Chapter 2

154 3 0
                                    

Naghanap si Divine ng mas disenteng damit sa closet ni Kymie,  puro mga t-shirt lang at mahabang palda ang mga damit niya kaya ayaw niya muna suotin ang mga iyon. Sa paghahanap niya ay isang maikling short at spaghetti sando lang ang pnka maayos na damit doon, kaya’t napilitan siyang iyon na lang ang isuot.

Maya-maya ay nagulat siya ng may biglang buhat sa likuran ay tinakpan ng panyo ang bibig niya ng isang lalaki, kaya kahit anong piglas niya ay wala siyang magawa dahil malakas ito, hanggang sa unti-unti siyang nahilo at hinimatay.

******************************************

Tumatakbo ng mabilis si Divine dahil may humahabol sa kanya.

Isang walang mukhang lalaki, takot na takot siya kaya kahit pagod na pagod na ay hindi siya tumitigil sa pagtakbo.

Hindi niya alam kung saan siya papunta, pero bigla siyang nadapa.

Nang hindi na niya kaya tumayo ay malapit na siya maabutan ng lalaki, may hawak itong kutsilyo at papatayin siya.

Sasaksakin na siya ng lalaki,

Divine: Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaag.........

Biglang nagising si Divine at pawis na pawis.

Humihingal siya,

Divine: Huuuu, panaginip lang pala.

Tinignan ni Divine ang paligid, nagulat siya dahil nakahiga siya sa isang kama.

Kaagad niyang tinignan ang katawan niya, at nakahinga ng maluwag ng makitang may suot na damit pa siya.

Tumayo siya at inikot ang paligid.

Sumilip siya sa isang bintana na hugis bilog,

Nagulat siya ng nakita niya ang tubig,   doon lang niya naisip na nasa isang yate pala siya.

Kinabahan siya bigla at inalala kung anong nangyari sa kanya kanina.

Divine: So totoo pala na may kumuha talaga sa akin na lalaki?  Akala ko panaginip lang.

Gusto na niya umiyak,  pero nilakasan niya nag loob niya.

Habang naglalakad siya ay napasigaw siya sa takot ng may nagsalita sa likuran niya,

Lalaki: Gising ka na pala.

Umiinom ito ng wine. ---- gwapo, matangkad, maputi at malaki ang katawan, halatang mayaman.

Divine: Sino ka? Anong kailangan mo sa akin?  (Pagmamataray niya)

Nagsalin ito ng wine sa isa pang baso,

Iniabot niya ito okay Divine.

Lalaki: Uminom ka!

Divine: Are you crazy?

Lalaki: Uminom ka!

Divine: Hindi ako umiinom!

Lalaki: Ohh come on girl, kailan ka pa hindi marunong uminom? Kung ang iba naloloko mo, pwes ako hindi!

Nagtaka si Divine, iniisip niya mabuti kung kilala niya ito pero hindi talaga.

Divine: Hindi nga ako umiinom, bakit ang kulit mo?  Sino ka ba talaga?  Kilala ba kita?

Lalaki: I’m Slater Young, hindi mo ko kilala pero kilalang kilala mo ang kapatid ko!  si Stacy Young.

Divine: Stacy Young?  Sino yun?

Slater: Damn you!  Hindi mo kilala ang kapatid ko?, ang bestfriend mo na inagawan mo ng boyfriend!

Divine: Boyfriend?  Excuse me, wala pa kong nagiging boyfriend!  and teka nga hindi talaga kita kilala.

Slater: Totoo ba sinasabi ng babaeng ito??   Wag ka maniniwala Slater, remember, magaling manloko yan! (sa isip niya).

Hindi mo natatandaan? Na inagaw mo si Carlo kay Stacy.

Divine: Wala akong inaagaw!  Pwede ba,  let me go!

Slater: Hindi!   Uminom ka, pag di ka uminom baka mapatay kita!.

Tinikman ni Divine ang wine sa sobrang takot, pagkainom ng konti ay agad niyang niluwa dahil mapait ito,  at sumuka pa siya.

Slater: Hindi ka lang pala mang-aagaw Kymie Smith!   Saksakan ka pa ng kaartehan!

Agad na umalis si Slater na halatang naiinis.

Divine: Kymie Smith?  Kakambal ko yun  ah!

Dun lang naisip ni Divine na si Kymie pala ang hanap nito at napagkamalan lang siya.

Divine: Kaya pala pinapunta niya ko sa bahay niya!  Lagi na lang niya ako ginagawang sangkalan sa mga problema niya!    Kailangan malaman ng unggoy na yun na hindi ako ang tinutukoy niya!

SlaVine - Sweetest Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon