Chapter 4

80 0 0
                                    

Nag-iisip pa din si Divine ng may kumatok sa kwarto.

Luz: Ma’am Divine, kakain na po, pinapababa kayo ni sir Slater.

Ayaw sana niya gawin para pakitang galit siya, pero kanina pa kumukulo ang tiyan niya.

Divine: Okay po manang,  susunod na.

Tumingin si Divine sa harap ng salamin at napansing suot niya pa din ang damit ni Kymie,  kaya hindi niya masisisi si Slater kung ayaw nito maniwala sa kanya.

Maya-maya,  bumaba na si Divine.

Nagulat siya kung sino ang mga nasa mesa na kumakain.

Si Slater,  manang Luz,  at mang Eting.

Divine: Kailan pa sumabay ang mga katulong sa amo nila?  (sa isip niya).

Slater: Maupo ka na dito at kumain. Huwag ka magtaka kung bakit kasabay natin kumakain sila manang Luz , dahil tinuturing ko silang pamilya.

Divine: Okay.

Tahimik sila habang kumakain

Divine: Mabait naman pala talaga siya  (sa isip niya).

Pinagmamasdan siya ni Slater habang kumakain,

Slater: Kala ko ba conscious pagdating sa pagkain ang mga modelo, ang lakas niya kumain at puro matataba pa mga kinakain niya  (sa isip niya). Divine: Bakit ka nakatngin?

Slater: Wala,  kumain ka lang jan.

Divine: Okay, teka.

Slater: Bakit?

Divine: Wala akong damit pamalit,  pauwiin mo na ko.

Hindi siya pinansin ni Slater.

Manang Luz: Sir, ano mo po ba si ma’am Divine?

Slater: Kaibigan.

Luz: Ah. Okay po.

Divine: Friend daw!  Kung alam nyo lang po, hmm.  (sa isip niya)

Tapos na sila kumain at umakyat kaagad si Divine papunta sa guestroom.

Kagad siyang naupo sa kama at nag-isip kung paano siya makakatakas.

Divine: Napaka duwag mo talaga Kymie!  Hindi mo kayang panindigan ang mga kasalanang ginawa mo.

Paano pag tinuloy ng lalaking yun ang pagpatay sa akin?  Kailangan ko na talaga makatakas.

Umikot-ikot si Divine sa kwarto,  lumabas siya sa may veranda para makapag-isip ng maayos.

Tumingala siya sa langit, ang lamig ng simoy ng hangin,  ang daming mga bituin,  panandalian niyang nakalimutan ang problema at naglabas ng buntong hininga.

Lumingon-lingon siya ng makita niya ang isang lalaki na umiinom sa may veranda,  dun lang niya nakita na magkadugtong pala ang veranda ng kwarto ni Slater at kwarto na tinutuluyan niya.

Divine: Si Slater yun ah.  Bakit kaya siya umiinom?

Nilapitan niya si Slater.

Slater: Anong kailangan mo?

Divine: Paalisin mo na kasi ako, wala kang mapapala sa akin.

Slater: Hindi pa ako tapos sa iyo Kymie, magbabayad ka sa ginawa mo sa kapatid ko.

Divine: Hindi nga ako si Kymie.  I’m Divine.

Slater: Kymie!  Divine!  Whatever, basta magbabayad ka.

Divine: Makakaalis din ako dito, lagot ka pag nangyari yun.

Slater: (laughs) Kung makakaalis ka. Ano gagawin  mo?  Tatakas?  sige kung kaya mo lumangoy at hindi takot sa mga pating,  then go.

Dun lang naalala ni Divine na yate nga pala ang sinakyan nila kaya’t napunta siya sa islang ito.

Divine: Makakaalis ako dito, alam ko!.

Umalis na siya at pumasok ng kwarto.

Sobrang inis na inis siya kay Slater, pero mas inis siya sa kakambal niya.

Dahil dito kaya siya ngayon ang napaparusahan.

Maya-maya ay may kumatok sa kwarto niya.

Pagbukas niya,

Divine: Bakit?

Lumapit sa kanya si Slater.

Divine: Bakit nga?

Umaatras siya.

Lumalapit pa din si Slater, hindi ito nagsasalita.

Atras pa din ng atras si Divine ng di niya namalayang nasandal na siya sa pader.

Divine: Tumigil ka Slater!

Hindi pa din siya sinasagot nito.  Ngiti lamang ang tugon nito sa mga sinasabi niya.

Hanggang sa akmang hahalikan na siya ni Slater.

Napapikit si Divine. Wala pa siyang alam sa mga ganoong bagay dahil wala pa siyang karanasan sa pakikipagrelasyon kaya hindi niya alam ang gagawin niya.

Hanggang sa lumapat na ang labi ni Slater sa labi niya,

Gusto man niya kumawala pero hindi niya alam kung paano.

Sinundan na lang niya ang paggalaw ng labi ni Slater.

Maya-maya ay naramdaman niyang nakahiga na sila sa kama, nabuhat na pala siya ni Slater ng hndi niya alam.  Nag-uumpisa na ding gumalaw kung saan-saan ang kamay ni Slater sa katawan niya, ng biglang.....

Slater: Shit! I can’t!.

Lumabas si Slater ng kwarto at padabog na sinara ang pinto.

Naiwan na tulala sa kwarto si Divine.

Para siyang binuhusan ng sandamakmak na yelo sa kahihiyan.

SlaVine - Sweetest Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon