A/N: Sorry po if may mga wrong typos..... Sana po maintindihan nyo........😁😁😁
ERICKA'S POINT OF VIEW
Nagpatuloy kami sa paghahanap ng exit dawn. Hawak ko ang flashlight na nakuha ko sa bulsa ng Jack na yun na sigurado namang sa akin rin ito dahil ako lang naman ang may ganitong flashlight. Dala naman ni Marjo ang bag nya. Sinabi pa nya sa akin na kung nasira daw yung action figure ni Tae Hyung ay papalitan ko raw yun. Di ko nga inexpect na adik pala sya sa k-pop. Hindi kasi halata sa sobrang kaweirduhan nya. "Nasan ba kasi ang exit dawn na yun?..."
"Bakit parang umulit na tayo?..."
"Hindi kaya.....namamaligno na tayo?..."
"Shhh......tingnan nyo...." napatingin kami kay Emman ng ituro nya ang nasa lupa na may mga tuyong dahon.
"Ano yan?..." kunot noong tanong ni Leonard. Binuhay ko naman ang ilaw ng flashlight kaya napatakip ako sa bibig ng makita kong isa itong tainga. "Ehh...." nangingilong ani Leonard. "Tingnan nyo yung mga patak ng dugo...." napapalunok na saad ni Marjo.
Agad ko namang hinanap ang mga patak ng dugo at nagtagumpay naman akong makita ito. "Yuck naman....kanino kaya yan?...." nakangiwing ani Leonard pero walang sumagot sa kanya. "Sundan natin...." ani Marjo kaya napatango ako. "Di kaya sa mga baliw tayo mapunta?...." nag-aalalang ani Emman.
"Kung iba na ang pakiramdam natin sa dugong iyan ay lumikaw na tayo."
"Oh sige.."
Tumango sila sa sinabi ko kaya nagsimula na kaming sumunod sa mga patak ng dugo.
"Sandali......." napatigil rin sila ng tumigil ako sa paglalakad. Nakita ko kasing may dalawang puno na gaya ng nasa entrance sa bandang unahan.
Tinutukan ko ito ng flashlight at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang lumang karatola. "OMG! Andito na tayo...." napaluha pa ako sa tuwa ng sa wakas ay nakita na namin ito. Nag-sitakbuhan kami palapit roon at pinagmamasdan ang nakasulat ritong....'EXIT DAWN'........
"Sa wakas.....nahanap na natin ang exit dawn..... " naluluha ring sabi ni Marjo.
"Tara na....hanapin na natin ang bus at si Mang Dado...." ani Emman. Muli kong inilawan ang daan at nakaramdam ako ng kaba ng makita kong may mga bakas pa rin ng dugo.
"Shit!...si Mang Dado....." nagtatakbo si Marjo palabas sa pagitan ng dalawang puno.
"Marjo!...." tawag ko sa kanya saka dali-daling pinunas ang luha at nagsimula na ring tumakbo pasunod.
Napatigil kami sa pagtakbo ng tumigil si Marjo na nauuna sa amin. Nagpapalinga-linga sya kaya napatingin na rin ako sa paligid.
YOU ARE READING
DAWN SEEKERS (Completed)
Mystery / ThrillerIsang grupo ng kabataan ang naisipang mag camping upang mabawasan man lang ang stress nila sa kanilang buhay. Pero hindi nila inaasahang may mas nakakastress pa sa mga problema nila.......... At yun ay ang pagtakbo upang mailigtas ang sarili nila. A...
