy kaya niya talaga ang pagpatay sa akin? Pero ang usapan ay usapan, kaya hindi dapat ako magreklamo kung ano ang magiging desisyon niya, ang sakit lang kasi, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, ang magmahal, ang may mag-alaga, pero siguro nga pagpapanggap lang ang lahat, galit ang nagsimula nito kaya galit din ang siguradong wakas.
Lalong humagulgol si Divine sa mga naiisip niya..para siyang isang bata na naagawan ng candy ng kapwa niya bata, galit siya kay Kymie, pero mas galit siya sa sarili niya dahil hinayaan niyang mahulog ang puso niya sa isang taong alam niya na puro galit ang nararamdaman.
Nang handa na ay bumaba si Divine sa kusina para tanungin si manang Luz kung umuwi na ba si Slater.
Luz: Ma’am bakit po namumugto ang mata niyo?
Kumuha si Divine ng isang basong tubig at ininom ito.
Divine: Umuwi na po ba si Slater?
Luz: Opo, nasa kwarto na po niya.
Hindi na inubos ni Divine ang tubig sa baso at agad nang pumanik papunta sa kwarto ni Slater.
Kumatok siya dito.
Agad namang binukas ni Slater.
Divine: Pwede ba tayo mag-usap?
Slater: Tungkol saan?
Divine: Sa resulta.
Slater: You don’t need, makakaalis ka na.
Nagulat sa Divine sa sinabi ni Slater. Pero hindi niya pinansin ito at pinilit niyang pumasok sa kwarto ni Slater, nang makapasok ay hinila niya ito at sinarado ang pinto.
Divine: Marunong akong tumupad sa usapan, gawin mo na ang dapat gawin sa akin at pagkatapos, kill me.
Nagulat si Slater sa narinig, pero hindi pa rin siya gumalaw sa kinatatayuan niya.
Lumapit siya kay Slater at biglang unti-unti niyang tinatanggal ang butones ng blouse niya, handa na siyang hubarin ito ng biglang may malakas na hampas ng kamay ang dumapi sa kanang pisngi niya.
Slater: Stop it! You don’t have to do this!
Ramdam na ramdam ni Divine ang kamay ni Slater na bumakat sa pisngi niya.
Divine: Pero ito ang gusto mo diba? Ang mapaghigantihan ako!.
May kinuha si Slater ng mga papeles at hinagis niya ito kay Divine.
Slater: Bakit duwag ka ha! Bakit hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo Divine Smith!.
Nagulat si Divine sa narinig, dahil iyon pa lang ang unang beses na tinawag siya sa totoo niyang pangalan ni Slater, pinulot niya sa sahig ang papeles na hinagis sa kanya ni Slater.
Nakita niya ang mga pictures nila ni Kymie na magkasama, pati na rin ang birth certificate nila.
Divine: Saan mo nakuha ito?
Slater: Naalala mo ba nung tatlong araw ako nawala? Bukod sa pag ayos ko ng kompanya ay nag hire ako ng private investigator para malaman ang katotohanan, masaya ako sa nalaman ko, pero ngayon, I’m so disappointed to you! Bakit hindi mo pinagtanggol ang sarili mo? kahit alam mong tama ka, porke hindi nasagot ng Kymie na yan ang sulat hahayaan mo na lang saluhin ang dapat na parusa para sa kanya? Isa kang duwag Divine Smith! Duwag!.
Nakita na lang ni Divine ang sarili na humahagulgol na naman, pakiramdam niya ay mas masakit ang mga sinabi ni Slater sa kanya kesa sa pagsampal ng malakas sa pisngi niya.
Slater: You have your freedom now, bukas na bukas, makakaalis ka na.
Iyon lang at sabay talikod na si Slater.
Umalis na si Divine at pumunta sa kwarto niya.
BINABASA MO ANG
SlaVine - Sweetest Revenge (Completed)
Hayran KurguThis story is dedicated to my Co- SlaVine Fans <3